We Are Meant To be

4.6K 71 13
                                    

GRADESCHOOL pa lamang kami ay minahal ko na siya. Ang Jayvee na itinuring kong matalik na kaibigan, ang Jayvee na itinuring kong pinakamahalaga sa aking buhay, ang Jayvee na ipinagtatanggol ako kapag inaaway ako, at ang Jayvee na madalas kong lapitan kapag may problema ako. Siya ang first love ko. At kailanman, hinding-hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya lang, okay na sana ang lahat kung hindi ko lang inamin sa kanya ang totoo. Hindi raw niya ako kayang ibigin. Ang tingin niya sa akin, kaibigan lang. At hindi niya kayang ibigay ang pagmamahal na hinihingi ko sa kanya. Maisip ko lamang ang bagay na ito’y hindi ko mapigilang maiyak, at nasasaktan sa tuwing ipinamumukha niya sa akin na hindi kami bagay sa isa’t-isa.

Sabagay, sino ba naman ang hindi nagkakamaling magkagusto sa akin? Sa isang tulad ko na pangit, tabatchoy, at walang alam sa mundo. Ni hindi kayang ayusin ang sarili. At naiinis ako sa tuwing ipinamumukha ito sa akin ni Kirby, ang nag-iisa lang naman na taong kinaiinisan ko sa mundo.

Eh sino ba ang hindi matutuwa sa kanya? Sa Kirby na wala nang ibang alam gawin kundi ang paiyakin ako, sa Kirby na madalas akong pag-tripan kapag nakikita ako, sa Kirby na parati akong pinagtatawanan at inaasar, at sa Kirby na sa halip na damayan ako sa mga problema ko, siya pa lalo ang nagpapadagdag sa mga pasanin ko. Makita ko lang siya, nasisira na ang araw ko.

ITINURING KONG napakasamang panaginip ang ginawang pag-iwas sa akin ni Jayvee. At labis kong pinagsisisihan ang araw na nakilala ko ang isang tulad ni Kirby. Ganun pa man, hindi ako tumigil sa kaaasa at kahihintay na balang-araw, magugustuhan din ako ng lalaking pinapangarap ko. At hindi ko hahayaan na ang tulad lang ng Kirby na ‘yon ang sisira sa mga pangarap ko.

Hanggang isang araw, si Jayvee na ang unang lumapit sa akin. Akala ko, babalik na siya sa akin bilang ang dati kong bestfriend. Pero laking pagkadismaya ko nang humarap lang pala siya sa akin para ipakilala ang kanyang girlfriend, bagay na iniyakan ko ng labis.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang mga oras na iyon. Kahit masakit, maluwag kong tinanggap ang kanyang naging pasya alang-alang sa pagkakaibigan naming dalawa. Inintindi ko siya. At nirespeto ang relasyon nilang dalawa ng girlfriend niya. Kahit na ang totoo niyan, lihim akong nasasaktan, umiiyak kapag nag-iisa, at naghahanap ng makakasama.

At kung minamalas nga naman.Kung kailan kailangan ko ng taong masasandalan, si Kirby pa ang hindi ko ini-expect na darating. Inasahan ko na ang kanyang pagtawa, at ang mga masasakit na salitang sasabihin niya sa akin. Pero kailanman, hindi ako nagpaapekto sa kanya. Dahil sa kanya, natuto akong lumaban. Sinasakyan ko na ang mga biro niya, at sinasabayan ang kanyang kapilyuhan.

Akala ko dati, magiging okay na sa akin ang lahat matapos kong iyakan ang isang tulad ni Jayvee. Pero parang biglang nagunaw ang mundo ko nang makarating sa akin ang balitang ……… ikakasal na siya. At ang sakit at kawalang pag-asa ay nagbalik muli sa akin.

Tila isang napakasamang bangungot sa buhay ko ang nangyari sa akin. . Buung-buo kong tinanggap ang mga panlalait at pang-aasar sa akin ni Kirby pero buong buhay kong pinagdusahan ang ginawang pagpapakasal sa ibang babae ni Jayvee. Sa kabila nito, ang mga masasakit na ala-alang iniwan sa akin ni Jayvee at ang mga mapapait na kamalasang naranasan ko sa mga kamay ni Kirby ay ginawa kong inspirasyon para bumangon muli at maging matapang

Iginugol ko ang panahon sa pag-aaral. Ikinapayat ko iyon. Natuto na rin akong mag-ayos sa aking sarili. At pinaghandaan ko ang lahat para sa muli naming paghaharap.

At ngayon, sa aking pagbabalik, isang napakalaking pagbabago ang naganap sa buhay ko. Marami ang nagkagusto at humanga sa akin. Nagkaroon pa ako ng mga masugid na manliligaw.

We Are Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon