Mr. Dreamer Meets Ms. U

1.5K 7 7
                                    

Chapter 1

     “ Wow…!! Super ang ganda niya. Perfect! “ pabulong na sabi ni Poch sa sarili na hindi ikinukurap ang mga mata ng mapagtuonan ng kanyang pansin ang babaing nakapukaw sa atensyon niya. Para siyang namagneto sa taglay nitong kagandahan. Very attractive ito sa kanyang paningin at malakas ang appeal. Bukod sa pang-model ay pang-beauty queen pa ang height nito na kapansin-pansin kung ikukumpara sa pangkaraniwang mga babae na nandun. Mukhang socialite at sophisticated ang dating at sa tingin niya ay suplada at mataray.

     Papalabas sila ng kaibigan niyang si Joseo mula sa malaking grocery store nang makita niya ang babaing iyon. Kaagad siyang nabighani sa mala-anghel nitong mukha at sa ganda ng katawan nito ay masasabi niyang perpektong – perpekto talaga. Para siyang isang buhay na Barbie doll.

     Sino ba naman ang hindi makakapansin sa mala-Bumbay nitong mga mata na parang nangungusap kung tumitig na binagayanng maayos na pagkakahugis na mga kilay at malalantik na eyelashes. Ang mga labi niya ay tila nililok ng isang iskultor sa napakagandang hugis at natural ang mapulang kulay nito. Kapansin-pansin din ang kanyang nag-ro-rosy cheeks na kutis na halatang hindi pinahiran ng meyk-ap. May biloy ito sa magkabilang pisngi na kapag ngumingiti ay higit pang nagpapalutang sa kanyang angking kagandahan. Matangos ang ilong nito na bumagay sa may kaliitin niyang mukha. Bagama’t may bandana siya sa kanyang ulo ay halatang mahaba ang maitim niyang buhok na abot hanggang balikat na bumagay sa taas niyang limang talampakan at siyam na pulgada. Balingkinitan ang kanyang pangangatawan na binagayan ng simpleng kasuotan. Fitted ang maong pants na suot niya na tinernuhan ng pang-itaas na blouse. Naka-flat shoes siya na kakulay ng kanyang blouse na pink. Higit itong naging sexy sa kanyang simpleng kasuotan. She’s almost perfect and sexy, palatak pang sabi sa sarili ng binata.

     “Hey! Anu’t natulala ka na dyan? May ibinubulong ka ba?” puna ni Joseo, ang kanyang matalik na kaibigan na kanina pa pala siya pinagmamasdan. Ngunit nanatili pa ring walang kibo si Poch na parang walang narinig sa sinabi ng kaibigan. Para siyang na-freeze sa kanyang kinatatayuan. Ah! Ano ba’ng nangyayari sa kanya? Namamalikmata ba siya sa kanyang nakitang babae? Nag-iisip o nangangarap ng gising sa babaing labis niyang hinangaan sa unang pagkakataon?

     “Pare, are you okey? “ tanong muli ng kaibigan sa binata saka tinapik ito sa balikat. Nagulat pa ang binata sa ginawang yun ng kaibigan. “Bakit parang nahihipan ka d’yan ng masamang hangin? May problema ba? “ sunud-sunod nitong tanong sa kanya.

     Nagpakawala muna ng isang malalim na buntonghininga ang binata saka tumingin sa kausap.

     “W-wala akong problema. Okey lang ako, “ pagsisinungaling niya. Pero ang mga mata niya’y nakatuon pa rin sa papalayo nang dalaga. Hindi ‘yun nakalampas sa paningin ng kaibigan kaya nagpukol ito ng tingin sa babaing tinititigan ng binatang kaibigan. Maya-maya ay ngumiti ito at saka napailing.

     “ Tsk! Tsk! .Tsk! Napakalaki nga ng problema mo, brad.”

     “ No! I’m okey! “ sambot ni Poch. “May iniisip lang ako.”

     “ You’re okey?” nakangising sabi ni Joseo.  “Come on Poch. I know what you’re thinking of. Wag na tayong maglokohan pa. Pareho tayong lalake. I’m sure you’re imagining that beautiful and sexy girl… he..he..he.. “napahagalpak pa ito ng tawa. Ang tinutukoy nitong beautiful and sexy ay ang babaing nakita nitong pinagtuunan ng pansin nang kaibigan.

     Pinamulahan ng mukha ang binata sa sinabing iyon ng kaibigan. Nasanay na siya sa mga biro nito pero sa pagkakataong ito ay para siyang nakaramdam ng kakaiba. Hindi naman siya napipikon pero hindi rin niya maintindihan ang sarili. Wala naman siyang maililihim na sa kaibigan dahil bistado na nito kung anuman ang ikinukubli niyang damdamin. Nagpukol siya ng tingin sa kaibigan at muling napabuntonghininga.

Mr. Dreamer Meets Ms. UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon