Chapter 01

54 1 0
                                    

** Kasi siya yung unang bumasa nito :) **

HIS POV

Oo! Inaamin ko na isa akong GAGO! Dahil kung hindi nga ako gago, magagawa ko kayang mag-mahal kahit alam ko naman na hindi pwede dahil sa sitwasyon ko!?

May asawa akong tao.. Yeah right! Tama ang basa niyo.. 5 years na din kaming kasal ni Shania Kristelle Hyun. Pero sa limang taon na yun kahit minsan hindi ko man lang siya minahal o kaya naman na totonang mahalin..

Kahit nga ang pag-aralan na mahalin siya hindi ko ginawa.. Naging mahalaga lang siya sakin nung na buntis ko siya.. Dahil sa anak ko naging mahalaga din siya ngunit hanggang dun na lang yun..

Hindi ko siya kayang mahalin sa kabila ng lahat.. Ang bata lang ang mahal ko.. Hindi siya.. Maaaring ina siya ng anak ko.. Pero kahit anong gawin ko sagad sa buto ang galit ko sa kanya..

Pano nga ba kami na punta sa gantong sitwasyon?

Ako din naman ang may kasalanan.. Aminado ako dun.. Dahil kung hindi ko siya ginawang panakip butas wala ako sa gantong sitwasyon.. Ano bang magagawa ko.. Wala ako sa tamang wisyo ng panahon na yun..

Pwede naman siyang umayaw ng panahong yun pero hindi niya ginawa..

Bago niyo ako patayin sa isip niyo.. Alamin niyo muna ang puno't dulo ng lahat..

Iniwan ako ng taong mahal ko.. Try niyo din kaya, anong mararamdaman niyo.. Sobrang sakit diba?! Halos hindi ko na kilala ang sarili ko ng mawala siya sa akin.. Ilang ulit akong nagmakaawa pero wala pa din.. Mahal na mahal ko siya kaya kahit mukhang gago at tanga na ako sa harapan niya wala akong pakialam..

Kung sino man yung babaeng tinutukoy ko.. SECRET na lang daw muna..

Hanggang isang araw nagising na lang ako sa higaan ko katabi si Shania.. Hindi ko alam kung anong nangyari sa aming dalawa.. Kung bakit magkatabi kami at walang saplot sa katawan..

Gulong-gulo ako ng mga oras na yun.. Halos iuntog ko na yung sarili ko para maalala ko yung nangyari eh..

Kaso wala pa din.. Si Shania lang ang nakakaalam ng tunay na nangyari..

Ilang beses ko siyang tinanong kung ano ba talaga ang nangyari.. Isa lang ang sagot niya.. Hindi raw niya alam.. Nakakaloko lang talaga.. Siya yung nasa katinuan nun wala siyang alam.. Liban na lang kong talagang sinadya niya ang lahat ng ito!

May gusto sakin yun eh.. Hindi sa mayabang ako.. Matagal ko na din siyang kilala.. Kaso yung Best Friend niya ang gusto ko.. Kaya hindi ko siya na papansin noon.. Kahit ngaun nga na malapit na siya sa akin..

Hanggang sinabi niya sa akin na buntis siya at ako ang ama.. Peste! Napaka bata ko pa para matali.. At hindi sa kanya.. Pero wala eh.. Inako ko ang bata.. Pinakasalan ko siya hindi dahil gusto ko iyon.. Kundi dahil sa anak ko..

Arghh! Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ko na nagawa pang ipakilala ang sarili ko tsk!

Jared Kent Ford ang lalaking crush ng bayan at bumihag sa puso ni Kyoko Hanna Lee ayos na sana ang lahat may panira lang..

Bakit ba ako namumuhi sa babaeng yun?

Alamin niyo na lang tss..

** NOTE **

Dapat talaga One-Shot lang to eh.. Kaso may nagrequest kaya ayan short story na lang siya.. Super igsi lang talaga nyan.. Hindi porke hango sa tunay na buhay yung story ko lahat ng nandyan ay totoo.. Hindi lahat.. Iniiba ko din.. Para na din sa kapakanan ng mga gumanap..

THANK YOU FOR READING :)

=> eunjie ice

Complicated vs ComplicatedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang