Unang Kabanata-A Typical First Day
"Keva!!!!!!!!! Gumising ka na nga malelate ka na naman sa unang araw ng iyong pasukan"malalim na pagtatagalog ng aking Lola.Nasanay na din ako na lagi akong nitong sinisigawan tuwing umaga dahil kahit wala namang pasok ay ako ay kanyang sinisigawan.
"Opo eto na La"sagot ko naman dahil baka mabentukan ako ng aking Lola kapag ako ay di sumagot ng maayos at maligo na.
Unang araw ng aming pagpasok ngayon.Isa na akong Grade10 student sa paaralang Christian High.Ako si Keva Amora Santos anak ni Mr.Jun Santos at Mrs. Keira Santos may kapatid din akong 2 nakakatandang lalake si Ken Santos at Klyde Santos.
Wala ang aming mga magulang dahil lagi silang busy sa aming kumpanya sa Manila kaya naman naiwan kami dito sa aming Lola na si Lola Kriselda at Lolo Crisostomo.
"Oh kumain ka na dyan at ihinahanda na ng kuya mo ang sasakyan nyo pagpasok"hinain ni Lola ang fried rice at tocino sa harapan ko.Kumain naman ako ng mabilis dahil baka sabihin na naman ng aking mga kuya na napakakupad kong kumilos.
"Keva,tara na baka malate tayo may 30 minutes na lang bago magbell ang school"tawag saakin ni Kuya Ken.Si Ken ang pinakamatanda sa amin sya ay isa na ngayong 2nd year college na kumukuha ng kursong Business Management dahil sya ang magtetake over sa kumpanya ng aking mga magulang kapag sya ay nakatapos na.
"Asan si Kuya Klyde"?pagtatanong ko sa kanya dahil kadalasan ay siya lagi ang una sa pagsakay ng kotse dahil laging excited.Ah,si Kuya Klyde sya ay isang Grade 12 student at ang kursong kanya namang kukuhanin ay pagaabogado,ewan ko kung bakit pag aabogado pero magaling kase magsalita si Kuya Klyde kaya siguro yun ang kukuhain nya.
"Nauna na sya sa eskwelahan dahil hindi pa daw sya nakakakuha ng form,baka daw di sya papasukin"sagot naman ng aking Kiya at kami ay umalis na patungong paaralan.
--
Agad ko namang nakita ang aking mga kaibigan na sila Ariel,Hana,Grace,Angelu Kyle,Caye, Lei at Maria tinatawag namin ang aming grupo na PG sikreto na kung ano ang ibig sabihin ng PG malalaman nyo din sa tamang panahon.
"Okay!Pumila na dito ang mga seksyon nyo!"pagsigaw ng Principal sa ground iniisa isa nya ang mga seksyon at hawak hawak naman namin ang aming mga seksyon na papasukan.Magkaklase kaming siyam dahil nasa honors kami hindi kami pwedeng mawala sa star section.Pumila naman kaming ng maayos para hindi na kami mapagalitan ng aming adviser at principal.
"Sana may gwapo"kinikilig na sambit ni Ariel.Hay nako lagi na lamang ganyan si Ariel kapag unang araw gusto lagi maygwapo.Siya si Ariel ang pinakakikay sa aming magkakaibigan madaming manliligaw pero nababasted pa din kase madaling magsawa.
"Lahat na ang gusto nyo e gwapo"pagsumbat naman ng sobrang talino naming tropa na si Grace sa sobrang talino nakalimutan nya na may social life pa sya hays,napakasungit din nitong babaeng ito hindi ka nya papansinin kung di naman kayo close.
Si Hana Varias ,isa din itong kikay na babae at luka luka pero maasahan mo naman sya kapag kailangan mo sya.
Si Angelu Añonuevo ito ay isang matalino at magandang babae,study first din pero nagkakacrush naman sya sabi nga niya "May feelings din naman ako no"
Si Kyle Leyran sya ang inosente "daw" sa aming magtotropa,de seryoso inosente talaga she doesn't know what's c*nd*m and such,kung di namin siya sinasabihan tuwing niloloko sya ng mga kaklase namin noon ay talaga namang mapapahamak sya.
Si Caye Pascua,sa aming magtotropa sya lang ang may boyfriend sa amin kaso lang lagi namang naiyak dahil sa kanya boyfriend dahil nagkkakamalabuan na sila nito.Pa "cool" kase yung jowa nyan.
Lei Crizaldo ang pabebe sa aming magtotropa de joke ang nickname nya kase ay "bebe" dahil bunso sya sa kanilang magkakapatid.Matalino,maganda kaso nabestfriendzoned kaya ayun brokenhearted at di na naasa.
Maria Delima or "Ria" sya naman ang pinakamalicute sa aming magtotropa,matalino,kikay,maganda pero walang lovelife dahil sabi nya ay walang poreber kaya pinanindigan nya iyon.
Pagkatapos kaming mailgay sa aming mga seksyon ay pinataas na sa mga sari sariling classroom ang bawat estudyante ngayin kami ay Grade 10 na nasa ikatlong palapag ang aming classroom mukhang pahirapan na naman kami nitong pumanaog.
"Maupo na ang lahat"sabi ng aming baging adviser na si Ms. Lily Cruz sya ang head ng Filipino Club sa aming paaralan,mabait ito dahil naging bantay na namin sya noong kami ay Grade 8 pa lamang.
"May naispottan ka na bang gwapings?"tanong sa akin ni Hana.
"Hay nako wala pa,may mga bakante pang upuan baka may padating pa"sabi ko sa kanya.
Umupo na ako ng maayos at nakinig sa pagpapakilala ng guro.Naiisip ko tuloy kung saan na nag aaral si Matt,si Matt ang lalakeng mahal ko kaso may mga oangyayare hindi mo inaasahan na makakasira sa relasyon ng dalawang tao.
Pero halos 3 taon na din ang nakalipas simula nung huli kaming nagusap at nagkita panahon na siguro ako ay umalis sa pait ng nakaraan pero paano ko magagawa iyon kung ang isinisigaw pa din ng puso kong ito ay sya at wala ng iba pa.
Kung mahal mo ipaglaban mo pero huwag sobra kase minsan sa sobrang tapang mo pati maling tao ipinaglaban mo.
Updated:August 29,2017
Like
Vote
Comment
Sisikapin ko na magupdate tuwing may time hehehe di ko pa kase natatapos yung Crossing Over Boundaries dahil tinamad na djn ako pero uunahin ko muna tong story na to :) Sorry sa mga typos and support nyo guys!
@chummynochu pala sa twitter follow nyo ko :) and ano baka may gusto sa inyo ng specs or phone case dm nyo lang ako :)
Thankk you!!