At dahil wala akong magawa ngayong araw na ito. I decided to make a story :D Sana mag enjoy kayo. ;)
Kakasuffer ko lang from a severe heartbreak. Ang sakit sakit pala. Lalo na kapag first love mo ang nakasakit sayo. BTW, ako nga pla si Michelle Chen, 18 years old, BSIT ang course ko at isa ako sa PIIIIIIINAKA madramang tao sa buong mundo -_- kaya siguro ako iniwan nung 1st love ko. :'(
*FLASHBACK!!!*
"uhmmm, Mich, pwede bang hindi na lang ako manligaw sayo?" text sa akin nung ka M.U ko for 2 months slash manliligaw na ang pangalan eh Jorge.
"ha? bakit naman?" halos napatigil ako sa paglalaba ko nang damit. Hinawakan ko ang aking cellphone at tumutulo na ang luha ko. ABA! Ikaw ba naman ang ayawan nang taong mahal mo. Tingnan natin kungn hindi ka masaktan at mabigla sa pangyayari.
"Eh kasi nakita tayo nung kaklase ko nung isang araw sa mall. Baka malaman nang mama ko at patigilin ako sa pag aaral" reply naman niya sa akin.
Bawal nga pala itong si Jorge magka girlfriend. Tita niya kasi ang nagpapaaral sa kanya at sinabihan siya na huwag munang mag ggf. P@!* yan. Daig pa ako ehh. Siya nga yung lalaki, siya pa ang bawal magka jowa. WHATS HAPPENING TO THE WORLD? @_@
At dahil nga sa mahal ko siya, ang tangi ko na lang nasabi eh "Ah sige. Kapakanan mo din naman ang iniisip ko. Sana maging masaya ka kahit wala na ako. Kung may problema ka man, itext mo lang ako ha. Nandito pa din ako para sayo"
NAKS!!! Napaka manhid ko talaga ano? Napakatanga ko talaga. Ako na nga ang iniwan, nagawa ko pang sabihin yun. Pshhh.
"Hoy Mich!" nabigla ako nang may tumapik sa balikat ko.
*END OF FLASHBACK*
"Tulala ka nanaman diyan! Huwag mo na kasing isipin yung lalaking yun! Wala yun kwenta! Wala din kwenta yung sinabi niya sayong reason." sabi sa akin ni Aila. One of my close friends.
Nakatulala pala ako, hindi ko alam. Naiisip ko pa kasi yung mga times na magkasama kami, nung masaya pa kami. Hays, nakakamiss talaga :'(.
"Hoy! Ayan ka nanaman! Lutang ka nanaman! Anu ka ba! Tigilan mo na nga yang kadramahan mo! Marami ka pang dapat atupagin"
May point siya, bumababa na ang grades ko nang dahil sa lalaking yun. 1 month na ang nakalipas, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
"Ano ba ang dapat kong gawin para maka move-on sa kanya? hira na hirap na kasi ako. Ang sakit sakit! Hindi ko pa rin matanggap ang kanyang dahilan" biglang hagulhol ko sa kinauupuan ko. Tinakpan ko ang aking mukha at nag simulang umiyak nang malakas.
"Ano ka ba Mich! Get a hold of yourself! Lalaki lang yan! HIndi pa katapusan nang mundo! Kung ako sa iyo, mag fofocus muna ako sa studies para maka move-on sa kanya." sabi sa akin ni Aila habang pinapatahan ako.
May point nga naman siya. Bat hindi ko kaya itry ibuhos ang attention ko sa pag aaral. 2nd year college na ako. Malapit lapit na sa katotohanan na gragraduate na ako at makakahanap nang trabaho at mag kakaroon nang maraming pera. BWAHAHAHA.
UTAK KO: "Pera talaga?"
AKO: "WELL. Nothing can't be buyed na. TEKA!! MERON PALA!!!!"
UTAK KO: "ANO???"
AKO: "HANGIN!!!"
UTAK KO: "NYEEE!!!"
AKO: "HAHAHAHA. Napanuod ko lang sa Meteor Garden/ Ohhh, say ninyo! Nanunuod din kayo nun ano? Sure akong alam ninyo yun xD"
UTAK KO: "Waleyyy!!! Mag narate ka na lang! :P"
*Sniff* "Ocge Aila, susundin ko yang payo mo *smiles* tutal, pangarap kong mapasali sa mga DL (DEAN LISTERS) kahit isang sem lang" Ngumiti ako sa kanya at inalis ang luha sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Chickboy Crush
Teen Fictionsuffering from heart breaks? tara! hahanap nang CRUSH para makalimutan si past. Mich was suffering from a heart break at hindi pa rin siya nakakagetover sa kanya. Si chickboy na kaya ang magpapasaya sa kanya? o magiging cause pa rin nang kanyang dep...