Your Universe.

380 5 3
                                    

 para po to dun sa contest ni Pilosopotasya, TTLS :) oneshot. thankyou!

"Boss."

yan ang tawag sakin ng mga kapwa ko grim reapers.

 It started more than 500 years ago, sa bingit ng kamatayan.

*year 1506, hindi pa uso ang ambulansya, hindi pa naiimbento ang mga first aid kits o ang iba pang bagay, kakaunti pa lang ang nadidiskubre ng mga tao noon.*

"H--hindi k--ko g-g--gustong ma-k-kita k--ka na n--nasas-s-saktan, h-h--hind-di k--ko g-g-ggustong mak--kita k--ka na n-n--nag dud-d--dusa dah-h--hil sa--kin."(hindi ko gustong makita ka na nasasaktan, hindi ko gustong makita ka na nag dudusa dahil sakin.) sambit ko habang umuubo na may kasamang dugo, sa babaeng nasa harapan ko, ang babaeng pinakamamahal ko, habang nahihirapan na dahil sa sakit ng aking dibdib dahil sa kutsilyong naka tarak dito.

 "ANG TANGA TANGA MO. Hindi mo kelangang wakasan ang buhay mo ng dahil lang sakinnn." nangingilid ang mga luha nya, habang binabanggit ang mga salitang unti unting hindi ko na marinig. Ang totoo'y hindi ko rin gustong mangyari ang lahat ng ito. Pero wala na rin siguro akong choice, kelangang mawala na ako sa buhay nya.

Ipinag babawal na pag mamahalan ang dati naming pinaglalaban na dalawa, pero ngayong wala na ako sa tabi nya, hindi pa rin sya tumitigil na ipag laban ang pag iibigan namin. Hindi ito ang gusto kong makita sa pag alis ko, hindi ito ang gusto kong mangyari sa kanya. Ang gusto ko, mamuhay siya ng matiwasay, ng maayos, ng hindi ko ginugulo ang mga bagay na dapat ay nararanasan nya.

Dahil mayaman sya at mahirap ako, hindi sinasang ayunan ng mga magulang niya ang aming relasyon, tila buong bayan ay hindi pumapayag. Sinasabi nila na ang tulad kong mahirap ay nararapat sa mahirap at ang mayamang katulad ni Anna, ay nababagay sa mga mayayamang tulad nya.

Hindi naman ako panget, ang totoo ay isa akong binatang pinagkakagulohan ng mga kababaihan dito sa aming bayan, pero syempre mga kauri ko rin, mga mahihirap, pero isang araw, may isang pamilya ng mayayaman ang napadpad sa aming bayan, sila daw ang bibili ng mga lupa na ipinag bebenta ng aming mga tatay. Akala namin ay mababait sila, pero tulad nga ng mga kumakalat na balita, matapobre daw sila maliban sa anak na dalaga.

Nagtrabaho ako sa pamamahay nila bilang tagapangalaga ng mga hayop nila sa bahay, at doon ko nakilala ang dalaga. Nahulog ang loob namin para sa isa't isa, at duon na nag simula ang pag tutol nilang lahat saaming dalawa.

Ngayong wala na ako, nag dudusa parin sya. Hindi na siya pinapayagang lumabas ng kanilang bahay, ipinag babawal ang makipag usap sa kahit na kanino maliban sa kanyang mga taga pangalaga.

Siguro ay ito ang parusang sinasabi ng Diyos noong nakausap ko siya sa langit. 

"Kasalanan ang iyong ginawa, ang tao ay dapat na mamuhay hanggang sa Ako ang kumuha ng buhay na Aking ipinahiram sa kanila. Isang parusa ang ipapataw ko sa iyo, tao, hindi magiging madali ang parusa at hindi basta basta matatapos."  ito na nga siguro ang parusa ko. Ang makita ang mahal ko habang patuloy siyang nahihirapan. Akala ko noong nag pakamatay ako, hindi ko na makikita siyang naghihirap, pero ngayon, pinag sisisihan ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Your Universe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon