Kabanata II

236 43 19
                                    

   

LUTANG at wala sa mood na pumasok si Ursula sa kanilang silid. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi. Iniisip niya kung saan magsisimula sa paghahanap ng kaniyang dating nobyo.

Agad naman siyang sinalubong ng tatlo niyang kaibigang makukulit lalo na ang isa na nagngangalang Goldilocks. Tunog cake pero hindi naman sweet!

"Magandang Umaga! Bitchfriend" pagbati ni Goldilocks na medyo pang-aasar ang dating.

"Shut up! Walang maganda sa umaga." sagot nito medyo bad-trip dahil sa walang mood.

"May maganda naman, Bes! Sadyang bulag ka lang sa beauty ko." sagot naman ni Goldilocks sabay irap sa mata.

"Talaga? Ituro mo nga sa akin kung saan banda. Hindi ko kasi nakita, e!" tugon ni Ursula na asar na asar na kay Goldilocks.

"Wow! Hiyang-hiya naman kami sa beauty mo, teh!" alaskang saad ni Kitkat. Kaibigang tunog chocolate!

"Kung maganda ka, mas maganda ako!" dagdag ni Goldilocks sabay lagay ng make-up.

"Sige, isa pang ingay Kitkat at Goldilocks, masasapak ko talaga kayo!" galit na wika ni Ursula at sabay kuyom sa kanang kamay.

"Masusunod po mahal na, reyna. Pashnea!" sunod ng dalawang kaibigan ni Ursula sabay yukod nito.

" 'Yung huli mo'ng sinabi, anong uri ng lingguwahe iyon, Ginoong Goldilocks?" sabat na tanong ni Agapito. Ang kaibigan nilang makata at naiwan na ng panahon. Isang nerdy type.

"Nakikisingit na naman ang makatang si Agapito at teka bakit Ginoo ang tawag mo sa'kin? Dapat Binibini!" pagwawasto ni Goldilocks kahit mali naman.

"Paumanhin, sana ako'y iyong mapatawad. Ngunit hindi mo sinasagot ang aking katanungan, anong lingguwahe iyon?" mahinahon na saad ni Agapito.

"Ah! 'Yung pashnea, salita 'yon galing sa Encantadia na ang ibig sabihin ay 'hayop'." sagot ni Goldilocks.

"Ah! Ganon pala, hayop ako. E! ikaw, ano ka?" singit ni Ursula sa usapan sabay pakita ng pekeng ngiti sabay binatukan si Goldilocks.

"Ay! Si Ursula bulag na. E'di syempre tao ako, bulag ka ba? Akala ko ba matalino ka?" pilosopong saad ni Goldilocks na pataray ang dating.

"Excuse me! Matalino ako, akala ko kasi hayop ka. Hindi kasi ma-recognized 'yang mukha mo. Ayon sa nabasa ko sa Bibliya, ginawa ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng wangis niya." pangangaral ni Ursula na ginamitan pa talaga ng reliable source.

"Nabasa ko rin naman 'yon, teka ano ba ang ibig sabihin mo?" takang tanong ni Goldilocks sabay nag-isip kung ano ang ibig sabihin sa sinabi ni Ursula.

" 'Di mo ba, gets? Naiiba ka! Manalamin ka kaya, you're absolutely different to us!" pang-lalait na wika ni Ursula sabay crossed arms.

"So, laitan tayo! Akala mo naman kung sino kang maganda. Pasalamat ka dahil may pangit na katulad ko este----pangit na katulad nila. Kung wala kami este-----sila, hindi mari-recognize 'yang beuty mo. And lastly, maganda ako!" proud na sabi ni Goldilocks pagkatapos ay tumalikod dahil nasasaktan siya sa sinabi ni Ursula. Talaga namang nasaktan siya sa panlalait ng kaibigan.

"Oy! Sorry na, binibiro lang naman kita, e..." pabebeng saad ni Ursula sabay yakap sa likuran ni Goldilocks.

"E! Ano pa bang magagawa ko, kaibigan kita. Huwag mo nang gagawin ulit 'yon ah! Nakakasakit sa damdamin." saad ni Goldilocks sabay harap at nagyakapan sila ni Ursula.

Biglang tumulo ang luha ni Ursula. Mahalaga kasi sa kanya si Goldilocks. Ito kasi ang taong unang tumanggap sa kaniya sa kabila ng pangit niyang ugali. Si Goldilocks ang taong naging kakampi at karamay niya tuwing may problema siya. Si Goldilocks ang laging kasama niya sa lungkot at saya. Kaya laking pasasalamat ni Ursula ng dumating sa buhay niya si Goldilocks.

Habang nagyayakapan ang dalawang kaibigan ay biglang pumasok ang kanilang guro sa Philippine History.

"Magandang Umaga! Mga estudyante." masiglang bati ng kanilang guro na si Bb. Cordapia.

"Magandang Umaga rin po, Bb. Cordapia!" tugon ng mga estudyante maliban sa nag-iisang mapanuri, si Ursula.

"Handa na ba kayo sa aking surpresa?" panimulang tanong ni Bb. Cordapia.

"Sabihin niyo na po, Ma'am" sagot naman ng mga estudyante na kitang-kita ang pagkasabik sa kanilang mga mukha.

"Ngayon, gagawa kayo ng isang pananaliksik. Ang mga paksa na maaari niyong isaliksik ay tungkol lamang sa ating asignatura. Ang paggawa ng pananaliksik ay hanggang ika-sampu lamang ng Setyembre at ang araw naman ng pagpasa ay ikalabin-isa ng Setyembre. Sa oras na ito, ilaan ang oras sa pagsaliksik.

Naka-isip agad ng magandang paksa si Ursula. Ito ay ang kasaysayan ng Wikang Filipino at kung bakit nagbabago ito. Agad na pumunta si Ursula sa mesa kung saan kasalukuyang nakaupo si Bb. Cordapia.

"Ma'am, maaari po bang pumunta ng library upang magsaliksik?" mahinahong tanong nito sa guro at hinintay ang kasagutan.

"Maaari naman binibining Manabat ngunit pakatandaan ilaan ang oras sa makabuluhang bagay." paalala ng guro at nagpatuloy sa kaniyang pagsusulat.

"Maraming salamat po, Ma'am" pasalamat ni Ursula sabay ngiti.

Laking ngiti ang sumilay sa labi ni Ursula. Alam niya kasing madali lang ang paggawa ng panaliksik at alam niyang madali lang itong matatapos. Bumalik siya sa kaniyang upuan upang kunin ang kaniyang bag ngunit biglang may sinabi ang kaniyang mortal enemy na si Dulcedita.

"Spell sipsip. U-R-S-U-L-A, sipsip." bulong ni Dulcedita pero rinig na rinig ni Ursula ito.

"Umaandar na naman ang pagiging sipsip. Hashtag! Para-paraan." dagdag nito na ikinagalit ng todo ni Ursula.

"Well, inggit ka ba sa paraan ko? Kung naiinggit ka, sorry to tell you talent ko 'to." sagot ni Ursula sabay halakhak.

"Now I know, may talent na pala ngayon sa pagiging sipsip. Congrats! Ingatan mo 'yan ah, bihira lang kasi ang may ganyang talento. Your talent is unique." pang-aasar ni Dulcedita kay Ursula.

Ramdam ni Ursula ang inis sa sinabi ni Dulcedita pero kinalma niya ang sarili dahil ang tunay na bitch ay kalma lang. Nag-isip siya ng pang-mataray na linya upang hindi mapansin ni Dulcedita na naiinis siya.

"Ngayon mo lang pala alam na may ganitong talent? How poor ka naman. Ignorant people is stupid."

Taray na kung taray maka-ganti lang. Agad na kinuha ni Ursula ang kaniyang bag at nginitian niya si Dulcedita ng nakakaloko. Ngiting tagumpay. Handa na siya sa kaniyang huling sasabihin na talaga namang ikakabagsak ni Dulcedita.

"To be a bitch, trying hard is not allowed." huling banat ni Ursula sabay inirapan si Dulcedita.

"Ba-bye!" pang-aasar ni Ursula at umalis na kanilang silid.

"Anak ka talaga  ni Satanas, sana mawala ka na!" galit na sambit ni Dulcedita na kitang-kita ang inis sa mukha.

Naglakad si Ursula na may kasamang ngiting tagumpay. Ngiting panalo dahil hindi siya natapatan ni Dulcedita.

Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon