Akala ni Ursula na matatapatan siya kanina ni Dulcedita ngunit mas magaling pala talaga siya nito. Isang ngiti na naman ang sumilay sa labi niya.
Pumunta siya sa kaniyang paboritong tambayan, walang iba kundi ang silid-aklatan. Natawa na lang si Ursula nang malaman ang inihandang surpresa ng guro nila.
"Research is definitely easy to her. As easy in her past projects."
Isip-isip ni Ursula habang inilagay niya ang kaniyang bag sa mesa. May naisip na siyang paksa. Isang paksa na palagay niya ay madaling-madali lang sasagutan at isaliksik. Ang kaniyang paksa ay tungkol sa Wikang Filipino: Ang Pagbabago sa Kasalukuyan.
Agad na naghanap siya ng mga aklat na makatutulong sa kaniyang pananaliksik. May internet naman kaso mas pinili niya ang aklat dahil ang mga aklat ay mapagkakatiwalaan at totoo. Hindi katulad ng internet na mayroon nga'ng totoo pero bibihira lang kasi laganap ang copy-cat at pekeng balitang maaaring mapagkukunan.
Laking tuwa ang naramdaman niya nang makita niya ang sagot sa kaniyang pananaliksik. Kinuha niya ito at bumalik sa upuan upang umpisahan na ang pagbabasa.
Ang Mukha ng Wikang Filipino.
Iyon ang pamagat ng aklat na nakuha ni Ursula galing sa book shelves. Makapal at medyo makaluma na ito dahil maalikabok at medyo sira-sira na ang mga pahina. Mabuti na lamang ay masyadong klaro pa ang pamagat ng aklat at ang sumulat nito. Iyon pa naman ang napaka-importanteng bagay sa pagkuha ng pananaliksik.
Inumpisahan ng basahin ni Ursula ang nakuhang aklat. Sa unang kabanata ng aklat, medyo naumay siya sa kababasa dahil kwento pa ito nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Na-bored siya kasi hindi siya naka-relate dahil sa mapait niyang pinagdaanan. Biglang sumagi sa isipan niya si Rex.
"Nasaan na kaya siya ngayon?"
Tanong na nabubuo sa isipan ni Ursula. Hanggang ngayon nangungulila pa rin siya sa dating nobyo nito. Nasayang lang kasi ang dalawang taon nilang pagsasama nang ganoon lang kadali. Minsan naisip niya na siguro 'Wala talagang Forever' pero nabuhayan siya ng loob nang makilala niya si Red. Umaasa kasi si Ursula na ito ang tutulong sa kaniya sa paghahanap kay Rex.
Speaking of Red! Biglang dumating ito at naistorbo ang pagbabasa niya.
"Hi! Ate Ursula!" masiglang bati nito sabay kaway.
Kahit medyo naiinis ay tinugunan niya ang babae. Naranasan kasi niyang deadmahin, masakit iyon sa damdamin! Kaya pilit siyang ngumiti at binati rin ang babae.
"Hello! Mukhang matamlay ka?"
Bakas sa mukha ni Ursula ang pagkagulat dahil biglang nag-iba ang mukha ni Red. Kanina ay medyo masaya ito pero kalaunan ay napalitan ng tamlay.
"Oo nga eh! Hindi kasi ako kumain ng agahan kaninang umaga."
"Why? Alam mo bang ang pagkain ng agahan ang siyang pinaka-importante sa lahat ng kainan kasi sa umaga walang laman ang tiyan natin dahil sa pagtulog kaya nangangailangan tayong kumain sa umaga upang malagyan ang ating tiyan."
Pangangaral ni Ursula ngunit tanging tango lang ang naging tugon ni Red. Medyo naiilang pa kasi siya kay Ursula dahil hindi pa sila lubos na magkakakilala.
"Ano ba 'yang binabasa mo, ate?" tanong ni Red.
Sinadya niyang ibahin ang usapan upang hindi na siya mapangaralan pa ni Ursula. Mukhang hindi siya tatantanan nito, e!
"Ah! Ito, Ang Mukha ng Wikang Filipino. Libro na maging kasagutan sa pananaliksik ko." sagot ni Ursula at ipinakita ang aklat kay Red.
"Ah! Ganoon ba? Sige, bibili muna ako ng makakain kasi gutom na gutom na ako. Babalikan lang kita dito, ate."
"Sige."
Tuluyan ng umalis at lumabas ng silid-aklatan si Red upang bumili ng makakain. Agad na ibinalik ang tingin ni Ursula sa binibasa niyang aklat. Natapos niyang basahin ang unang kabanata pero sa totoo lang ay wala siyang nakuhang impormasyon dahil ipinakita lang ang kwento ng pag-ibig. Pag-ibig na puro pasakit lang ang hatid sa mga tao.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa. Sa ikalawang kabanata, tungkol na ito sa kasaysayan ng Wikang Filipino.
" Wikang Filipino at ang kasaysayan nito. Alam mo ba ang pinagmulan ng ating wika? Kung hindi, alamin at basahin ang buong kasaysayan."
"Ang pambansang wika ang tinuturing na kaluluwa ng ating bayan. Ito ang taling nagbibigkis sa pagkakaisa ng mga Filipino na sumisimbolo sa pambansang identidad. Ito rin ang instrumento ng pag-unlad at tulay ng kapayapaan. Ang kahalagahan ng Wikang Filipino o kung tawagin sa Espanyol ay "La Importansya La Lingua Filipino."
Pagkatapos mabasa ni Ursula ang unang talata. Nag-iba ang kaniyang pakiramdam. Pakiramdam na tila ba'y huhugutin ang kaniyang lamang-loob. Hindi niya mawari kung ano ang naramdaman niya. Parang may gusto kung kumuha sa kaniya. Maya-maya pa ay sumakit ang kaniyang ulo. Sakit na ngayon niya lang naranasan sa buong buhay niya. Mas masakit pa ito sa pag-iwan ng nobyo niyang si Rex.
Hindi na mapigilan ni Ursula kaya nag-desisyon siyang tumayo at tumungo sa clinic ngunit pagtayo niya ay biglang umikot at dumilim ang kaniyang paningin.
BINABASA MO ANG
Ursula's Quest (Completed)
Historical FictionAfter knowing that her classmate are willing to dethrone her, Ursula Manabat will find a way to proved that she is the ultimate unbeatable campus queen even it means to run and back in the past. Ursula's Quest Isinulat ni Zurichian Date Started: Aug...