You're my happy crush when we were in our sophomore year. Again, just a happy crush, I don't like you that much.
But, as time goes by, ang aking taksil na heart, nahuhulog na sa patibong. Pano ba namang hindi? Lagi tayo nag-aasaran.
"Aray!! Ano baaa!!!!" Jusmiyo! Di na pala kita crush, peste ka.
At dahil bwisit ka, ang sagot mo naman "Parang hampas lang naman!"
"Ay! Hampas lang pala, sige ha, lagot ka sakin!" At hinabol kita para hampasin ng paulit-ulit.
Kainis na lalaki to, ang lakas lakas manghampas! Kala niya ha, lintek lang ang walang ganti!!!
"Aray! Aray aray! Sorry na. Tama na!! Hilary naman eh" Naiiyak niyang sabi matapos ko siyang mahuli.
Nag-asaran pa kami hangga't wala pa ang leader sa section namin, we are going to practice for our performance task kasi.
"Huy, Hil, sweet nanaman ninyo ha! Feeling ko talaga may gusto sayo yon eh." Sabi ng kaibigan kong si Stephanie. Lumapit siya sakin after umalis ang epal na yon.
"Nako, Steph!! Ayan ka nanaman! I told you, walang gusto sakin yon. Badtrip yon eh, gustong-gusto lang akong pagtripan non"
"Bahala ka dyan. Basta ako, naniniwala talaga akong may gusto sayo yon. Tignan mo oh, kung makatingin sayo" Sabay pasimpleng tinuro si Jake.
At napalingon ako sa gawi niya. "Tug tug tug" Sabi ng taksil kong heart! Oh my gosh! Kalma ka lang diyan, puso! Wala to. Wala to. Wala to. Okay?