August 5, 2016
Imagination, sabi nila, imagination mo ang limit. Kayang kaya mong mag imagine ng bagay ng walang pag aalinlangan, kayang kaya mong mag imagine ng mga bagay ng walang limitasyon, libreng libre.
When I was kid, I always imagine extraordinary things. Ipipikit ko lamang ang mga mata ko ay kayang kaya ko nang kontrolin ang utak ko at mag imagine ng iba't ibang bagay. And I'll always feel so relaxed and very happy imagining.
But now, can I imagine that I'm not here? That I'm not here in this woeful hospital and I'm in a very beautiful place, wherein I'm happy and not suffering.
I'm really tired of being here, nakakapagod din palang tumira sa lugar na ito. Nakakapagod and at the same time, nakakalungkot.
Can I just imagine that I'm not here and not suffering in a heart disease? That my heart is not weak, and that my heart was as strong as steel? Can I imagine that my life was not as lame as I am right now?
I immediately came back in my senses when I heard someone entered my room.
"Hi Ms. Yassy, here's your food and also your medicine." Wika ni Jennie, iyong nurse na naka duty sa mga oras na ito.
Nginitian ko lang siya at inabot ang tray. Ipinatong ko iyon don sa table at kinuha iyong apple. Kinagatan ko iyon at dumiretso sa bintana.
"Naulan na naman." I said at tinignan ang ulan na napatak, marami rin sa baba ang nagtatakbuhan, mga naglalabas ng mga payong nila at mga taong pandalas na tumatakbo dahil walang payong.
The rain makes me feel lonely more. It makes me feel so empty. I shrugged and let the thought slip away. I need to be optimistic, I need to think positively.
"Sige po Ms. Yassy, babalik na po ako sa nurse station. Tawagin niyo na lang po ako pag may kailangan po kayo ha?" She said kaya ay tumango ako sa kanya. She has always been this good to me.
"Sige ate Jennie. Maraming salamat po." I said kaya ay lumabas na siya ng room at pinihit ang pinto.
Sa pagtingin ko sa bintana, mas nararamdaman ko lang na mag isa lang ako.
Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng kwarto at napangiti na lang ako ng mapait. Napakatagal ko na pala dito, mahigit walong taon na rin ako dito at wala pa ring pagbabago, wala rin akong kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako sa labas na mundo. Ang tinutukoy kong labas na mundo ay ang mundo kung saan wala ako dito sa hospital na ito.
But then, naituring ko na ring tahanan ang lugar na ito, gusto ko mang makaalis sa lugar na ito ay alam kong naging bahagi na rin ito ng paglaki ko, kabisadong kabisado ko na ang pasikot sikot na lugar dito, kahit nakapiring pa nga, e.
"Pst! Hoy!" Napalingon ako sa lalaking nasa kabilang veranda at tinawag siya.
Nilingon naman niya ako at tinignan lang ako.
"Hello! Good morning!" I said at kinawayan siya.
Siya iyong bagong pasyente sa kabilang room, ang balita ko ay masungit ang lalaking ito at laging inaaway ang mga nurse niya.
"Anong good sa morning?" Singhal niya at ngumiwi. "Ayan oh, kita mong ang dilim dilim ng langit, good pa iyon sayo?" Tuloy tuloy niyang sabi at muling bumalik sa loob.
Napanganga nalang ako sa lalaking iyon at muling lumingon sa makulimlim na langit. Ang sungit nga niya!
"Ate Jennie, sino po ba iyong lalaking nasa kabilang room?" Tanong ko kay ate Jennie at kinain iyong dinala niyang apple, sandamakmak pa nga ang dinala niyang iba't ibang fruits, kaya lang ay iyong apple ang napili kong kainin.