Prologue.

7 0 0
                                    

PROLOGUE =))

"Ming! Ming! Ming!"

Lagi na lang akong nakakarinig ng ganitong tunog tuwing gabi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakabahan ba ako? O matatakot? Or.. Aish!!

Bakit ako matatakot? Ako yata ang pinakamalakas sa taekwondo team. Ako rin lang yata ang may muscles sa classroom. Bakit ako matatakot sa pusa?!

"Myaaaaw!"

"Pusa ka! Umalis ka nga dito!" sigaw ko nung sumilip ako sa bintana. Pinanggagamit ko yung tsinelas ko, maalis lang yung pusang yan. Jusko, 2 linggo na yang nandito tuwing gabi. Hindi ko alam, pero hindi pa din ako sanay. 

"Myaw! Myaw!" sabi pa nya habang paalis. Ano ba naman 'tong klaseng pusa! Ganun ba ako kapogi kaya pati pusa naiinlab sa akin?

"Lindolf! Dinner na!" sigaw ni yaya sa akin.

"Opo! Susunod na!" sigaw ko naman pabalik.

"pag ikaw bumalik ka pang pusa ka, mapapatay na kita! Hmp." sabi ko pa sa labas kahit wala ng pusa. Ang creepy talaga >___<

Pumasok na ako sa loob habang kinakalimutan yung pusa na yun. Para syang babaeng bumubuntot sakin kaso gabi nga lang! Pero mas okay kung babae talaga yun eh

"anak, anong gumugulo sa isip mo?" sabi ng tatay ko na bumalik sa akin sa realidad

"tay, nakikita nyo ba yung pusa na umaaligid sa bahay tuwing gabi?" tanong ko naman sa kanya. Isang floor lang ang bahay namin, hindi kami mahirap otherwise hindi din kami mayaman. Malaki naman yung bahay namin, mas malaki pa sa sakto lang sa aming lima na nandito sa loob

"hmm, wala naman. Hindi naman ako lumalabas ng bahay tuwing gabi nak" sabi naman sa akin ni tatay. Sabagay hindi nga sya lumalabas. Lagi lang syang nasa kwarto. Hindi ko nga alam kung pano nya nahahandle yung business nya ng nagkukulong sa kwarto nya eh

"ay kuya may naririnig nga ako" sabat naman ni Aye, kapatid ko

"talaga?" sabi ko naman

"yung sa nilalaro ko sa laptop, puro myaws ng cat naririnig ko, nakakatakot nga minsan eh"

"pusa ka" sabi ko na lang sa kanya at tinuloy ko ang pagkain ko

"bakit mo naman natanong anak?" tanong ni nanay

"wala lang naman po. Sige po una na ako gagawin ko lang homework ko" sabi ko sa kanila at kinuha na ang pinagkainan ko. Dumiretso ako sa lababo at hinugasan yung plato ko. Pumunta na ako sa kwarto ko after

Pagpunta ko sa kwarto ko, biglang nagring yung cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino yung tumatawag at sinagot ko na lang agad

"hello?" sabi ko. Baka isa lang to sa mga babaeng patay na patay sa akin

Kaso nagkamali ako..

"pag hindi mo ako naalala sa loob ng 50 days, mamamatay ka" sabi nito at biglang binaba ang tawag. Boses babae ito pero nakakatakot yung boses nya. Parang puro hangin lang pero may boses pa din

50 days?! Sino ba 'tong gagong 'to at ako napagtripan?

Sinubukan kong tumawag ulit sa number na nagamit nya pero out of reach na. Ugh

Ako? Si Lindolf Gabriel Brooke, matatakot sa isang phone call? Hmp. Asa.

*********

a/n:

hi! yung old account ko po, dineactivate ko na po yun. =)) vote and comment po tapos itutuloy ko po ito. need inspiration po. :3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cat Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon