Chapter 1

25 2 0
                                    

How Our Stars Aligned.

...
June 14, 2015

One starry night, nag lalakad ako sa eskinita patungo sa bahay. Pagod na pagod ako galing school dahil sa mga walang kasawaang school works! SCHOOL WORKS SCHOOL WORKS SCHOOL WORKS! HAY! kelan ba matatapos tong walang kasawaang activities na ito! Kinuha ko ang earphones ko, pinlug sa phone ko at sinalpak sa tenga ko. Sa kasagsagan ng aking pag lalakad, saglit akong huminto at inilabas ko ang aking Rosegold na planner sa bag ko. Kinapa ko ang bulsa ko at hinanap ang ballpen na kagagamit ko lang kanina. Sinimulan kong guhitan ang isang pangungusap sa loob ng aking planner ngunit nang ipangsusulat ko na ang G-tech kong ballpen, ayun! naghihingalo na siya. "Hay! ano ba naman to si Kaye! Ang mahal mahal ng Gtech eh" pareklamo kong bulong sa sarili. Kasabay ng pagbulong ay ang aking pagalala sa mga huling alaala ng aking ballpen na sinira ng walang hiya kong kaibigan. Kanina sa school, hiniram sakin ni Kaye yung ballpen. Anyways, lalaki si kaye haha sadyang mali lang ang naging ultrasound sa kanya dahil ang akala ng mga magulang niya babae siya ngunit ng ipinanganak siya ay lalaki pala talaga ito. As I was saying, hiniram niya ang ballpen kong Gtech, But suddenly dumating ang barkada niya at tinapik tapik siya at inalog-alog. Nahh alam niyo naman, "boys will be boys" and so ayun! nalaglag! hayst! kainis! mahal pa naman ng bili ko dito.

Matapos alalahanin ang mga huling sandali ng aking ballpen, GTECH! na ballpen, hayst! Ibinaba ko saglit ang bag ko, nilapag sa gilid ang libro kong bit bit at ipinatong dito ang wallet, panyo at phone ko. Well mukha namang wala masyadong dumadaan dito kaya ganun ako ka confident. Di tulad sa Guada Bridge noh! haha marami na kasi akong narinig na kwento about snatchers doon sa Guada Bridge. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang iba ko pang ballpen.

Habang hinahanap ang aking mga precious ballpen, sa mga di inaasahang pangyayari may batang kinuha ng mabilisan ang aking phone, wallet at panyo. How great diba? pati panyo ko talagang di pinatawad! "HOY BATA!!! TANTANAN MO YAN!!!" sigaw ko. Sinubukan ko siyang habulin. Tumakbo ako at pilit ko siyang hinahabol habang dala ko ang mabigat kong bag hanggang sa makalabas kami ng eskinita. Tuloy tuloy siya sa pagtakbo at dali-daling tumawid. Sinundan ko pa din siya kahit sa gitna ng kalsada ngunit sa aking kamalas-malasan, may rumaragasang kotse akong nasalubong...

"ANO BA? BATA KA BA? TAKBO KA NG TAKBO SA GITNA NG KALSADA! TUMINGIN KA SA STOP LIGHT!" sigaw ni manong driver. (Oh wait di pa ako maoospital o mamatay okay? hahaha kala niyo patay na ako noh? haha) Nakaiwas ako sa kotse ngunit nag tapunan ang laman ng bag ko. Gumulong gulong ang mga ballpen ko. It actually took me 10 seconds bago nag sink in sa akin na gumugulong ang ballpen ko sa KALSADA! SHIIIIT! MGA BALLPEN KO!!! Oo tama kayo mahal ko ang mga ballpen ko dahil sila ang bffs ko! Pangarap ko ang maging isang sikat na Fashion Designer kaya ganun ako magpahalaga sa mga ballpen ko. nang mabalik sa aking ulirat, Sinesenyasan ko ang driver ng kotse na huwag siyang aandar. Ewan ko ngunit di ako makapagsalita. Siguro ay dahil sa sobrang kaba, ngunit nang makita ko ang ballpen ko, di ko napigilan kaya ako ay sumigaw. "Manong wag ka aandar please!" pag mamakaawa ko dito. Pero wala nagalit ito at isinara ang bintana ng kotse niya at nagpaharurot ng isang mabilis na takbo.

Tanging crack ang mga narinig ko...

Wala na...

Sira na..

Sira na ang ballpen ko!

NOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!

Tumawid na ako dahil wala na akong magawa sa mga tintang tumagas mula sa aking mga ballpen. Mga ballpen na nagbibigay kulay sa pangarap ko kaya naman napaupo ako matapos kong makatawid at naiyak. Wala na ngang phone at pera at PANYO! pati ballpen ko wala na. Habang umiiyak, may lalaking tumayo sa harap ko. Tinignan ko kung sino ito ngunit di ko siya makilala. Oo di ko nga siya kilala.

If This Was A MovieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon