Chapter 1

10 0 0
                                    

 Alam niyo ba 'yung feeling na ma-in love sa isang taong malabong maging iyo?

'Yung marami kang kaagaw?

'Yung hindi ka pinapansin/mapapansin?

At 'yung hindi alam na nag-eexist ka?

Kasi ako, oo eh.

Ooops, speaking of my love.

Omgggg, ayun! Ayuuuun!

"Keemayyyyyyy! Tangina! Number two na 'yung kanta nila sa Myx!"

"Shit, Niks! Lakasan mo nga hindi pa 'ko tapos dito!"

"Oo na ateng, sagliiiiit."

Fuuuuuuuck, Miggggggggggy! Have my babies.

Ahh, yes.

'Yung taong sinasabi ko sa inyong love ko, si Miggy.

Miguel Rae Echavez, bassist at vocalist ng bandang 5 Minutes to Midnight.

Ang drama ng introduction ko, ano?

Gano'n talaga kapag fan girl na lubos na nagmamahal, ma-drama. Hahaha!

Pero hindi lang ako basta-bastang fan girl ah.

Magsi-six years ko na silang ini-idolo, magsi-six years na akong nakikinig at humahanga sa mga kanta nila, magsi-six years na akong sumusuporta sa kanila, at sa loob ng six years na 'yun, palagi akong bumibili ng mga album nila at merch nila, palaging pumupunta sa gigs at autograph signing, palagi akong nagtu-tweet (simula no'ng nauso sa kanila ang Twitter) sa kanila.

At sa loob ng six years, halos pwede ko nang ipambayad ng tuition fee ko 'yung nagastos ko para sa kanila. At proud ako kasi lahat 'yun, kung hindi ko pinaghi-hirapan, iniipon ko sa baon ko.

Hah, dakila ako. Dakila, at hindi lang basta-bastang fan girl!

At sa loob ng six years, hindi ko masasabing nasayang lahat ng effort at gastos ko. Marami kasi akong naging kaibigan na fans din; mas matanda, kasing tanda, at mas bata pa sa'kin. Attt, naging ka-close ko na rin halos 'yung kapatid ni Miggy, si Andy! Tapos, alam niyo ba, finollow back na ako ni Michael sa Twitter no'ng three months ago at nakaka-DM ko siya minsan!

Oha, ang saya ko 'di ba? <3

My Unexpected Boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon