Chapter 2

6 0 0
                                    

Wait, bago pala ako magta-talak talak pa, ipapakilala ko muna 'yung sarili ko, si Keemay, at ang 5 Minutes to Midnight sa inyo.

Ako pala si Nicole Andrea de Leon. Nikky or Niks nalang for short.

'Yung baliw na kausap ko kanina, si Keemay 'yun. Mikee Denise Reyes.

Pareho kaming 4th year high school at fan ng 5M2M. Sa totoo lang, kaya kami naging close, ay dahil sa kanila.

No'ng grade 6 kasi kami, na-discover ko sila sa MYX. Tapos instanly akong na-hook sa kanila, later din I know, gano'n din pala si Mikee at simula no'n, naging super BFF kami. Nagtutulungan sa school works, at lalo sa pagfa-fangirl namin sa 5M2M.

Madalas, siya din 'yung kasama ko sa mga gigs. Kasi may ibang bar na kailangan, magpakita ka ng ID para makapasok, kanya 'yung nilalabas niya. Legal ID 'yun ah, mas matanda kasi siya sa'kin ng 2 years.

Anyway, 'yung 5M2M naman.

Miguel Rae "Miggy" Echavez - lead vocals, bassist

Mark Angelo "Gelo" Torres - vocals, guitar

Christian Michael "Ian" Bitor - drummer

Zachary Jay "Zach" Williams - vocals, guitar

Every gig nila, na pwede naming puntahan at kung hindi man pwede hahanap kami ng paraan, pinupuntahan namin.

Kaya no'ng one time na nasa isang gig kami, nakilala ako ni Michael. Nasa may bar kasi ako no'n, pinsan ko kasi 'yung bartender do'n kaya bantay sarado ako. Nag-hi siya sa'kin, tapos nag-usap kami, hanggang sa umabot kami sa point na finollow niya ako sa Twitter.

Meron ding time na nakilala naman ako no'ng kapatid ni Miggy, si Andy to the point na nagkapalitan kami ng phone number hanggang sa ngayon, kung hindi si Keemay 'yung kasama ko sa gig, siya naman.

*blag*

Anak ng !@#$%^&*()_

"HOY BABAE KA, ANO BANG PROBLEMA MO. NAMBABATOK KA NG WALANG DAHILAN. MASAKIT 'YUN HA, INAANO BA KITA?!"

"ANONG WALANG DAHILAN?! KANINA PA KITA TINATAWAG, NILAPITAN NA NGA KITA KASI BAKA HINDI MO LANG AKO NARIRINIG TAPOS PAGTINGIN KO DITO, NASA KAWALAN KA NA NAMAN PALA."

"Huhuhu, sorry na. Ano ba kasi 'yang sasabihin mo at napakaimportante naman yata at binatukan mo pa 'ko?"

"Uhh... ano.... hehehehe."

"Ano?"

Parang tanga naman 'to. Pagtapos akong batukan, uutal-utal naman palang magsalita.

Kakapiraso na nga lang brain cells ko na nagfu-function ng maayos, baka nabawasan pa. Hayyy. Talino.

"Bakahindikitamasamahansagigng5M2Mngayonkasihinatakakonimamaatmayimportantedawkamingpupuntahan."

"Ha?" Anu rawww?

"Dahan-dahan nga neng. Huminga ka na rin in between, baka mamatay ka sa ginagawa mo."

Huminga naman si gaga. Ano kayang problema nito?

"Okay, from the top."

"Nikks, sorry talaga. Alam kong importante sa'yo na makapunta ngayon sa gig, at alam kong hindi ka maba-back up-an ni Andy. Pero kasi hindi ako pwede ngayon gurl. Hinatak ako ni Mama, may importante daw kaming pupuntahan. Importante kasi pati si ate at kuya, kasama."

"Ohhh, you're in deep shit. Ano event na naman 'yan at kasama pati ate at kuya mo? Kawawa ka naman. Hahahahaha."

Sa pamilya kasi nila, bihira silang magsama-sama. Sila tito at tita kasi, madalas business ang inaatupag. Ang ate niya, may pamilya na tapos si kuya Jasper, college na at hindi sa bahay nila natira. Nagkikita-kita nalang sila kapag may pasosyalan na event na kailangan, lumabas sila bilang isang happy family.

Kaya parang halos dito na rin sa'min nakatira 'yan eh. Nanay at tatay ko, parang magulang na rin niya. Minsan nga pati agahan, at hapunan dito na rin 'yan eh. Hahaha.

"Hoy, tulala ka na naman Nikks. Pero seryoso, ganyan ka ba talaga ka-shunga minsan. Sa haba ng sinabi ko, 'yung mala-impyernong sitwasyon ko lang 'yung narinig mo? Hindi mo narinig 'yung iyo?"

...

...

...

...

...

...

...

Oh, shit.

"BINGO. Tengnengnengneng. Tagal no'n gurl ah?"

"Gaga."

Bakit naman sa dinami-dami ng araw eh ngayon pa? 4 years anniversary namin ni Miggy ngayon, hindi pwedeng hindi ako pumunta. :(

"Gurl, sorry talaga. Babawi ako. Ako na magbabayad no'ng shirt na in-order natin, pati shipping fee sagot ko na rin. Pati pamasahe mo back and forth sagot ko na. Sorry talaga." Mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako galit sa kanya kasi quits lang kami eh, mas masahol pa nga 'yung kanya kasi ako, pwede pa akong pumunta do'n at makasama 'yung love of my life ko, pagpasok lang 'yung problema ko. Eh siya, hindi na siya makakapunta, magdamagang pakikipagplastikan pa 'yung haharapin niya.

Pero since nag-offer naman siya, ba, hindi ko na tatanggihan! Ang grasya, hindi nilalayuan. HAHAHA.

"YES. Thanks, be. Alam mo namang hindi ako galit sa'yo 'di ba? Pero wala nang bawian! Yahooooooo!"

"Oo, baliw. Dalian mo na nga mag-ayos ka na. Anong oras na, malayo-layo pa lalakbayin mo."

"Yes, ma'am!"

Ay, late na pala. Alas cinco na pala. 7 o'clock kasi 'yung start ng gig, so most probably, 7:30 pa 'yun magsstart. Hahaha. Eh since last set sila, mga 9 pa sila tutugtog.

After ng isang bilyong taon ko na pagligo at pag-aayos, natapos din ako. Simple lang 'yung napili kong suotin. White na long sleeves na nakatuck-in sa high waist kong shorts tapos suot ko 'yung black ko na high-cut na converse. Nakalugay pa 'yung mahaba kong buhok kasi basa pa, tapos konting make-up lang, para hindi lang halata 'yung eye bags ko dahil sa pagpupuyat sa mga projects sa school.

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Keemay nakaupo sa may sofa namin. Inayos na niya 'yung pouch na dadalhin ko at inabot sa'kin.

"Nandiyan na lahat, ha? 'Yung pera, 'yung cellphone mo, 'yung panyo, 'yung lip balm, 'yung foundation, lip stick, eye liner, conceal--"

"Pucha, ba't ang dami namang dadalhin. Ito nalang dadalhin ko, iyo na 'yan. Bayuuush!"

Binato ko sa kanya 'yung mga kaartehan na nilagay niya sa pouch ko tapos naglakad na ako palabas ng bahay. No'ng nasa may gate na 'ko, tinawag niya ulit ako.

"Nikks, sure ka okay ka lang?"

"Oo naman, te. Mas alam ko pa kung sa'n 'yung lugar kaysa sa'yo no, excuse me. Hahaha. Besides, big girl na 'to no. *winks* Good luck sa'yo mamaya, ah! Text mo nalang ako kapag bored ka na, 'wag ka mag-alala, unli ako ngayon. Hahahahaha. Byeee!"

Dati kasi, may time na sobrang bored niya sa isang event text siya ng text, hindi ako nagrereply. Pa'no, wala akong load no'n, at alas diyes na rin ng gabi kaya hindi na ako makapagpa-load sa labas. Napanisan ata ng lawas ang lola niyo kasi wala siyang makausap do'n. Wala rin naman siyang balak kausapin 'yung mga ka-edad namin do'n na kasama niya kasi panay mayayabang, arogante, plastic, malalandi, 'yung mga typical rich kid stereotype, gano'n 'yung mga nando'n. Kaya iritang-irita sa'kin kinabukasan. Hahaha.

"Sige sige, ingat ah! Magtext ka kapag nakarating ka na do'n! At siguraduhin mo lang na magrereplya ka kundi papatayin talaga kita."

"Yes, ma'am."

Nagfake salute ako sa kanya hanggang sa tuluyan na akong umalis.

Sus, mani-mani lang 'yung pagpunta sa bar. Isang van pa MRT, tapos MRT-Cubao, LRT2, jeep, tapos konting lakad nalang. O 'di ba, sakripisyo.

Ang kinakabahan lang ako, baka hindi ako makapasok. Baka hindi 'yung mga tropa kong guard 'yung bantay, at 'yung mga bwisit na nagpapalabas pa ng ID. Sayang 'yung punta ko do'n kapag nangyari 'yun.

Aish.

Prayers, Nikks. Prayers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unexpected Boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon