The Cursed of 18 Debutant

9 0 0
                                    

[Paalala: This story is a work of fiction any resemblance to a particular event, place and name of the character is completely coincident.]

Halos lahat ng nasa bahay ay abala sa paghahanda. Para saan? Well tomorrow is my 18th Birthday at masyado nilang pinagkakabonggahan iyon dahil minsan lang daw iyon dumating sa buhay naming mga babae tss ewan ko ba, taon taon naman akong may birthday eh tss.

Dahil wala akong magawa itunuon ko nalang ang mga mata ko sa binabasa ko.

*****
"Tina! Patay na si Lia" Hingal na hingal na sambit ni Lie halata sa kanya ang pag aalala.

Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi nya
"May namatay na namang dalagang babae, may isa na namang nabiktima" Bulong ko sa sarili ko at naikuyom ang palad.

Tumayo ako at nakiusyoso sa labas, kapit bahay Lang namin si Lia, at kababata ko rin siya.

"Naku napapadalas ang patayan dito no" Ani ng isang usiserang kapit bahay
"Hindi ba't isa sya sa mga dalaga sa Curse of 18 Debutant" Singit pa ng isang usisera kapit bahay
"Wag kang maingay hindi ba't si tina na ang huli yung anak ni manang Josephine" ani
ng naunang usisera

Napairap nalang ako sa kanila. Mga chismosa.

Dito sa bario hindi na ako magugulat sa mga ganitong pagyayari, patay dito, patay doon.

Nagsimula ang lahat noong May nagpakamatay na isang babae sa Debut nya sa harap naming mga bisita nya walang nakakaalam kung bakit nya ito ginawa at nagiwan lang sya ng letter, isang cursed letter na nagsasabing lahat kaming mga nakalista ang pangalan doon ay mamatay sa mismong debut namin. Well pinagsawalang bahala namin iyon dahil isa syang psycopath. Isang babaeng baliw kaya naman hindi kami naniwala. But ng mamatay si Alexa sa araw ng debut nya at sinundan pa ni kiera ay naungkat muli ang nakaraan at heto na nga lahat ng nasa listahan ay patay na at ako na ang huli.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa well halos lahat naman kasi ng pagkamatay ay may dahilan. Katulad ni alexa namatay sya dahil sa sakit nya, nasa ospital pa nga kami noon nung nagdiwang kami ng kaarawan nya. Si kiera naman na aksidente yung sinakyan nyang kotse noong papunta na sya place ng event nya.
Hakahaka lang naman ang lahat nagkataon lang na sa mismong birthday lang talaga nila nanyari ang lahat.

But still tama ang mga pangalang nakalista sa letter lahat namatay sa araw ng 18th birthday nila at susunod na ako.

Hindi ko makuhang matakot, ewan ko ba mas na chachallenge ako. Gusto kong malaman kung may pumapatay ba o hakahaka lang ang lahat.

Tama mag iinvestigate ako.

"Kung Ano man ang binabalak mo itigil mo na yan. As far as I know Writer ka hindi detective." Ani ni Misha

"Ha?" Tanong ko

"Alam kong iyon ang iniisip mo mas mabuting huwag mo ng ituloy yan." seryosong sabi nya.

"Ngunit hindi ba't makakatulong pa ako sa mga kababalaghan sa Bario natin? And magandang basehan ng story to no" Determinadong sabi ko

"Isali nyo naman ako, Ka OP kayo ha" Nakaismid na sabi ni Lie.

"Hayst bahala nga kayo pag nalaman nila tiya yan" Sabi ni Misha

"So ganto kasi yan, I'm planning to investigate the crime scene baka may makuha akong clue na makakatutulong para sa kababalaghan na ito. So are you In or what?" Sabi ko

"Taray naman po pala ng kababalaghan hahaha, but medyo challenging to ah so in ako feeling ko magiging girl version na ako ni Shinichi " Excited na sabi ni Lie

"Tss ano namang alam nyo sa pag iinvistigate?" Tanong ni Misha

"Well I'm a writer of Mystery Genre so may alam din ako kung paano mag solve ng case" Proud na sabi ko

The Cursed Of The 18 DebutantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon