(A/N: Hello ulet guys! yung una kong story pinublish ko ng english at walang pumansin. ;-; So I decided na gawin tong tagalog. Enjoy guys.)
Matalino.
Magaling sa lahat ng bagay.
Seryoso.
Prim and proper.
Masungit.
Loner.
War freak.
NAKAKATAKOT.
Yan ang pagkakakilala sakin sa dating school na pinapasukan ko. Parang ayoko na ng ganyang trademark. Kaya nang malaman kong lilipat na kami, I decided. Magbabago na ko.
MONDAY, FIRST DAY OF SCHOOL SA BAGONG SCHOOL:
Grabe! Ang laki naman ng school na to. Nakakapanibago. Kahit transferee lang ako, pinasok kagad ako sa Class A. Nakakakaba.
Napaaga ata ako ng pasok. Tatatlo pa lang ang tao sa Class 2A pagpasok ko.
Umupo kagad ako dun sa pinakalikod sa may electric fan. Niyuko ko na lang ang ulo ko at nagbasa ng libro. Pero sa totoo lang nakikinig din ako sa pinaguusapan nung tatlo kong 'classmate' na tungkol sa episode ng Gintama.
"Oo nga eh! Grabe yung pangalan ng unggoy noh!" sabi nung isang babae na shoulder length ang hair.
"Mas gusto ko parin ung episode na may Unibrow!! Hahahaha!" sagot naman nung babaeng naka-full bangs at naka-salamin.
"Ui teka, ikaw si Tami Sabrano di ba?" Singit nung isang lalaking messy ang buhok.
"Ha?" Tama ba narinig ko? Pano niya nalaman ang pangalan ko? "Ah eh... Oo." Sagot ko sabay bigay ng shy smile.
"Hello! Ako si Raymond Cruz." Sagot ng lalaking messy ang buhok.
"Eto naman si Angelica," sabay turo niya sa babaeng shoulder length ang hair. Nag-smile si Angelica at nagsalita. "Ina-add kita sa FB, inignore mo ko." Sabay pout.
"Ah.. Kasi di pa naman kita kilala nun... tsaka..." Hala! Eh hindi ko naman alam na soon-to-be-classmate ko pala yun!
"Oo nga naman Ange, eto talaga! Don't be so harsh!" salo nung babaeng nakasalamin. "Ako nga pala si Micaella... Ui! Nagddrawing ka?! Patingin!!!" sabi niya sabay hablot ng sketch pad ko sa bag ko!
Oo nga pala nakalimutan ko na isara ang bag ko nung kinuha ko yung libro...
oo nag ddrawing ako!!! pero ayoko ipakita!! NAKAKAHIYA!!! >o<
"Hala!!!! ibigay mo sakin yan!!!" Pake-alamerang to. Nataranta na ko. Wala na. Nalaglag ko yung binabasa ko at pinilit kunin yung gamit ko.
Naghabulan kami ni Micaella sa Classroom na parang mga bata. Dahil kinuha niya ang sketch pad ko. Mahalaga talaga yun para sakin eh. Para namang wala ding pake yung mga dumadaming tao sa room.
Biglang nabangga ni Micaella yung bagong pasok na lalaki sa room. Magka-height lang kami, maputi siya, maayos na nasuklay ang buhok at nakanapsack.
Hinablot nung lalaki ang sketch pad ko kay Micaella.
Yung totoo, ANO BANG GUSTO NIYO SA SKETCH PAD KO??? NAAASAR NA KO.
"Sayo to mica?" Sabay buklat nia at tumambad sa kanya ang drawing ko kay Len Kagamine.
BINABASA MO ANG
Miss Nerd and Mr. Heartthrob
Teen FictionMiss Nerd: Pagpasok ko sa bagong school ko, gusto kong magkaroon ng mapayapang school life. Pero paano mangyayari yun kung lagi akong nilalapitan ni Mr. Heartthrob?