(A/N: Nafrufrustrate na ko. feeling ko, wala talagang nagbabasa nito. *sob* ;-;)
Mga dalawang linggo na simula magfirstday of school. Everything's going smooth. Naging ka-close ko sina Angelica, Micaella at Raymond. Lalo na si James.
Madalas kami nagkikita at nagkakasabay papasok ng school. Seatmates kami sa permanent seating arrangement sa room. Madalas din kaming magkasama pag recess. Parang ngayon.
nandito kami ni james sa canteen, recess na kasi namin...
at tulad ng dati, puno ng maingay at gutom na studyante ang canteen. Huminto kami sa tapat ng counter.
"Anong gusto mo? Isabay ko na sakin." tanong niya sa akin habang nakatingin sa menu.
"Hindi, ako na." sagot ko, sabay pila sa likod niya. Ayaw ko yung bini-baby ako atska duh? may paa at kamay naman ako noh!
"Sige na, ako na. Tapos umupo ka na para di tayo maubusan ng pwesto."
*sigh* "O sige na nga" inabot ko yung pera ko. "Clubhouse sandwich tsaka c2." Sabay talikod at alis.
hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at sumunod nalang ako sa sinabi niya, sa bagay, may point naman kasi siya eh. Sa dami ba naman ng mga tao dito, mahirap na maubusan ng pwesto noh!
Tumingin tingin ako. May bakante pa ba?
Nung nakakita ako ng pwesto sa bandang gitna, tumakbo kagad ako at umupo doon. mahirap na baka maunahan pa ako.
Sa haba ng pila, matagal pa siguro si James. Kaya nilabas ko yung bago kong libro at nagbasa.
"Tami? Ah yung laging kasama ni James?"
Teka, tama ba dinig ko?
Pagkalingon ko sa kanan ko, pinaguusapan pala ako ng mga nasa kabilang table. Grabe! Di man lang ba kayo nahihiya? Naririnig ko kaya kayo.
"Bago lang yan di ba?"
Dedmahin mo lang sila Tami. DEDMA.
"Kabago-bago, lumalandi na kagad. Kay James pa!"
Wow naman. Ngayon malandi na ko.
"Nerd."
Di ko na ma-take toh. Tatayo na sana ako kaso biglang may humawak sa braso ko. pag tingin ko napakunot ang noo ko.
"James?" badtrip naman oh!..Bakit mo ko pinipigilan, tsk..
"Kumain na tayo. Baka ma-late pa tayo." Sabay flash ng reassuring smile niya na pwedeng mangtunaw ng kahit na sino.
*sigh* Oo nga naman wala akong mapapala kung papatulan ko yung mga yun. kaya imbis na sugurin ko umayos nalang ako ng upo..
Umupo naman na si James sa tabi ko at kumain kami.
(moment of silence)
.
.
.
.
.
"May assignment ka na ba sa English?" tanong ni James na bumasag sa katahimikan naming dalawa.
Tumango lang ako. iniisip ko pa din kasi yung mga bulong-bulungan kanina...
tapos tumawa lang si-... Teka!, tumawa siya?! 0.o
feeling ko napunta lahat ng dugo sa mukha ko at nararamdaman kong namumula na ang mukha ko. Grabe kahit tumatawa gwapo pa rin.
"H-hoy! A-Anong nakakatawa?" nauutal kong sabi dahil nahihiya ako... aba! ikaw ba naman eh pagtawanan.. hindi porket gwapo siya tatawanan niya lang ako noh!! >_<
BINABASA MO ANG
Miss Nerd and Mr. Heartthrob
Genç KurguMiss Nerd: Pagpasok ko sa bagong school ko, gusto kong magkaroon ng mapayapang school life. Pero paano mangyayari yun kung lagi akong nilalapitan ni Mr. Heartthrob?