Oneshot : You Are My Sunshine
I'm sure you've heard this story somewhere and I just find it very touching so ilalagay ko siya dito.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~**~*~*~*~*~
3rd Person's POV
Masayang naglalaro sa labas ng kanilang bahay si Christian nang bigla siya tawagin ng kanyang ina.
"Christian, come here na may sasabihin kami sayo." masiglang sigaw ng kanyang ina na abot langit ang ngiti.
Dali dali namang tumakbo ang bata pabalik sa kanilang bahay dahil mukhang sobrang ganda ng balita ang ihahatid ng kanyang ina.
"Mommy what is it?" Nakangiting tanong ng bata.
Lumuhod ang kanyang nanay at tatay para magkasing-level na lang sila. Ngumiti ang kanyang mga magulang. Hinawakan ng tatay ang kamay ng anak saka ipinatong sa tiyan ng ina. "You're having a baby brother..." sambit nito.
"Or sister." Pagtatama ng ina sa sinabi ng tatay.
Biglang nagliwanag ang mukha ng batang si Christian at nagtatatalon sa loob ng kanilang bahay sabay pagkanta ng mga katagang, "We're gonna have a baby~"
__
Lumipas ang mga buwan at nagpa-ultrasound ang kanyang ina. Nalaman nila na babae ang kanilang magiging anak kaya naman hindi na sila makapaghintay at saktong pag-uwi nila ay sinabi na nila agad ito kay Christian.
"You are my sunshine. My only sunshine. You make me happy, when skies are gray." Kanta ng bata sabay haplos sa tiyan ng ina.
"Kapag lumabas ka diyan baby, I will sing you songs everydaaaaay~" sambit ng bata sabay galaw sa kanyang mga kamay parang umano'y pinapakita ang hinaharap sa kanyang magiging kapatid.
__
Dumating ang ika-siyam na buwan at malapit ng manganak ang ina ng bata.
Nagulantang ang lahat sa sigaw na narinig nila, "PAUL!!" sigaw ng ina habang tinatawag ang asawa. "MANGANGANAK NA KO!" dugtong niya.
Mabilis pa sa alas kwatro tumakbo ang asawa niya at agad siyang binuhat para dalhin sa ospital.
__
"IRE!" sigaw ng doctor. Umire naman si Meredith sa abot ng kanyang makakaya. Ngunit hindi parin ito sapat.
Nasa loob ng kwarto na iyon ang mga nurse, ang doctor, si Paul na kanyang asawa at ang ina na kasalukuyang nanganganak.
"Only one of you will survive." Sambit ng doctor. Mukhang nagulat naman ang mag-asawa sa balitang kanilang narinig.
Tinanggap na lamang ng dalawa ang kanilang hinaharap na kahit sino sa dalawa ay pwedeng mamatay.
It's either the mom dies and the child survives or it's the other way around. It would be a miracle sabi ng doctor kung parehas silang mabuhay.
__
Nakapanganak na ang ina. Lumabas ang bata ngunit walang iyak na lumabas mula dito. Hinawakan ng doctor sa paa ang bata at itinaas na parang nakabitin at pinalo sa kanyang pwetan. Para siguro makarinig ng kahit na anong sensyales na buhay ang bata. Tinry na rin nila ang CPR pero walang parin nangyari.
"I'm sorry Mr. and Mrs. Aguilar. Your baby didn't make it." Malungkot na sambit ng doctor. Napaluha ang mag-asawa dahil ang akala nilang batang babae na lalong dadagdag sa kanilang saya ay nawala na. Hindi man lang nila nasilayang ang unang pagbukas ng mata niya, ang unang pagngiti, ang unang pag-iyak, ang unang paghagikgik ng kanilang anghel.
"MOMMY! DADDY!" sigaw ng anak habang tumatakbo patungo sa kanyang mga magulang. "HOW'S MY BABY SISTER?" masiglang tanong niya habang nakatingala sa mga magulang.
Hindi alam ng mag-asawa kung paano sasabihin sa anak ang sinapit ng kanyang kapatid kaya naman binuhat siya ng kanyang itay at inilapit sa sanggol. "She's right here..."
Pinilit ng tatay na magmistulang masigla ang boses niya.
Hinawakan ni Christian sa kamay ang sanggol sabay kumanta. "You are my sunshineeee. My only sunshineeeee. You make me happyyyy. When skies are graaaay."
"UWAAAA! UWAAAA!" Napabalikwas ang mag-asawa sa iyak na narinig nila. BUHAY ANG SANGGOL.
Napaiyak sa tuwa ang mag-asawa at niyakap si Christian. "You and Leila are my priceless blessings." Sambit ng ama.
"Her name's Leila?!" Animong nmamangha na tanong ng bata. "Wow! Hi Leilaaaa! I'm your Kuyaaaa!!!!" masiglang sabi ng bata.
"Oh! I didn't get to finish my song." sambit ng bata kaya itinuloy niya ito. "You'll never know dear, how much I love you. Please don't take my sunshine awayyyy~" kanta niya sabay action pa sa kanyang mga kamay.
Maybe God heard Christian. He didn't take Leila. Leila is Christian's sunshine and she makes him happy when skies are gray. Leila would never know how much her brother loves her if she dies.
They hugged each other tight and it was a way of saying welcome to their only sunshine. Leila Aguilar.