Every Dose Of You

3.8K 92 57
                                    


" Pabili. "

Tamad akong lumingon kay Abdul Colax. Halos araw araw ay nandito ito sa botika namin kahit wala namang binibili.

" Pabili ng puso mo para magamot ang aking sugatang damdamin. " Pasimple pa niya akong kinindatan na talagang kinainis ko.

  Nabubwisit talaga ako sa mukha niyang parang tae. Tuwing ngumingiti siya ay nagpipigil akong huwag siyang suntokin sa gilagid niyang walang ngipin kahit isa.

Ang ilong naman niya ay animong nakadapa na matabang babae na nagbibilad sa araw.

Tinalo niya sa kakapalan ng labi niya ang lips ni Kylie. Naku, pagnagkita sila, baka magsuicide si Kylie.

At ang nakakainis pa ay ggss ito. May sarili naman akong depinisyon nito. Gagong Gurang Sarap Suntokin. Kahit nasa mid twenties palang si Abdul ay mukha na itong nasa 40s dahil bilad sa araw at may mga bisyo.

" Kato! " sigaw ko sa pusa namin at bigla nalang itong tumalon mula sa kung saan at sinakmal sa mukha si Abdul. Kahit na malandi si Kato at nagpapachurva kani-kanino ay maaasahan naman ito. Umuwi si Abdul na puro kalmot at sugat ang mukha. Sanay naman siya eh.

" Paracetamolofasia! "

" Sinabi nang wag mo kong tatawagin sa buo kong pangalan eh. " yamot kong sabi kay Tempramona or Mona for short na pinsan ko. Anak ni Tita Min na kapatid ng namayapa kong ina.

Sakanila na ako tumira mula pagkabata. Gusto ni Tita Min na tawagin ko nalang siyang mama, ang kaso ayaw ko kasi katunog ng Tita Min ang vitamin. Bumabawi lang ako.

Botika na ang business ni Tita Min kahit di pa kami naipapanganak ni Mona. At dahil daw sa wala siyang maisip na ipapangalan samin ay sa mga gamot siya kumuha ng idea.

Ang di ko lang matanggap ay hinaluan ng Mall Of Asia ang pangalan ko. Lakas din ng tama ng nanay ni Mona.

" Ba't ganyan ka makatili, Tempramona? " asar ko sa kanya. Kahit siya ay ayaw niyang binabanggit ang buong pangalan.

" Mamaya na nga tayo magasaran. May wafung foreigner na napadpad dito sa lugar natin besh! Ano kasing tawag dun? "

" Tourist. "

" Oo, tourist nga. Grabe lang muntik ng mapigtas ang panty kong walang garter. Hila hila ko na nga habang naglalakad. "

" Alam mo namang wala akong time sa mga ganyan. "

Sa aming dalawa ni Mona ay masasabi kong mas responsable ako. Never pa nga ako nagka boyfriend sa edad kong 21 eh. Inuuna ko muna kasi itong negosyo namin. Wag kayong ano dahil may itsura naman ako. Foreigner kasi yung nakahit and run kay mama.

5'7 ang aking taas. Pinanganak naman akong maputi, kaso naging tan ako sa kabibilad sa araw.

" Is this a drugstore? "

Nagulat nalang kami nang may biglang sumulpot. Pinanlakihan ako ng mata ni Mona habang nginunguso ito na parang sinasabi niya na ito yung kinukwento niya kanina.

Natulala ako sa guwapong mukha ng estranghero. Minsan lang kasi may mapadpad na wafu dito samin.

Makakapal ang kanyang kilay na bumabagay sa mapupungay niyang mata. Mahaba ang pilikmata niya na lalong nagpaamo ng kanyang mukha.

Pang hollywood naman sa tangos ang kanyang ilong at mamulamula naman ang kanyang labi na kaysarap supsupin.

Supsupin?

Este halikan. Dun muna pala tayo sa level one hihi.

Ang kanyang jawline ay pwedeng gawing itak at ipangsaksak sa gilagid ni Abdul.

Every Dose Of You #JFanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon