III - In Between His Thigh

934 12 0
                                    


Robert John "RJ" de Jesus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Robert John "RJ" de Jesus


SATURDAY night that week. Nasa isang kilalang KTV sa Ayala si Hailey kasama ang mga ka-department niya. They were celebrating Mr. Johann's 44th birthday. Tinotoo nga ang sinabi nitong magpapainom ito.

Sa totoo lang, ayaw talagang sumama ni Hailey pero nahiya siya. Mabait kasi ang kanyang katrabaho at minsan lang ito humiling. But it didn't mean na makikisama siya sa kasiyahan. Hindi naman siya killjoy na tao pero hindi siya kumportable sa maiingay na lugar kaya iyon siya at nakaupo sa pinakasulok na pwesto at ine-enjoy ang hawak niyang bote ng SanMig Light.

Nang sandaling iyon, kumakanta si RJ at ang isa nilang officemate na babae ng Just Give Me a Reason. In fairness, maganda ang boses ng binata. Husky tenor. Medyo scratchy nga lang ang higher notes because of glottal tension but still pleasant to her ears.

Napabuga siya ng hangin saka ngumuso. She had been observing him these the past few days. Wala siyang makitang kapintasan kay RJ. Magalang ito at friendly. Organized din. Parating maaga pumasok. Hindi na rin siya magugulat na maagaw nito ang korona niya bilang most valuable employee.

And of course, she wasn't happy with that. RJ was not just someone who stole the opportunity for her. Threat na rin ito sa steady flow ng kanyang career.

At hindi ako papayag doon! monologo habang tahimik na nakaupo sa isang sulok at iniinom ang kanyang alak. Nakakatatlong bote na siya ng San Miguel Beer at unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto niyon.

I have to find your Achilles heels bago mo pa masira ang career ko, monologo niya habang pinapanood na kumanta ang binata. She was so desperate, really, pero katwiran niya, ganyan ang kalakaran sa totoong buhay. You have to trample the other to ensure your success.

And she must think hard as possible. Hindi pa regular na empleyado si RJ. May pag-asa pa siyang makuha ang posisyon nito.

E kung siraan kaya niya ito?

Ah, no! I wouldn't stoop down to that level. Thankfully, she was still sober enough to realize that.

Humingi pa siya ng alak at tuloy-tuloy na nilagok iyon hanggang sa hindi na niya namalayang lunod na pala siya sa alak...

"ANONG gagawin natin kay Hailey? May nakakaalam ba ng bahay nito?" Kakamot-kamot ng ulo si Mr. Johann habang nakatingin sa dalagang nahihimbing at nakahiga sa isang sofa. Nakanganga pa ito at may masaganang laway na tumutulo sa bibig.

Hinarap nito ang mga kasama. "Ba't ba hinayaan n'yong malasing ito?" sisi nito sa dalawang babaeng kasamahan nila.

Ramdam ni RJ na magsisimula ng gulo ang binitiwang salita ni Mr. Johann kaya agad siyang pumagitna.

Seven Lies You Said [Seven Series #6 | ON-HOLD] (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon