CHAPTER NINETEEN:

1.2K 21 0
                                    

MAG-IISANG linggo na simula nung nagbreak si Kim at si Eunice. At simula nung makipagbreak si Eunice kay Kim hindi na din pumupunta sa bahay si Mildred. Hindi din naman umaalis ng bahay si Kim ng hindi kami kasama kaya hindi namin masabing nagkikita sila.

"Nakita ko si Eunice kanina sa mcdo ah. Kasama niya si Aldrin. Mukhang nagdedate yung dalawa. Akala ko ba nasa Manila na sila?" dirediretsong sabi ni Mark habang kumakain kami ng hapunan. Kaya nagkatinginan kami nila Keith.

"Ouch." angal ni Mark ng bigla siyang pasimpleng siniko ni Francis dahil napansin naming natigilan si Kim sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Parang ang bilis naman yata kung nagdedate na sila." komento ni Jude.

"Ano naman kung nagdedate yung dalawa. Pareho naman silang single. Wala naman sigurong masama dun. At saka diba mas okay na yun para kay Eunice, mukha namang hindi siya paiiyakin ni Aldrin." seryosong sabi naman ni Patrick sabay sulyap pa ng bahagya kay Kim na tinitignan lang siya ng masama.

"Sabagay." ani Keith.

Nagkatinginan nalang kaming lahat ng biglang tumayo si Kim.

"O tapos ka ng kumain Boss?" kunwaring nagtatakang tanong ni Stephen.

"Busog na ako." malamig na sagot ni Kim saka tumalikod na at naglalakad paalis ng dinning.

"Saan ka pupunta?" pahabol na tanong pa ni Stephen na abot abot tainga ang ngiti.

"Sa labas." at tuluyan na ngang lumabas ng bahay si Kim papunta sa bakanteng lote sa likod.

Muli naman kaming nagkatinginan nila Keith, Jd, Jason, Francis, Stephen, Christian, Mark, Ace, Patrick, Gabriel, Jude, at Harrold. Naghigh five pa nga ang mga loko pagkaalis na pagkaalis ni Kim.

"Mga siraulo talaga kayo. Hindi na niya natapos yung pagkain niya dahil binwisit niyo." pailing iling na sabi nalang ni Jd.

"Hayaan mo siya. Para malaman niya kung anong kagaguhan yung ginawa niya." tugon naman ni Christian.

*****

"NAG-EMAIL si Neit. Online daw siya sa skype mamayang 9pm." ani Patrick habang pababa ng hagdan mula sa kwarto hawak hawak ang laptop niya.

"Anong oras na ba?" tanong naman ni Keith sabay tingin sa wall clock. "Nagna-nine na pala eh." saka siya tumayo at hiniram ang laptop ni Ace.

Ano nanaman kayang pag-uusapan ng dalawang yun sa skype. Walang kasawaan magkwentuhan.

" Oy, at saan ka pupunta?" taas kilay na tanong sakin ni Keith ng maya-maya ay tumayo ako.

"Lalabas lang sandali." sagot ko.

"Hindi ka pwedeng lumabas berdugs." nakangising sabi naman ni Francis.

"At bakit hindi?"

"Eh kasi gusto ka daw kausapin ni Neithan." sabay sabay nilang lahat na sabi ng pasigaw.

"Mga siraulo!" pasigaw ko ding tugon saka ako tumalikod at tuluyan ng lumabas ng bahay. Gusto daw makausap, nek-nek nila. Hindi nga sakin nagpapakita yun gusto pa kayang kausapin?

Tumambay nalang ako sa kubong nasa bakanteng lote sa likod ng bahay kesa naman kasi tumambay ako dun sa loob eh alam ko naman na magpaparinig lang ng magpaparinig si Keith habang naguusap sila ni Unat.

"Bakit lumabas ka dito?" nagulat nalang ako ng marinig ang boses ni Kim sa bandang kaliwa ko. Jusko po! Kinabahan ako dun ah. Anak ng! bakit ba hindi ko siya napansing nakaupo sa isang sulok nitong kubo kahit madilim?

"Wala lang natripan ko lang lumabas." sabay taas ko ng mga tuhod ko saka iyon inakap.

"I want her back." biglang sabi ni Kim kaya agad akong napatingin sa kanya.

I Swear This Time I Mean ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon