"Mahirap magduty pero masayang maglingkod sa paaralan"

82 0 0
                                    

Super memorable ng huling taon ko bilang 4th year high school student dito sa TNHS. Madami kasing school activities at school organizations na involve ako!

(UNA) Tulad na lang ng SSG! Isa sa mga organisasyong talaga namang humubog saken bilang isang mature individual at isang tunay na leader bilang 4th year representative.

Halos laging on duty! Taga saway ng mga makukulit na panghapong estudyante-2nd year at 3rd year HS. Mga litanyang hinding-hindi ko makakalimutan tulad ng: “kuya pakiayos ng polo mo(kapag sinabi nilang mainit kasi ate e,”isasagot ko nmn,” e di wag ka ng magpolo,maghubad ka na lang”)."Wala ba kayong klase?" "San ka pupunta?" "Ate pakiayos ng blouse mo" "Hindi kaba marunong magbasa?"(sabay turo ko nung bond paper na nakadikit sa pader at may nakasulat na "Bawal tapakan ito dahil upuan ito.”) "Umayos ka ng upo mo" "Akin na yang hikaw mo." "Nagbuhos ka???" (minsan pa nga nasasabi kong naghugas ka?! Haha!!!kapag galing sila ng cr) kapag naman hindi sila nagbubuhos ito ang sinasabi ko,”gusto mo ikaw ang buhusan ko?”At syempre, sa lahat ng litanyang ito, ang pagbilang ng, "isa,dalawa,tatlo….” ang pinaka hindi ko makakalimutan xD

Mahirap magduty pero masayang maglingkod sa paaralan. SSG ako! Ikaw? ^^

Huling taon ng pagiging High School (forwon2k1011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon