"Happy Birthday to you...happy birthday to you
Happy birthday...happy birthday
Happy Birthday to you."
Nagising ako mula sa ingay ng mga torotot na talaga namang babasagin ang mahimbing mong pagkakatulog, mula sa mga malalakas at pasigaw na pagkanta ng happy birthday to you. Sa pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang isang kandila, nakasindi at tinatakpan ng kamay ng tatay ko para hindi mawala ang apoy dahil sa hangin na nanggagaling sa binta nakabukas.
Lahat naka ngiti, lahat masaya, lahat nakatingin sa akin. Inaantay ang pagtayo ko sa kama para ihipan ang kandilang kanina pa gustong mamatay.
"Anak tumayo ka na. Mag wish ka na at ihipan mo na tong kandilang ito." sabi ng tatay kong mas excited pa sa akin, kala mo siya ang may birthday.
Umupo ako, inayos ang buhok kong magulo, at hadang ihipan ang kandilang gusto ng sumuko.
"Oooops, wait lang. Mag wish ka muna." pagpigil sa akin ng ate ko bago ihipan ang kandila.
"Hay, sige na nga."
Pinikit ko ang aking mga mata na kunwari humihiling.
Sabay ihip sa kandila.
Nagpalakpakan sila na akala mo, isang kakaibang talent ang pag-ihip ng kandila.
"Happy 23rd birthday anak. Talagang dalang dalaga ka na. Ang bunso ko, hindi na bunso." medyo emosyonal sa sabi ng tatay kong clingy.
"Bakit pa? May anak ka ba sa labas na mas bata sa akin kaya hindi na ako bunso?" sabi ko habang tumatayo para kunin ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ko.
"Baliw! Wala akong anak sa labas. Kayo lang tatlo ang anak ko."
"Ito naman si papa, patola. Niloloko ka lang niyan ni CJ. Tara na lumabas na tayo, lalamig na yung pagkain sa lamesa. Hoy, ikaw CJ lumabas ka na rin agad, bilisan mo sa banyo." sabi ng kuya kong tigasin. Hahahahaha, tuwing umuga kasi nagbubuhat yan ng barbel kaya ang titigas ng mga braso.
"Yes, boss. Bibilisan ko na po."
Dumiretso na ako sa hapag kainan pagtapos ko sa banyo.
"Wooooooooooow. MAY TAPA!!!!!" O_O as in, ganyan ka OA ng reaksyon ko.
Minsan lang kasi magtapa dito sa bahay. Sa sobrang minsan, simula nang mamatay si mama, hindi na kami kumain ulit ng tapa.
Mahilig kasi magluto si mama ng tapa. Favorite ulam niya kasi iyon.
"Bakit naman ganyan ang reaksyon mo? Hindi na ba tayo pwedeng magtapa?" sagot sakin ni papa.
"Hindi naman, pero this is just very unusual."
"Very unusual talaga. Mahal kasi ang baka, kaya hindi tayo masyadong nagluluto ng ganyang ulam." sagot naman ni ate Rica sakin.
Habang kumakain kami, may inabot sakin na box si papa.
"Oh CJ, regalo naman yan sayo. Sayo magustuhan mo. Buksan mo na dali." sabi ni papa.
Ang hilig niya talaga sa mga ganitong bagay, lalo na sa pagiging cheesy. Well, okay lang naman sa akin ang magkaroon ng clingy at cheesy na tatay, pero minsan sa sobrang clingy nitong si papa, akala tuloy ng mga tao may ADHD siya.
"Hindi niyo naman kailangan pang magregalo. Ang tanda tanda ko na." sabi ko habang binubuksan ang box.
Papel. Papel na matigas na may logo ng Philippine Airlines ang laman ng box.
WHAAAAAAT!!!! Ticket. Ticket ang laman ng box. Wait, di ako makapag isip ng tama. Tama ba itong nakikita ko?
Baka naman isa na naman ito sa mga prank ni kuya? Or sa mga walang kwentang joke ni ate or sa mga corny na pakulo ni papa.
Pero hindi. Legit siya mga momshie. Legit na legit yung ticket.
Naiiyak ako grabe.
"Ano na? Speechless lang bes? Wala man lang comment?" biglang sabat ni ate habang gulong gulo pa ang utak ko.
"Ahhhh...ehhhh... para sa akin ba talaga toh? As in para sa akin?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo para sayo yan bunso. Alam naman naming matagal munang gustong pumunta sa lugar na yan. Kaya ka nga nag-iipon diba? Pero baka naman isang daang bagyo na ang nakadaan sa Batanes di ka pa rin nakakapunta?" sagot sakin ni papa.
Sobrang nalilito ako kung ano ba talaga ang nararamdam ko sa mga oras na ito.
Matutuwa, dahil sa wakas mapupuntahan ko na ang matagal ko ng pangarap na lugar.
Kakabahan, dahil wala naman akong kakilala sa Batanes.
Malulungkot, dahil gumastos pa sila papa para sa pamasahe at hotel ko.
Ewan. Bahala na. Basta ang alam ko, pupunta na ako sa BATANES.
Ilang araw na lang magkikita na tayo.
Antayin mo ko Batanes.
Parating na ako.
YOU ARE READING
Make You Feel My Love
RandomAng kwentong ito ay tungkol kay CJ at sa pagpunta niya ng Batanes. Tungkol kay Aleaxander na gustong makalimot. Sa tatay ni CJ na napagkakamalang may ADHD. Sa ate at kuya ni Cj na madalas siyang pagtripan. Sa mga kaibigan ni Cj na mahilig magdrawing...