Page 47

11.3K 112 5
                                    

Ika Apatnapu't Pitong Pahina

Napaigtad si Caleb ng marinig ang pag anunsyo ng paglapag ng ispesipikong eroplano.

Naramdaman nya ang pagkapit ng kapatid sa kanyang braso.

Napatingin ang binata.

Kiming ngumiti si Coleen.

          "Relax. " bulong nya.

Marahang tumango si Caleb.

Nakakahiya mang aminin, pero si Coleen pa ang nagmumukhang panganay at lalaki sa kanilang dalawa.

Ito ang kalmado at nagbibigay sa kanya ng suporta.

Habang sya ay di patuloy na pinipilit ang sariling ayos lamang ang lahat.

..

Nagtayuan ang mga ibang nag aabang.

Binalingan ni Coleen ang kapatid.

          "Tara kuya. " aya nya.

Ngumiti lang si Caleb at tumayo na rin.

Naglakad sila palapit sa area kung saan sadyang nilaan para sa mga mag aabang.

Tumabi sila sa hilera ng mga nag aabang rin.

Di maiwasang mapangiti ni Caleb.

Katabi nya ang isang babae, may hawak itong bata at nagkandahaba ang leeg sa pagtingin sa labasan.

Hanggang sa may magsalita sa gilid nila.

          "Ayan lumalabas na. Itaas mo na yung plakard natin para makita ni Auntie. " sabi ng isa.

Napatingin ang magkapatid sa mga papalabas na pasahero.

Unti unting bumilis ang tibok ng puso ni Caleb.

          "Relax. " bulong nya.

Napalunok ang binata.

Pasimpleng sinusuyod ang mga papalabas na tao.

Ng biglang may magsalita sa kanilang likuran.

          "Nandito lang pala kayo. " boses ng babae.

Napalingon ang magkapatid.

Bakit Absent si Klasmeyt ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon