[1] The Mysterious girl

1.4K 20 0
                                    


INTRO:


  Sa isang lugar may naguusap na dalawang babae

"isang kuwento ng isang mysteryosang batang babae na makikita mo sa daan kapag gabi sa isang tahimik na lugar... nakadress siya na puti. o dirty white dahil siguro sa madumi, nakaupo siya sa tabi ng mga basura. magulo ang kanyang mahabang buhok. at napakadumi nya sugatan din siya at puro tahi ang braso. hawak niya ang kanyang stuffed toy na teddy bear. na halos sira sira.
kapag nadaanan mo siya... tatanungin ka niya.
"MAY KAPATID KA BA NA BABAE?" salaysay ng isang babae...
***
Si Pete 18 , isang college student at nag boboard sa isang apartment.
Lahat ay normal at tahimik siyang namumuhay , pero nag simula ang kanyang bangungot mula ng nakilala niya ang msyteryosang babae.

Isang gabing iyun nag simula ang lahat...

"hays! Naku naman katamad naman talaga si Aling Nena(may-ari ng buong apartment) sakit sa ulo talaga." Ani ni Pete.
*ikaw bata ka! Ilang beses ko bang ipaalala sayo na itapon mo ang basurahan! Dahil palage nalang napagiiwanan ng basurero!* naalala ni Pete ang payo ng matanda.
"siya itapon ko lang to para matapos na!" wika niya sa sarili habang bitbit ang malaking supot ng basura.
sa Tapat ng apartment niya ang tambakan ng mga basura at sa tabi iyun ng isang street light.
Tahimik na ang lugar dahil lahat ng tao ay tulog na.
Maliban sa isa...
*May tao?... sa basurahan?, anung ginagawa niya—ang weird ahh?* ani sa isip niya.
* Pete. Kunwari wala ka nakita –kung hindi isang hamak na pulubi.* nababaliw na sabi niya sasarili.

Hindi umimik ang mysteryosang babae na nakaupo , napakapayat at may hawak na manika. Napakadumi niya at magulong buhok. Halos di na mamukhaan ang mukha dahil natatakpan ito.

Matapos niya itapon ang basura sa tabi nito ... pagtalikod ni Pete, hindi pa siya nakakahakbang palayo. Narinig niya nagsalita ang babae.

"MAY KAPATID KA BA NA BABAE?"

"ah e, meron ak..." bigla niya rin sinagot. At kahit siya nabigla sa pagkakasabi niya.
*bakit ganun?, baliw lang makikipagusap sa weirdong kagaya niya... ang creepy ha?* sa isip niya habang papilit na patawa ng bahagya.
Nang nakarating na siya sa apartment niya chineck niya kung nandoon pa ang babae ..(tanaw niya sa bintana niya). Naguluhan at nagtaka matapos Makita na wala na sa kinauupuan ang babae kanina.

*hays kalimutan mo nalang Pete. Itulog mo nalang dahil pagod ka lang*ani sa isip niya.

Kinabukasan.

Sa school. Noong break time nakausap ni Pete ang dalawa niyang kaibigan. Sina Gale at Joe.
Si Gale ang nerdy type at matalino sa kanilang magkaibigan at palaging seryoso. At si Joe ang kabaligtaran ni Gale, na makulit, at puno ng kalokohan at may katabaan.

"Pare (sabay tapik sa balikat ni Pete) mukhang puyat ka ahh anu problema?"ani Joe. Sabay nakangiti.
"kamusta, mukhang di ata maganda ang araw natin?" ani ni Gale. "mind if you share with us?"

"kase.. Guys.." ani ni Pete na may serious look.
At kinuwento nga ni Pete ang weird na nangyare kagabi.

"HAHAHAHAHAA!!! Babae ba kamo naku anu itsura?, baka ito sinasabi mo?" wika ni Joe, sabay hugot ng DVD na porn.. at cover ay sexing babae na nakaputing dress at nighties.
"Limited edition yan! At pantanggal bad vibes yan pre! Panoorin mo nalang !!!"

"anu bang kalokohan yan Joe! Wag mo ko gagaya sayo, bago bago ka naman pag may time, naman oh!" ani ni Pete na naasar.
Samantalang si Gale ay tahimik at inobserbahan ang salaysay ni Pete.
Habang si Joe pinipilit si Pete na manood ng DVD niya, at nagtatalo.

... at kinagabihan.
Naalala parin ni Pete ang weird na babae. Dahil sa basura muli na itatapon niya.
*hays , naku naman! Na andyan, na naman siya!* ani ni Pete sa isip. Pero kasabay nun naalala niya si Aleng Nena. *mas nakakatakot pa mamura ako ni Aling Nena.- wag mu nalang pansinin Pete, itapon mo nalang ang basura pati ang gabing ito.*

At hindi pa siya nakakalayo. Muli nagsalita ang mysteryosang babae.
"AHH!" ani nito na tila nasaktan.
*nasaktan ko ata matapos ko ihagis ang basura?*ani sa isip niya, na napahinto siya at ng lilingon siya sa likuran niya.
"Ahh pasensya na...a!" (biglang bumulaga sakanya ang babae sa pagharap niya at nakatayo)

"ANG ALAGA KONG SI RUEBEN...MA..DUMI."
"hah?! Ben?" kinabahan na ani ni Pete.
"KAILANGAN NIYA NA LINISIN.. ANG DUMI NIYA NA."
* yung stuff toy ba, ang tinutukoy niya? At anu bang pinagsasabi niya?*habang napatingin siya sa sirang at maduming stuff toy.

"kasalanan mo kase! Dahil tumatambay ka diyan!" ani ni Pete sa kanya. Sabay nagmadaling umalis palayo sa kanya.

Habang paakyat na siya sa apartment niya.
*grabe! Hindi ko na maintindihan ang kababalaghang ito, nagbibigay siya ng pangalan sa weird na laruan? *
*at anung pinagsasabi niyang madumi? E siya nga madumi nung una palang?*
*at pinaka nakakaloko pa dun sinisi niya pa sakin sa nangyare sa mahal niyang laruan?*
Lahat iyun ay sumagi sa isip ni Pete, .... Pero hindi niya pa tuluyang sinara ang pinto (isasara pa lang)

Nabigla si Pete ng may pumigil sa pag sara niya ng pinto, gawa ng maduming mahahabang daliri na humarang sa pagkakasara ng pinto.
"ANU BANG KAILANGAN MOOO!!!" panic at kinabahan ani ni Pete.
"TIGNAN MO...AYAW NIYA MALINIS , KAHIT PINUNASAN KO AYAW PARIN!" ani nito.(habang siniksik niya ang stuff toy sa pinto)
Tulalang takot si Pete.
"HUGASAN KO SIYA?" tuloy niya habang nakadungaw sa pinto,hanggang sa nabuksan na nangtuluyan ang pinto.
"HUWAG KANG PAPASOK NA WALANG PAALAM !!!SINO KA BA! " babala ni Pete.
"ANU BANG PINAGSASABI MO? DINUMIHAN MO SI RUEBEN KO!" ani niya.

"GUSTO NIYA LANGA NAMAN NA LINISIN SIYA! SUMISIGAW SIYA KAPAG HINDI NAHUHUGASAN!!!" sigaw ng babae.
At nakakabingi iyun.
"sige na tama na!!! huwag ka sumigaw, hugasan mo siya sa banyo." Ani ni Pete habang takip ang mga tenga.
"SALAMAT, ANG BAIT MO!"
Habang hinuhugasan ng babae ang laruan niya, isang mabahong amoy ang hindi niya maipaliwanang, na nangagaling sa laruan niya.
*anung amoy yun *sabay takip ng ilong na halos masuka na siya sa amoy.
"AHH MASARAP BA PAKIRAMDAM MO RUEBEN?HIHIHI!"

Matapos nun ay umalis na ang babae.

Kinabukasan ng umaga.

"WOW! Grabe pare, dinaig mo pa yung pinaglamayan sa mukha mo ahh?!" pangasar ni Joe.
" anu sulit ba yung panonood mo? Hahaha masyado ata napasarap!"

"F**K OFF! Joe! 'wag ngayun ok! Ka badtrip naman oh!" habang nakatungo siya at hinabol ng antok si Pete.
"hhahahaha!" tawa ni Joe.
"Anu nanaman ba nangyare?" ani Gale, habang hawak ang libro na binabasa.
" yung babaing weird nay un magdamag ako naglinis ng kuwarto ko sa dahil sa kalat niya." Ani ni Pete, na nakatungong nagsasalita sa mesa."wala na akong tulog"

"wow hanep! may babae ka na pala di mo na sinasabi samin ahh!, musta anu balita may nangyare ba?, anung itsura niya?, maganda ba? Pakilala mo din sakin .... Este samin heheh!" makulit na sabi ni Joe.
"siya nga yung babaeng kinukwento ko ... nakaputi..at.."
"...KAMUKHA NIYA BA YUNG NA SA DVD COVER?!!! Nakakabaliw lalo ko siya gustong Makita!" ani ni Joe.
"ha..ha..ha! ibang iba siya sa iniisip mo... ang babaing iyun...

Parang iba eee, masama ang kutob ko sa kanya." Wika ni Pete.

At ng pauwi na siya galing school.habang nag lalakad si Pete. Pauwi
Nadaanan niya

Sa isang lugar may naguusap na dalawang babae (mga high schooler)

"isang kuwento ng isang mysteryosang batang babae na makikita mo sa daan kapag gabi sa isang tahimik na lugar... nakadress siya na puti. o dirty white dahil siguro sa madumi, nakaupo siya sa tabi ng mga basura. magulo ang kanyang mahabang buhok. at napakadumi nya sugatan din siya at puro tahi ang braso. hawak niya ang kanyang stuffed toy na teddy bear. na halos sira sira.
kapag nadaanan mo siya... tatanungin ka niya.
"MAY KAPATID KA BA NA BABAE?" salaysay ng isang babae...

"So anung mangyayari kung sagutin mo siya?" tanong ng isa.

"HUWAG NA HUWAG MO SIYA SASAGUTIN, KUNG AYAW MO MAGING SAPILITAN MAGING KAPATID SIYA. ... AT HANGGANG SA MAMATAY KA NALANG NA NAKABALUKTOT!"

"naka .. baluktot? Anung ibig sabihin nun?"

"hindi ko na alam girl eh, pero nakakakilabot dib a?"

Sa mga narinig ni Pete , na iyun lalo siyang nabahala.

*kung ganun,ang babaing iyun ay..

..hindi maari!!!*  

'My Dear Brother'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon