[4] The Cat and a Mouse

536 9 0
                                    


  Kinabukasan , sa school inabutan na nag gabi mga oras na iyun pumunta si Lara sa court (isa siyang varsity ng volleyball) nakita niya ang kanyang coach si Ja (nickname niya sa Jamille).
Naabutan niya na nagliligpit ng bola ito.

"Oh, Lara? Nandito ka pa?" ani ni Ja.

"uhh coach wala ba tayong meeting?"

"wala tayung meeting remember na cancel lang ngaun pansamantala, sorry nakalimutan ko i-remind saiyo sa busy ko, dapat pala na i-text kaagad kita kahapon..." ani ni Ja.

"ganun po ba? Mali ata inform ni mama sakin kanina maga, may nagsabi kase na kaklase ko raw na me meeting ngayun ... well false alarm."ani ni Lara habang tinutulungan niya magligpit ang coach niya.

"sige iligpit lang natin to then makakauwi na tayo ok..." ani ni ja, ngunit napansin niya si Lara na wala sa sarili.

"Lara? Okay ka lang ba? Tulala ka diyan? May problem ba?"

"kase po kagabi lang may isang weird na babae malapulubi ang ayos at palagi niya dinadaing na kapatid siya ng kuya ko."

"ganun ba, parang narinig ko na yan kwento , familiar hmmm... Ah! Oo naalala ko dati parang isang urban legend lang tungkol sa weird na babaeng pulubi..."

"Ano, po?"

"May makikita ka na isang babaeng pulubi at tatanungin ka niya nang 'MAY KAPATID KA NA BA?', then kung ikaw anu sasabihin mo?"

"sasabihin ko hindi ko kailangan at wala!" (pagtangi sa tanong)

"Yup ganun nga maari mong sasabhin, ngunit kapag ang lalaki ay may kapatid nga na babae at sinabi niya iyun sagot na 'WALA'... papatayin nang babae ang kapatid ng lalaki kase sinabi niya na...

'WALA' = (ang meaning sa kanya iyun hindi na niya kailangan).

Sa sinabi ng coach niya na bigla si Lara...

"Pero kung ang lalaki ay wala talagang kapatid at sinabi niya ding 'WALA' o hindi ko na kailangan... agad niya naman papatayin ang lalaki dahil ang meaning naman sa kanya yun ay wala kang kuwentang kuya."

"THEN PAANO KUNG SABIHIN KO NA ! MERON?!" ani ni Lara.

"pag sinabi mo naman yun ipagsiksikan niya ang sarili niya sa buhay mo habang nabubuhay ka."paliwanag ni Ja.
"kahit anong sabihin mo sa huli, mapapatay ka din niya... kaya mas mabuti nang hindi mo na dapat sagutin."

Biglang tumahimik sila pansamantala.
Dahil natahimik si Lara.

"naku mga kwento kwento lang naman yun naririnig ko Lara, wag ka magpadala sa mga sabi-sabi hahaha! Im sure nagkataon lang na hawig sa kuya mo ang kuwento ko , baka anung stalker lang yun."(mean niya coincidence naman) ani ni Ja, para mabasag ang katahimikan.

"..."

"ohh siya tara tapusin na natin to ng makauwi na."
Tumango lang si Lara na tila umoo.

Samantala...

Isang gabing iyun rumoronda paikot sa school ang isang security guard.

*TING...*TING...*TING!!!
Isang tunog na tila may nanghahampas ng bakal na grills ng bintana at naririnig ito sa hallway.

"Hello? May tao ba pa ba dyan?" ani ng isang sekyu sabay tutok ng flashlight sa paligid ligid sa madilim na hallway. Nang sinundan niya ang ingay tumigil ito bigla.

"Ang weird? Sigurado dito yung ingay na yun eh." Sabay napakamo ng ulo.

Sumunod nakarinig siya ng yapak sa likuran niya.

"THUD!

Biglang bumulagta ang sekyu sa sahig... at pinaghahampas hampas ng bakal na baseball bat ang sekyu.
"HEEEHH..."

Samantala kina Lara at Ja.

"Ay oo nga pala, Coach wait lang po may nakalimutan ako sa classroom kukunin ko lang then babalik ako." Ani ni Lara."sandal lang po ito." Patakbo umalis.

Paakyat na sa hagdan si Lara nang napansin niya na napakadilim sa hallway.

"Anu ba yan , ang dilim inaatake nanaman ba ako ng Nyctophobia?" (fear of the night or dark) ani ni Lara na nababahala."kailangan ko lang magmadali."

Habang ang coach niya naman ay nag lalaro ng bola habang inaantay si Lara. Narinig niya ang isang taong paparating.
"OH LARA! Ang bilis mo naman mag..."
Nakita niya ang isang mysteryosang babae , na magulo ang buhok at maduming kasuotan.

"Sino ka?! Anung kailangan mo?" (threaten voice)
"SI LAARRAA???... ASAN.... LARA?"
"wala dito si Lara. "
"HINDI TOTOO YAN ALAM KO NANDITO LANG SIYA...AT ALAM KO DIN NA PUPUNTA SIYA DITO!"
"anung ibig mong sabihin?, ikaw ba ang stalker na nanakit kay Lara?!!! Sumagot ka!!!"
"STALKER?! ANO BANG PINAGSASABI MO AKO ANG KAPATID..."

Sa galit ni Ja sa nabanggit ng babae, kaya lumapit siya at sinampal ito.

"KAHIT ANONG SABIHIN MO MALINAW NA PANG-IISTALK ANG GINAGAWA MO! TIGNAN MO NGA YANG SARILI MO?! NABABALIW KA NA!, HINDI MO BA ALAM NA NASASAKTAN SIYA DAHIL SAIYO!!! KAYA AKO SAIYO UMALIS KA NA DITO AT HUWAG KA NANG MAG PAKITA !!!"
Habang sinasabi niya iyun itutulak ni Ja sana ang babae palabas pero.

Bigla niya nalang natagpuan ang sarili niya na nakabulagta sa sahig sa bilis na pangyayari.
Nang tumingin siya sa bandang paanan niya napansin niya na ang kanang binti niya ay bumaliko! (unnatural angle)

"AAAAAAHHHHHHH!!!" daing niya sa sakit mula sa kanyang binti.

"ALAM MO KUNG ISA SA AYOKO?, YUNG KATULAD NIYA RIN ANG KAIBIGAN NIYA... ANG BALUKTOT NA PAG-UUGALI!!!"

*UGHH!!! Ani ni Ja na namimilipit parin sasakit at dahan dahan gumapang.

"NAPANSIN KO LAHAT SAIYO AY BALUKTOT!" napanSin ng babae ang mga daliri ni Ja, na nakabaluktot (ginagamit niya para kumilos)
"AHH BALUKTOT OHH, AAYUSIN NATIN HEHE!" sabay hampas ng bat sa mga daliri kaya ito bumaluktot at nadurog!

"WAAAAAAAAHHH!" na patingala siya na pasigaw.

"NAKU ANG ULO MO GANUN DIN..."

*THUD!

Samantala nakabalik na si Lara sa court napansin niya na walang ilaw sa court.
"HALA! Naku naman bakit naman patay ang ilaw dito?, iniwan na kaya ako ni coach?" taka ni Lara.
"huh? Reading glasses ito ni Coach Ja?" sabay pulot at habang tumitingin sa paligid.

Nakita niya ang coach niya na nakaupo sa isang sulok.
"NAMAN COACH MAHILIG KA TALAGA MANAKOT! Okay na tama na joke natakot mo na ako ..." sabay lumapit siya. Ngunit tila hindi sumasagot si Ja.

"may problema po ba tatawag ako ng tulong sa..." nang natignan niya mabuti isang kagimbal gimbal ang kanyang nasaksihan.

"YAAAAAAAAAHHHHH!!!!!"sigaw ni Lara. "Co-Coaacchh??? Anung?"
Matapos niya masaksihan ang bangkay nito na ang ulo nito ay nakabaligtad na angulo.

"KAMUSTA LARA!!! HEHEHE! MAGLARO TAYO... AKO TAYA!" ani ng isang boses.

"IKAW! ANUNG GINAWA MO SAKANYA!!!" habang iniikot niya ang kanyang paningin sa paligid ng kadiliman.
"HANAPIN MO KO HAHAHA!!!"

Palingon lingon si Lara hinahabol ang boses na paulit ulit na tawa ng babae.
Ng biglang may humablot na kamay sa likod niya at sa pagpiglas niya napunit ang blouse ng uniform niya, matapos natumba siya na paupo sa sahig.

"INAYUS KO LANG ANG KAIBIGAN MO KATULAD MO KASE SIYA NA MAY BALUKTOT NA PAGUUGALI NGAYUN MAAYUS AT MABAIT NA SIYA TIGNAN MO." (sabay hawak sa ulo ng bangkay)

"NGAYUN IKAW NA SUSUNOD HEHEHE AAYUSIN DIN KITA..."

nang hahampasin na siya ng baseball bat, agad na nakailag si Lara at tumayo mula sa pagkakabaksak, tsaka nagtatakbo sa kadiliman ng hallway , para makatakas at umalis sa school ngunit napansin niya na lahat ng mga daanan na palabas sa school ay nakalock! At kahit ang mga bintana ay nakasara din.

Pahingal na patakbo niya sinuyod ang bawat kuwarto pero nakalock din.
*NILOCK NIYA LAHAT!!! ANUNG GAGAWIN KO?!!!* sai isip niya na wala na siyang maisip na paraan pano makatakas.
"LAA...RAAAHHH!!! ASAN KA NA? LAAAAHH...RAAA!!!"na patawa na sabi ng babae sa hindi kalayuan natanaw ni Lara na sinusundan pa rin siya nito.
"AAAHHH!!! TULONG !!! TULUNGAN NIYO AKO!!! TULONG!" paiyak na sigaw ni Lara (despirately)

Habang natakbo siya, bila nalang siya napadulas nang naramdam niya na tila basa nakita niya na dugo sa kanyang mga kamay at ng tinignan niya kung saan nanggaling nakita niya ang bangkay ng isang security guard na durog na durog ito na halos hindi na makilala ang bangkay.

"HINDI MAARI SI MANONG..."

"HULI KA HAHAHA!" sabay hampas na sana si Lara ngunit nakailag muli ito.
Tumama ang bat sa isang vase at nabasag.

"AY SUMALA PA..."ani ng babae.
Patakbo muli si Lara at lumayo mula sa babae.
"KAILANGAN KO TUMAKAS!!! MAMATAY AKO KAPAG HINDI AKO NAKATAKAS!!!" sigaw niya sasarili habang paakyat ng hagdan.
"HINDI KA MAKAKATAKAS!
"HINDI KA MAKAKATAKAS!

"HINDI KA MAKAKATAKAS!
Ang boses ay umalingaw ngaw sa bawat paligid at si Lara ay nalilito
"ANTAYIN MO KO ANDYAN NA AKO LARA!!!"
"HINDIII!!! TAMA NA TIGILAN MO NA AKO!!!" sigaw ni Lara
ngunit patuloy parin sa pagtakbo hanggang sa nakita niya isang pinto at kinakalampag niya ang door knob para mabuksan.
"COME ON !!! BUKAS PLEASE!"
*Click... *Creak *Slam!
nagtapuan niya nalang ang sarili niya sa biology room/lab room nagtago siya sa ilalim ng teachers desk.

At habang hinahabol ang hininga tinakpan niya ang bibig niya dahil maingay ang kanyang paghinga.
Nagbukas ang pinto at pumasok ang babae.
"LARA ASAN KA NA , NANDITO KA BA?" naririnig ni Lara ang mga yapak ng babae na tila hinahanap niya habang siya pinipilit niya ang sarili niya na huwag gumawa ng anumang ingay.

"SIGURO WALA KA DITO DI BA RUEBEN?" (teddy bear ng babae)"UPO KA LANG DIYAN RUEBEN KO HAH?" nakatapat mula sa direksyon ni Lara.

"ALAM MO RUEBEN? YUNG BABAENG IYUN SALBAHE SIYA NOH? AT BAD INFLUENCE SA IBA GINAGAWA NIYANG SALBAHE ANG MGA TAO SA BALUKTOT NIYANG UGALI AT MASAKIT YUN PARA SAKIN!"
Habang pinapakinggan lang ng tahimik ni Lara ang mga weird na tunog na ginagawa ng babae na tila may kinakalikot ito ng kung ano.

"DAPAT SA MGA TULAD NIYA BINUBURA SA MUNDO,ANG SAKIT NG NARARAMDAMAN KO AT NI KUYA NOH...TARA NA RUEBEN MUKHANG WALA SIYA DITO TARA NA HEHEHE!"

sabay kuha sa stuff toy at bigla niya sinaksak ng scalpel sa ibabaw ng lamesa (teachers desk) ngunit nagawa pa rin ni Lara na hindi gumawa ng ingay sa kabila ng pagaka bigla at sobrang takot na kaba.

Nang nalaman niya na nakaalis na ang babae na rinig niya sa malayo ang paalis nito,
maya maya lumabas na rin mula sa pagkatago si Lara. At nagimbal bigla sa nakita (anatomy model) puro sak sak ng scalpel sa bawat bahagi ng maniquin pati mata.napaatras at napasandal sa whiteboard si Lara, Nanginig ang kanyang mga binti sa sobrang takot hindi pa rin siya nag ingay sa halip dahan dahan na umalis sa kuwarto, at nagmatyag sa paligid.

Nang malaman niya na safe at wala ang babae patakbo siya lumabas ng pinto sa kuwarto hindi nya namalayan na biglang sumulpot mula sa kadiliman ang babae sa isang sulok.
Muntik na mapuruhan si Lara, ngunit hindi sapat ang kanyang pagilag nahampas ng babae ang paa ni Lara.

"NYAAAAAAHHH!! UGH!" daing niya sa nagdudugong paa.
"OKAY TAGUTAGUAN NAMAN LARUIN NATIN, AYUS LANG BA LARA MEHEHE!!!" ani ng babae.

"TAGU-TAGUAN MALIWANAG ANG BUWAN...
WALA SALIKOD, WALA SA HARAP ... PAGBILANG KO NG SAMPU NAKATAGO KA KAYO...
ISA.... DALAWA... TATLO..."
At muli agad na tumakbo papalayo si Lara sa babae.

"... NAKATAGO O HINDI ANDYAN NA AKO HEHEHE!!!" nakita ng babae ang tulo ng dugo ni Lara at sinundan ito.

Natagpuan nalang ni Lara ang kanyang sarili na nagkulong siya sa isang cubicle ng restroom ng mga lalaki.
*ANUNG GAGAWING KO HINDI NA AKO MAKATAKAS... TULONG KAHIT SINO PLEASE...*bigla niya naalala ang kuya Pete niya at idinayal ang numero para tawagan. *SI KUYA NALANG PLEASE !!! KUYA SAGUTIN MO!!!*
Sa pagtaranta at nanginginig na kamay nabitiwan niya ang phone niya at nahulog ...

Ang hindi niya alam na pagdampot niya ng phone nakatingin na sa ilalim ang babae.
Nagulat nalang si Lara ng pagtingin niya sa taas ng kisame nandoon ang babae gumagapang!
At lumapit ito sakanya.

"BOOM, HULI KA! HAHAHA!, NAHANAP DIN KITA! HEHEHE!" (Histerically laugh)
Sabay hinawakan ang mukha ni Lara at pinisil na pakalmot nagsugat ang pisngi ni Lara.

"PATAWAD , PATAWARIN MO NA AKO !!! PATAWAD!"ani ni Lara.

"BAKIT KA HUMIHINGI NG TAWAD?!ALAM MO KUNG ANO ANG HINDI KO MAPAPATAWAD?..."ani ng babae.

"HUH?!..." *sniffs *sobs habang pinipisil ang mukha niya.

"NA PINANGANAK KA PA, NA KAPATID NIYA !!!" ani ng babae nakangiti. "HAHAHAHAHA!"
Tapos ng pagkasambit niya hinila niya si Lara mula sa kanyang buhok nito at kinaladkad siya palabas ng rest room.

"HIIINNDDDEEE!!! AAAAAAHHHHHH!!! YAAAAAAHHH!!!!" sigaw ni Lara habang nagpumilit pupumiglas mula sa kamay ng babae.

Ngunit habang kinakaladkad siya palayo nito, naglaho silang dalawa sa kadilimang bahagi.

At ang tanging naiwan lang ang phone ni Lara sa sahig at nagriring na tumatawag ang kuya Pete niya.

***

Samantala [on the other line]

"bakit kaya ayaw niya sagutin? Anu naman kaya pinagkakaabalahan ng batang iyun?" ani ni Pete.  

'My Dear Brother'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon