Chapter 1 - The Angel

59 3 0
                                    

Chapter 1 - The Angel

"Lord, naririnig mo ba ako? Bakit ganito ang nangyari sa buhay ko.. Sobra sobrang parusa ang iyong ibinibigay sa akin.. Hindi ko na ito kaya!"

Narito ako ngayon sa aking kwarto, mag-isa.

Di ko na alam ang gagawin ko.. Nahihirapan na ako sa mga problema ko!

Ilang beses ko nang tinatawag ang Panginoon, nananalangin ako palagi sakanya, at nagsisimba.. Pero bakit ganito parin ang ginagawa niya sa aking buhay?

Siguro nga hindi na ko kailangan dito sa mundo, dapat ko na sigurong tapusin ang buhay ko!

Kinuha ko ang kutsilyo para nga tapusin na ang mga paghihirap ko sa buhay.. Wala namang nagmamahal sakin eh..

Unti unti ko itong inilalagay sa tapat ng aking puso, sa dibdib.

"Wag~"

Kikitilin ko na sana ang aking buhay ng may narinig akong tinig sa aking likuran.

"Wag mong tapusin ang buhay mo, nahihibang ka na ba? Isa ako sa mga anghel ng Diyos, narito ako upang sabihin sa iyong, nakikinig lang siya sa mga problema mo, nariyan lang siya lagi sa tabi mo, kulang pa Keuin ang iyong pananampalataya sa Panginoon. Ipagpatuloy mo ang iyong buhay sapagkat may layunin ka pa dito sa mundo, tahakin mo ang matuwid na landas, ang landas ng Panginoon, may maganda siyang plano para sa iyo, kailangan mo lang sumampalataya at humingi ng kapatawaran sa iyong mga nagawa, patatawarin ka niya, sigurado ako."

Nahimasmasan ako sa sinabi niya, may kakaiba akong naramdaman sa aking puso, ang pakiramdam na iyon ay hindi ko pa nararanasan, isang pakiramdam na para bang sumigla at nagkaroon ng kapayapaan sa aking puso. Ngayon ko lang ito naramdaman, ang sobrang kagalakan.. Siguro nga ay hindi pa sapat ang aking pananampalataya, kailangan ko pa itong palaguin.

Pumunta ako sa simbahan, nagpatulong ako sa isang pastor, sinabi ko sa kanyang gusto kong tumanggap sa panginoon...

May ibinigay siya sa aking biblia.. At ipinagdasal niya ako.. Pagkatapos nun ay umalis na ako at nagtungo sa aking tahanan.

Binasa ko ang dasal ng pagtanggap ng buong puso..

"Inaamin ko sa Diyos na ako ay makasalanan, at sumasampalataya ako na ang Panginoong Jesu-Cristo ay namatay sa krus para sa aking mga kasalanan at muling nabuhay upang ako'y ituring na matuwid. Ngayon ay tinalikuran ko ang aking mga kasalanan, at tinatanggap ko at ipinapahayag si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas."

Nilagay ko ang pangalan ko doon.. ---------- Keuin Andrea Marasigan.

[A/N: Her name pronounce as 'Kyun'.]

Salamat sa Anghel kanina. Salamat din sa mga taong tinutulungan ako.. Upang makapagbagong buhay.. At maraming maraming salamat sa ating Diyos, na patuloy akong binubuhay sa kabila ng aking mga pagkakasala.

Kumain ako ng hapunan at pagkatapos ay dumiretso na sa aking silid upang makapagbasa ng magandang balita ng Diyos.. Inumpisahan kong magbasa sa Genesis.. Pero shempre bago ako magbasa ay humingi muna ako ng katalinuhan sa Panginoon upang lubos kong maunawaan ang aking pagbabasa. Nagsimula akong basahin ang pagkakalikha sa mundo..

Gabi na .. kaya nung matapos akong magbasa ay humiga na ako sa aking higaan.. matutulog na ko.. Pero shempre.. Hindi ko nalimutang magdasal bago matulog. I feel peacefully while praying.. My heart is for Jesus. I love him :) I love you Lord.. Pagkatapos kong magdasal.. Natulog na ako..

Dear LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon