ALDEN/CUSSCREA
Ang naaalala ko lang..
Hawak ang kamay ko ni Nanay. Ngumiti sya at niyakag akong pumasok sa loob ng bahay.
Bahay na hindi pamilyar sakin. Mga taong hindi ko kilala, hindi ko maalala.
"Sinundan mo siguro ako kaya ka napadpad ka dito." Tumango ako. Hindi ko talaga alam kung paano ako nakarating dito.
Wala akong alam.
Wala akong maalala.
"Oh, may pamangkin ka na Alden." Nakangiti si Nanay habang nasa bisig nya ang isang sanggol. Tumingin naman ako sa kapatid ko. "May prinsesa na tayo, ang pangalan nya ay Polinda."
"Polinda?" Tumango naman sila. "Lilin." bulong ko.
-
"Hala sige, doon ka muna bahay ng kapatid mo at makipaglaro kay Polinda. Malamang ay subsob nanaman sa pagtatrabaho ang mag asawang 'yon." Tinanguan ko si Nanay at tumakbo papunta kay Lilin.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumugad kaagad saakin si Lin na tila kinakapos ng hininga. "Anong nangyayari sa' yo Lin!?" kahit maliit pa ang aking katawan ay nagawa ko syang buhatin. Malusog na bata si Lin kaya naman may kabigatan sya. Agad naman akong tinulungan ng mga katiwala sa bahay nang marinig nila ang pahingi ko ng tulong.
Dinala si Lin sa malaking pagamutan. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako.
"Nay? Kailan po lalabas si Lin?" tanong ko kay nanay habang nagwawalis sya ng bakuran.
"Hijo, malapit na. Wari ko'y maayos na ang kanyang kalagayan. Nagpapahinga nalamang sya." sagot nya. Umabot ng anim na buwan ang ang pananatili ni Lin sa pagamutan.
Dinadalaw ko sya pag minsn. Noong una ay natakot ako dahil lubos na nag iba ang itsura nya. Halos namayat sya at nag buto't balat. Ngayon ay nakabawi na sya at nagkaroon na ulit ng laman ang kanyang katawan.
"Uuwi daw tayo sa probinsya sabi ni Ate." nakangiting sabi ko sa kanya. "Maglalaro tayo doon, mabuti raw saiyo ang sariwang hangin." hinawi ko ang buhok na nakatabing sa kanyang muka at isiningit sa kanyang tainga. Ngumiti lamang sya at pumikit.
-
"Alden, kailangan ko ng katulong sa pamamahala nang ani ng mga prutas. Isasama kita. Mahimbing pa naman ang tulog ni Lin. Alas dies ng umaga ay babalik rin tayo dito. Mamimili ang Ate mo sa mercado, mauuna siguro syang makakauwi at magbabantay kay Lin." sabi ni Kuya tumango naman ako bilang pagtugon.
Nang mag tanghalian ay pinauwi na ko ni Kuya sa bahay upang samahan sina Lin. Nagtagal ako nang kaunti sa prutasan dahil narin sa dami ng ani.
"Ate!? Si Lilin?" kunot noo nya akong pinagmasdan.
"Wari ko'y lumabas lang saglit dahil naiinip na dito sa bahay. Maaaring nakikipagkaibigan sa kapit bahay. Hala, tawagin mo na at ihahanda ko na ang pananghalian." mabilis ang pagtakbo ko palabas ng bahay. Agad ko naman syang nakita sa may malaking puno kasama ang isang bata na tansta ko'y kasing edad nya.
Agad ko syang pinasan at inuwi sa bahay.
"Kakain na tayo ng tanghalian, bakit nag-gala ka pa?"
"Wala ka kasi Tito Alden. Saka, wala syang friends." Umiling ako at inuwi na sya sa bahay.
-
"Aish, tsupi. Wag kayong lalapit sa pamangkin ko. Uumbagan ko kayo eh." inambahan ko pa itong lalaki na pumoporma kay Lin. Kakaawas ko lang, mas maaga ang dismissal namin kaysa sa elementary kaya sinusundo ko si Lin sa school nya.