Chapter 1

125 6 5
                                    

Chapter 1
Hope

"Aila? Si Chris kanina pa nasa labas, ikaw ata ang hinihintay!" sabi ni Keily habang nakatingin sa may labas ng pinto.

Binalewala ko ang kanyang sinabi at nag basa na lamang.

Kasabay ng gulat ang pag angat ko ng tingin ng bigla nyang agawin ang libro ko "Ano ba Keily, ibigay mo nga sakin yan!" nanggagalaiting sigaw ko sakanya.

Imbis na pansinin ay lumabas sya ng classroom at iniabot yun kay Chris na deretso palang nakatitig sa akin.

Umiling iling ako at binaliwa ang nakita kong pagtitig nya saakin. Iniligpit ko nalamang ang natitirang mga gamit na nakakalat sa ibabaw ng desk ko at lumabas na.

"Chris" tawag ko ng makalapit ako sakanya "Yung libro ko, akin na"

Ngumiti sya at mabilis na ibinigay ang libro na agad ko namang tinanggap at isinilid sa loob ng bag.

"Ahm, pasensya pala sa ginawa kanina ni Keily" paumanhin ko.

"Okay lang" sagot nya.

Tipid ko syang nginitian at mabilis na umalis sa kanyang harapan. Sa dinami dami ba naman ng taong pwede pag abutan nya ng libro ko, si Chris pa talaga. Alam naman na iniiwasan ko na yung taong yon.

Halos lahat ata sa section namin alam ang naganap na issue tungkol sa amin ni Chris noon. Nanligaw kasi sya noon saakin. Kahit anong pilit kong patigilin sya, pingpapatuloy nya pa din yung gusto nya. Makitid ata ang utak, nakailang sabi nako na wala syang pag asa at ayoko sakanya, nanliligaw padin kaya ang ginagawa ko, iniiwasan ko.

"Aila, saglit lang" aniya at mabilis na hinigit ang papulsuhan ko paharap sakanya.

Binawi ko ang kamay kong hawak nya at hinintay ang sasabihin nya pero hindi na sya nag salita.

"What?"

"Hatid na kita" aniya

"Huwag na! Kaya ko naman umuwi mag isa" pagtanggi ko.

"Sige na, ngayon lang naman" pilit nya

"Ayoko nga"

"Bahala ka, basta ihahatid kita"  hinawakan nya bigla ang aking kamay at hinila ako para makasabay sakanyang pag lalakad.

"Ano ba Chris?" napatigil sya sa pag lalakad. "Umuwi kang mag isa sa bahay mo at uuwi din akong mag isa sa bahay ko. Tapos! Walang hatidang magaganap" sigaw ko at inirapan sya.

Mabilis akong nag lakad papalabas ng school, para makasiguradong hindi na ako masusundan nung lalaking yun.

"Manang" tawag ko ng makauwi ako sa bahay.

"Oh hija, nandyan kana pala. Kumain ka naba?"

Tumango ako kahit na ang totoo'y kanina pa walang laman ang sikmura ko.

"Sya'y mag bihis kana't tumawag yung manliligaw mong si Chris. Baka pumunta yun dito mamaya"

Nakakainis! Kahit kailan talaga, napaka bilis ng lalaking 'yun!

"Manang... hindi kopo sya manliligaw and please, paki sabi nalang pong wala pa'ko" sabi ko at mabilis na nag tungo sa aking kwarto.

Pagkabukas ko... nakaramdam agad ako ng panlalamig dala ng simoy at lamig ng hangin na nang gagaling sa aircon kaya hininaan ko saglit ito at binuksan ang pinto patungo sa veranda.

Nagulat ako ng sya kaagad ang bumungad saakin. "Trixie" tawag ko.

"Oh?" sagot nya.

"Kanina kapa ba dito?"

Just OnceWhere stories live. Discover now