Chapter 1

7 1 1
                                    

Lezii's POV

"ANO KA BA NAMAN LEZ! BAT DI MO PA IWAN YANG WALANG KWENTA MONG ASAWA! PAG TALAGA NADAMAY SI BABY IBABAON KO NANG BUHAY YANG ASAWA MO! SASABUNUTAN DIN KITANG GAGA KA DAHIL SA KATANGAHAN MO!"  Sigaw ni Vry.

Hays. Napakaingay talaga nya. Kaya nga kami nandito para matahimik naman ang buhay namin ni baby tapos mag-iingay din pala sya.

"Paano ko kaya mapapatay yung asawa ni Lez? Eh kung tortur'in ko kaya muna bago ko patayin. Ah tama tama." Sabi ni Vry pero di ko narinig, sobrang hina kasi eh.

"Hoy! Hoy! Vry ha. Ano na naman yang binubulong mo dyan? Wag na wag mong gagalawin ang asawa kong mangkukulam ka!" Banta ko sa kanya.

"Yuck Lez ha! Mandiri ka nga! Di ako plastik tsaka may taste ako ang panget kaya ng asawa mo! Buti sana kung si Daze ang gag----

"Hoy!! Bruha toh. Napaka-green minded mo!" Nandidiri kong sabi sa kanya.

"Tss. PERO NANG-GIGIGIL NA TALAGA AKO SA ASAWA MO!! PATI SAYO!! DYAN SA PESTE MONG PAGMAMAHAL SA WALANG KWENTA MONG ASAWA!!" Nang-gigigil nyang sigaw.

"Vry kalma okay." Sabi ko sa kanya.

"Lez Kalma? Paano ako kakalma kung pasa at bugbog bawat araw ang natatanggap mo sa asawa mo at buntis ka pa? Hindi mo ba naisip na makakasama sa inyo yan ng bata?" Inis na sabi nya at umupo na sa katabi kong sofa.

"Wala pa naman syang masamang ginawa sa amin ni baby eh." Dahilan ko.

Pero sa katunayan muntik na syang mawala dahil binalibag ako ni Draze noon.

"ANO? SO HIHINTAYIN MO PANG MAWALA YANG ANAK MO BAGO MO MAREREALIZE YANG KATANGAHAN MO HA?" Inis na inis nyang sabi.

"Di naman sa ganun Vry. Gusto ko lang na lumaki ang anak ko sa isang buong pamilya, ayokong maramdaman nya ang naramdaman ko ng bata ako." Paliwanag ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Pero konting konti na lang mapapatay ko na talaga yang asawa mo nakakabanas." Gigil na sabi nya.

"Testing mo Vrylisse Zalde. Ibubuking kita sa kambal ni Dra---hmmmp." Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil tinakpan nya na ang aking bibig.

"Lumayas ka na nga ditong bruha ka! Bye baby!" Sabi nya at pinagtulakan na ko palabas ng bahay nya.

=========

Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay namin ni Draze.

Natatakot akong pumasok. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Pag pumasok ako baka saktan ulit ako ni Draze.

Tanggap ko naman na eh, tanggap ko nang di nya ako kayang mahalin pero umaasa pa rin ako. Sanay na din naman ako sa pananakit nya sakin emotionally and mentally. Pero mahal ko sya, mahal na mahal.

Haisstt!! Eh ano na ngang gagawin ko?

Dito na ba ako sa labas matutulog? Pero gabi na! Namasyal pa kasi ako kanina sa mall eh.

Mukhang wala akong choice kaya tahimik kong binuksan yung pintuan. Sinigurado ko talagang di ako makakagawa ng kahit anong ingay.

Sana tulog na sya....*cross fingers*

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong clear sa sala. Patay na kasi lahat ng ilaw at tahimik na kaya siguradong tulog na iyon.

Dahan dahan akong lumapit sa hagdan para sana umakyat na sa taas, pero nagulat ako ng makita ang nag-aalab tingin ni Draze sakin.

"Uwi ba ng matinong babae yan? Alam mo ba kung anong oras na?" Napalunok naman ako dahil nababakas sa boses nya ang galit.

"A-ano p-pumunta----

" Wala akong pakialam! Siguro nakipaglandian ka na naman noh?" Mariing saad nya.

Lumapit sya sakin saka ako hinawakan ng mahigpit sa panga. Di ko na napigilang umiyak dahil sasaktan na naman nya ako.

"D-draze n-nasasaktan ako." Nagmamakaawa kong sabi.

"I DON'T FUCKING CARE! SO SINO? SINONG NILALANDI MO HA?" Sigaw nya na may kasamang sampal.

"W-wala a-akong n-nilalandi." Sagot ko.

"Ewan ko sayo!! Magsama kayo ng lalaki mo!!" Sigaw nito saka ako iniwan at umakyat na sa kanyang kwarto.

Napaluhod naman ako at binuhos na ang aking luha na tila di nauubos.

Ganito na lang ba? Ganito na lang ba ang laging mangyayari?  Sasaktan nya ako tapos iiyak ako?

Wala na ba talagang pag-asa Draze? Ganun na ba ako kahirap mahalin? Andito naman ako eh! Bat lagi na lang sya! Di ba pwedeng ako din.

Gusto ko ding maranasan ang pakiramdam nang may nagmamahal sayo at nagpapahalaga.

Lagi na lang ba akong second choice? Di ko ba deserve ang pagmamahal mo?

========

Pagkagising ko kinabukasan sobrang sakit ng katawan ko hindi ko din magawang idilat ang mga mata ko dahil siguradong namamaga na naman uto. Gusto ko pang matulog para makapagpahinga ako at makabawi nang lakas pero hindi pwede eh. Kailangan ko pang ipaghanda ng makakain si Draze.

Dumiretso na akong cr at ginawa na ang aking morning rituals.

Pagkatapos kong magpalit bumaba na ako para magluto ng agahan ng asawa ko.

Saktong pagkatapos kong magluto, bumaba na din si Draze kaya naghain na ako.

Pinanood ko muna syang maupo bago ako umalis at umakyat sa kwarto ko. Ayaw nya kasi akong kasabay kumain dahil nasusuka daw sya sa tuwing nakikita nya ako.

Haist! Kailan mo din kaya ako mamahalin? Wala na ba talagang pag-asa?

Eto na naman ako umaasa na naman.

Kailan kaya ako susuko?

Kailan kaya ako bibitaw?

Napatingin naman ako sa sinapupunan ko.

'Kaya baby huwag mo akong iiwan ha! Mamahalin pa kita.'

********
How was the chapter 1?

Lame po ba?

Sorry po first serious story ko pa lang po kasi ito.

Sana po magustuhan nyo..

(ps. Ang ganda ko (pwe) ....... Sige na nga.... Ang ganda ko talaga (pweee)..... Tss oo na... Ang ganda ni Lez..)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paper HeartsWhere stories live. Discover now