Pangatlong Pangyayari

23 1 0
                                    

"Mael, pagkain yan. Hwag mo titigan lang," nanatili pa rin ang mata ko sa pagkain na nasa harapan ko. Talaga ba kakain ako? Sa buong buhay ko. Wala kaming kinakain. Dahil mga Anghel kami espiritu lang kami. Hindi nagugutom. "Sa sobrang tagal mo rito sa lupa, at pati sa pagkain nasanay ka?" makabuluhang tanong ko. Agad itong tumango, "Oo naman, Mael. Dahil syempre tao na ako, kailangan ko kumain dahil kapag hindi mamatay ako. "

Ang nangyari kanina ay ang senaryo na hindi ko malilimutan na tila ako daw ay masyadong nagpanik at ang kinalabasan ay kinapos ako sa paghinga. May isang doktor na pumunta rito kanina. Isang kaibigan raw ni Uriel. Buti na lamang ay wala itong alam sa totoong katauhan namin ni Uriel.

"Nakikipagkaibigan ka sa mga tao," bumalik nanaman ang kanina ko pang tanong sa kaniya. "Aba syempre! Alangan naman mamatay lang akong walang kaibigan di ba? Pangit iyon, kailangan kapag namatay ka may mga taong iiyak sayo dahil mamimiss ka,"

"Pero alam ba niya ang katauhan mo," ang masaya nitong mukha ay unti-unting napalitan. "Kumain ka nalang, Mael." ngunit ako'y hindi nagpatinag. "Kapag nalanan niya ang katauhan mo, tingin mo, Uriel. Magiging kaibigan ka pa rin kaya niya? Na sa tabi mo pa kaya siya? Tingin mo ba na....Hindi ka niya iiwan?" sunod-sunod kong tanong. Hindi na maipinta ang mukha nito na tila hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin.

"Kumain na lamang tayo, Sammael." naging malungkot na ang kaniyang mukha. Pinagmasdan ko ito kumain na tila hindi ito mapakali. At doon pa lamang, alam ko na na may nangyaring hindi kaakit-akit sa kaniyang kaibigan noon.

Nagsimula na akong kumain. "HHAAP"

"Oh bakit?"

Napatingin ako sa kaniya na may pagkagulat. "Ang lasa nito'y ibang klase," hindi ko maalis ang aking mga mata sa aking pagkain na nakikita. "Ganito ang pagkain ng mga tao? Hindi ito pangkaraniwan," at ulit, sumubo ulit ako. Sa sobrang sarap ng pagkain na ito ay hindi ko namalayan na tinatawanan na ako ni Uriel. "Alam mo, Cute ka, Mael. Mukha kang inosente, pero ang kainosentehan mo ay may matalas na dila," umiiling ito ngunito tumatawa.

"Masyado kang straightforward o sabihin na natin na honest. At yung honest na yun minsan nakakasakit na," hindi ko ito pinakinggan at ako'y nagpatuloy lang sa pagkaing nasa harap ko. Hindi ko alam na may maganda naman palang nalikha ang mga tao sa henerasyon na ito.

---

"Alas syete kinse na. Matulog ka na, Mael. Papasok ka na bukas. " sabi ni Uriel na kinukuhanan ako ng unan. "Dito ka nalang matulog, matulog ako sa sala." ang unan na pala iyon ay para sa kaniya. "Anong gagawin ko bukas?"Hindi ako makapaniwala at naubos ang oras ko na nakakulong lamang ako sa bahay ni Uriel. Kung ano-ano ang bagay ang tinuro o sinabi na saakin na kinalaunan ay kinain ang oras ko. Hindi ako makapaniwala. Naubos sa walang katuturan ang oras ko. 

"Papasok ka, una mong misyon ay makipagkaibigan," ngiti-ngiti nitong sabi. "Ay oo nga pala, hindi mo pwede maging pangalan ang 'Sammael' at kailangan may apilyedo ka. Pero ako na bahala doon, isip ka nalang ng pangalan. "

"Sammael ang pangalan ko ng ilang taon hindi pwedeng palitan ito basta-basta at ay--"

"Ysmael, ayan pwede. Pero dapat may nickname ka! At Yael 'yon ahehehe." Hindi siya natapos sa kaniyang walang katapusan na sinasabi saakin. Lahat ng bagay may sinasabi siyang bagay. At saka ilang libo na ako naninirahan dito at hindi lang basta-basta mapapalitan ang pangalan ko ng ganoon kadali. "Ayoko palitan ang pangalan ko Uriel, ito ang pangalan ko sa mahabang panahon kaya't hindi mo basta-basta ito pali--"

"Tulog na! Ako na ngayon ang tatay mo dahil gagamitin mo ang apilyedo ko!" Nagulat ako sa kaniyang pasigaw na boses ngunit nakangiti ito. "Ysmael Lyzon," banggit nito. Na tili nagustuhan niya talaga ang pangalan na pinagkaloob niya saakin. Hindi ko ito gusto. Bakit ba kasi siya nasusunod sa mga bagay na dapat ay desisyon ko? 

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon