Infinity Ring (One-Shot Story)

928 23 10
                                    

 ORIGINAL STORY :)))

Nasa restaurant ako ngayon kasama ang boyfriend ko na si James. 1 year and 6 months na kami. Tinawagan nya ko 1hr ago dahil may sasabihin daw syang importante ~_~

"Ann"

"hmmm?" o___o

"Ann im sorry"

"huh? Sorry saan?" sbi ko habang sinipsip ko yung straw ng milkshake ko

"Let's end this. I'm breaking up with you"

10seconds silence. Nakatitig lang ako sa kanya

"James wag ka ngang magbiro ng ganyan hindi na ko natatawa" sbi ko habang inilayo ko yung milkshake na iniinom ko at tumingin ako ulit sa kanya. This time mas seryoso yung mga tinginan namin

"Im sorry. Wala na kong time pa para sa relationship na to"

"James..." hinawakan ko yung mga kamay niya

"......mahal na mahal kita. Wag naman sanang ganito"

"im sorry... Please let me go." tinanggal nya yung kamay ko sa kamay niya

"James, isang tanong nalang, hindi mo na ba ko mahal?"

inilayo nya yung tingin nya sakin, nakatitig lang sya sa kamay ko kung saan nakusuot yung Infinity Ring na gift nya sakin nung 1st Anniversary namin.

After a few seconds Umiling sya.

Dun nagsimulang tumulo yung luha sa mga mata ko.

"James tingnan mo ko sa mga mata ko. Ayaw mo na ba talaga?"

tumingin sa sa akin, diretso sa mga mata ko.

"hindi na kita mahal"

Ang sakit.... Parang unti unting sumasabog yung puso ko sa sobrang sakit

"James mahal kita. Time ba ang problema? Mag q-quit na ko sa skating competition kung nawawalan na ko ng time sayo"

"it's not you, it's me"

"what do you want me to do? Gagawin ko para magkasama tayo. I can give up everything to save this relationship. I....."

"tama na! Just set me free, yun lang ang gusto ko"

"no" i cried

"Hindi na kita mahal Ann! Hindi na kita mahal, hindi pa ba sapat yun?!"

hindi ko na alam yung isasagot ko. Ang dami kong gustong sabihin but i just can't

"aalis na ko" sabi niya

tumayo na sya pero hinawakan ko yung kamay niya

napatingin sya sa akin, yung mga mata niya parang may gustong sabihin pero hndi ko maintindihan

"please" bumulong sya kaya binitawan ko na yung kamay niya.

"can i hug you for the last time?" sabi ko.

hinawakan nya yung kamay ko at niyakap nya ko ng sobrang higpit

"i love you James, that's why im letting you go"

pagkasabi ko nun tinanggal ko na yung pagkakayakap ko sakanya at sya din.

Tapos tumalikod na sya.

Infinity Ring (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon