Demonology 101 : Protection and Signs

74 1 1
                                    

Mahirap din pala maging Psychic.. Araw-araw meron kang naririnig, oras-oras meron kang makikitang hindi dapat, minu-minuto meron kang maririnig na iyak para magpatulong, segu-segundo kailangan mong masanay sa mga pangyayaring ito.

May moments din na masaya ang Psychic abilities na gamitin, pero may moments din na sobra kang matatakot sa mga hindi mo inaakalang pangyayari. katulad ng nangyari saakin noong isang linggo at natakot ako para din sa Pamilya ko at sa Mga mahal ko sa buhay.

Naglalakad ako pauwi ng bahay, crossroad ung pwede kong daanan, ung Mailaw at ung Gubat. Mahilig ako sa mga madidilim na lugar kaya sa gubat ako laging dumadaan. Ung mailaw na daan medyo mabilis ung daan pauwi, ung Gubat nmn siguro 30 to 40 minutes ung pag-uwi ko.

Habang naglalakad ako may nakikita ako sa gilid ng mata ko na may gumagalaw sa puno. Oo kinilabutan ako, pero "Psychic ako eh ano naman katatakutan ko" ung sinabi ko, sa huli pagsisisihan ko ung sinabi kong yan.

Madaling araw na kasi ako umuuwi pag gumagala ako, kaya siguro mga around 2 am ko nakita ung asa puno. Nilapitan ko para tignan kung tao ba yun, pag punta ko sa puno wala akong nakita, dun na tumaas balahibo ko. Alam kong hindi siya multo, kasi wala akong maramdaman na Presence. Normal lang yung lamig nung oras na to kaya alam kong hindi talaga to multo.

Mga 2:30 na medyo malayo pa ako sa bahay namin. Inisip ko na mag Stay muna dito sa gubat kasi naalala ko yung pakiramdam na to kaya nag stay ako para i confirm kung totoo nga hinala ko. Mga Alas tres na mga 3:15 siguro or 3:20 to be precise. di ako sure kasi nalowbat phone ko. Ito ganitong ganito talaga pakiramdam ko noong naramdaman ko 'to.

Kung hindi ako nagkakamali Demonyo nga 'tong nagpaparamdam sakin. Amoy sunog at amoy nalalanta(sign yan na may demonyo). Mga oras na to di ko na alam gagawin ko eh. Last time na naka encounter ako ng Demonyo ang tagal kong nagkasakit at Near-Death experience inabot ko. 'Di ko alam kung ano talaga ang gagawin ko. Kung tatakbo ako baka pati mga Kaibigan at Pamilya ko sundan niya.

Naisip ko, yung kaibigan ko na katulad kong Psychic tinuruan ako ng pang proteksyon sa mga Demonyo. Binuhusan ko ng holy water ung paligid ko pabilog. Protective Circle ung tawag nya dun. tapos lagyan ko daw ng asin  ung looban ng holy water na hugis Krus(pwede nyo rin to gawin sa nasasapian). Medyo nawala ung amoy ng sunog at nalalanta. Nawala ng onti ang takot ko at tumakbo ako pauwi. 

Apat na beses ko ng na encounter  yang mga demonyo na yan. 

Una nung bata palang ako, di ko p masyado alam na Psychic ako. Pangalawa nung asa Kwarto ako magisang natutulog at nagising na hindi makagalaw tapos bigla kong nakita ung demonyo sa paanan ng kama ko. Pangatlo nung papunta ako ng Gimik nmin ng mga kaibigan ko, out in the open nag pakita siya, pero Tao ung form nya.

sana wala na ule akong maexperience na ganito.

salamat sa mga magbabasa at nagbasa ng Experience ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demonology 101 : Protection and SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon