“NASAAN KA NAAAAAAAA?”
aray naman .
makasigaw naman wagas?
“Ah eh . Paakyat na ‘ko . Wait ka lang there.”
“HAY NAKU ! HINDI AKO NANINIWALA SA’YONG BABAE KA! I’M SO VERY SURE NA PAALIS KA PA LANG SA BAHAY NIYO!”
Uh oh . paano nya nalaman ‘yun ?
“Sorry na.Wala kasing maghahatid sa’ken kasi wala sina kuya.So I have to commute by myself.”
Napabuntung-hininga na lang sya.
“BILISAN MO~!”
Hay.. Pasensya na kayo sa boses ng kaibigan ko .pinaglihi sa megaphone ‘yun eh.
Oo nga pala.
Oh I haven’t introduced myself yet.
Ako nga pala si Kazumi Imperial. 17 years old na ko.
Pero kung ituring ako ng mga kapatid ko eh parang 7 years old pa lang.
Hindi ko rin naman sila masisisi.Ako lang kasi ang babae sa pamilya at bunso pa.
Pero minsan may pagkapabaya din yung mga yun eh .
Parang ngayon .
Alam naman nilang may pupuntahan ako tapos wala man lang nagpaiwan para ihatid ako.
Nakakatampo ah L
At isa pa ..
Nakakahiya kayang mgacommute na ganito ang suot !
Cosplay event kasi yung pupuntahan ko so I have to dressed according to the theme para naman hindi nakaka-OP di ba ?
And besides, once in a blue moon lang naman ‘to.
So kahit papaano nagdamit babae naman ako .
Hindi naman sa hindi ako babae,kaya lang hindi talaga ako nagpapalda … ng ganito kaikli ..
Ngayon lang talaga .
Checkered na red yung top ko tapos medyo balloon yung skirt na three inch above the knee. I paired it with my black stilettos and knee high socks.Yung parang sa mga Korean students , gets nyo ?
Pasensya na hindi ako magaling magdescribe ehh ~
“Manong bayad po.” Tapos inabot ko yung bayad .
30 pesos din ‘yun ah .
Ang weird nung tingin nung manong . Ngayon lang ata nakakita ng maganda J
Ano ba naman ‘tong fx ni manong, ang hina ng AC.
KRINGGGGGGGG ~
Si bestfriend ..
“Hello?Bakit?”
“KAZUMI !!!”
Nilayo ko yung phone ko sa tenga ko .
Ang sakit ah .
“Anong meron?Pwede paki-hinaan yung boses mo?”
“Guess who’s here .”
“Sino?”
Tumili na naman sya .
“BASTA DALIAN MO ! I SWEAR MATUTUWA KA ! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA J”
Kinakabahan ako sa isang ‘to ah ?
“Siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan ha Aya .”
TUTUTUTUTUTUTUTUTUTUTUTUTUTUTTTTTTTTT