Seatmates... [One shot]

105 0 0
                                    

Sa tinagal tagal ng panahon at sa hinaba-haba ng biyahe papunta ng school ay halos napapansin ko na ang lahat. Hindi kasi ako nakakatulog sa mga byahe lalo na kapag ako lang mag-isa ang nabyahe.

Ako si Jerick Cortez at isa akong tao. Malamang 'di ba? Gusto lang kitang pangitiin. Second year Vet Med student ng Cavite State University. 18 years old, gwapo, matangkad, mabait, medyo maputi, singkit ang mata, at single.

Sige na ako na ang mayabang. Anyways, wala naman kayong pakielam kung magyabang ako 'di ba? Kayo na nga nakikibasa jan eh, magrereklamo pa kayo. Lakas lang ng loob?! 

____

Papunta na ako ng school para mag-enroll. May dalawang oras din ang byahe ko mula sa bahay hanggang sa school. Dalawang sakay, isang jeep papuntang Imus tapos magbu-bus na ako at ang baba ko na nun ay sa mismong gate ng CavSU.

Maluwag sa bus at wala namang standing since maaga pa naman. Nasa Dasma part na kami ng may sumakay na magandang babae. Maputi siya at sa tantiya ko, nasa parehong age group lang kami. Tumabi siya sa akin since may space pa naman sa inuupuan ko. Naupo siya sa may bintana, ako kasi yung nasa may isle.

Pagkabayad niya sa kunduktor ng pamasahe ay natulog na siya. Medyo tinitingnan-tingnan ko siya, sulyap ng konti. Ang ganda talaga eh. Chinita tapos parang anime, pwede nga siyang magcosplay eh katulad "niya". Habang natutulog siya, nabitawan niya yung hawak niyang plastic envelope. So dinampot ko na at ako na muna ang humawak, nakakahiya naman kasi na gisingin ko pa siya, nakakaguilty. Para kasi siyang anghel kung matulog. Feeling ko rin kasi, nasa dreamland na siya.

Napansin ko yung paper na nasa envelope niya, nakaharap kasi at halos transparent naman yung envelope. Notice of admission sa CavSU and magte-take-up pa siya ng DVM. Baka maging classmate ko siya, sana nga para makilala ko siya. Pero I'd rather not, maybe next time nalang.

Nasa Trece Martires na kami ng magising si Miss Beautiful. Iniabot ko sakanya ang envelope niya at kinuwento ang mga pangyayari kung paanong napunta sa aking kamay ang envelope niya. Buti nga hindi nagalit or something eh.

"Miss, I hope you wouldn't mind, nakita ko lang kasi yung notice of admission mo sa CavSU, ano bang ite-take mong course?" (kunwari hindi ko pa alam kahit nakita ko na)

"DVM"

"Ah... Freshman ka ba or transferee?"

"Freshman po."

"Alam mo ba na pareho tayo ng course? Yun nga lang ay second year college student na ako."

"Mahirap po ba mag Vet Med?"

"Hindi naman. Basta matiyaga ka lang sa pag-aaral at mahilig kang magbasa pati makinig sa lectures."

" *buntong hininga* Salamat po"

"Wag kang mag-alala, I'm sure kaya mo yan."

Medyo nakipag-small talk ako kay Miss Beautiful kaso nabagot lang ako kasi ang tipid niyang sumagot eh. May naalala pa ako so hindi ko na siya masyadong kinausap.

____

After one year.

Papunta na ako ng school para mag-enroll. May dalawang oras din ang byahe ko mula sa bahay hanggang sa school. Dalawang sakay, isang jeep papuntang Imus tapos magbu-bus na ako at ang baba ko na nun ay sa mismong gate ng CavSU.

Maluwag sa bus at wala namang standing since maaga pa naman. Nasa Dasma part na kami ng may sumakay na magandang babae. Maputi siya at sa tantiya ko, nasa parehong age group lang kami. Tumabi siya sa akin since may space pa naman sa inuupuan ko. Naupo siya sa may bintana, ako kasi yung nasa may isle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seatmates... [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon