Pigment #2

744 37 11
                                    

Dedicated to @alecstacy


Dear diary,

Remember when I said I have a soft spot for the elderly? Well, I mean it wholeheartedly. Kaya nga di ako nakatanggi no'ng magkita kami no'ng registrar staff member the second time around, asking me a favor:

"Pwede bang magdamit kang si Elsa, ineng? Para sa birthday party ng apo ko!"

"Ho? Hindi ho ako cosplayer." Sabi ko, baka kasi mali akala niya. At mali nga.

"E ano pala 'yong pagsuot-suot mo ng puti no'ng nakaraan?" nakapangalumbabang tanong ng matanda.

"Ootd ko ho 'yon." Inform ko. I tried to suggest. "Uhm, bakit di na lang po kayo mag-imbita ng clown?"

"Ayaw ng apoko ng clown. Gusto niya Elsa – Elsa doll, Elsa bag, Elsa shoes, at Elsa themed birthday party. E no'ng nakita kita no'ng hapong yaon, sabi ko sa apo ko, isasama ko si Elsa."

Gusto ko sanang sabihin, 'So ako ho ang mag-aadjust?" kaso hawak niya na kamay ko e; at ginagawan niya ako ng puppy eyes.

"Please iha? Para maging happy birthday ng apo ko!? Ako na aasikaso ng mga "to follow" mong requirements sa pagtransfer." Hindi naman necessar(y)-ing i-offer niya 'yon e para pumayag ako.

"Wala ho akong costume no'ng Elsa. O wig na puti."

"Ako ng bahala do'n iha. Pero pumapayag ka na ba?"

"Kelan ho ba 'yan?"

"This coming Saturday."

Fast forward to Saturday, heto na ako sa loob ng balikbayan box, sa katauhan ni Queen Elsa of Arendelle, kapiling ang portable fan at Bluetooth speaker to accompany my lipsynching. Because the intention was to surprise Ayesha, kaya ako nasa loob, naghihintay ng hudyat kung kelan ako bubulaga.

And when the cue came, pinatugtog ko ang cp at nag let it go, let it go kemeru!

In fairness naman, natuwa ang mga bata sa pakulo ng lola. Lalo na si Ayesha na halos ayaw akong pakawalan. Nakayakap siya saking baywang, umiiyak sa sobrang saya. Funny how strangers tug some familiar emotions within me.

"Happiest birthday to you, Ayesha!" beso ko sa kanya moments after saying "The cold never bother me anyway!"

"Thank you Elsa! Thank you! Ang ganda mo at sobrang puti!" usisa niya sa balat ko.

"May chlorine kasi yong tubig sa palasyo, be." Biro ko. "O say, thank you to lola too! Sinadya pa ako niyan saking Ice Castle, mind you." At natatawa siya. Tumakbo ang bata papunta sa kanyang lola at humalik sa kanyang pisngi. Hay! What a sight to see.

Supposed to be after nito, go-go na ako sa mall. But Ayesha requested me to stay. And it's hard to refuse a crying, pouting little girl. Tuloy may pa-picture bonanza pa dito, doon, everywhere! They made me a celebrity which eventually reduced to being an ice cream scooper. Oo, real quick!

Tutal sinisimbolo ko naman daw ang taglamig, ako na lang daw maglagay ng ice cream sa mga cone na hawak ng madlang nakapila. Since bayad naman ako, sige push!

Ang SOP (standard operating procedure) kasi, scoop one, two, three, take a selfie, go. Kaya lang no'ng nakita ko who's next in line, hanggang scoop one lang ang nagawa ko. Why I stop? Yong guy na balak sanang umihi sa puno ng Indian mango, remember? Yup. Nasa harap ko.

"Ikaw!?" duro niya sakin nang hawak na kapa.

"O, o, easy, maiihi na naman yan, o!?" sabi ko.

"Sinusundan mo ba ako!?" Napahawak ako ng bibig sa unnerving niyang paratang.

"Ano ka, chicks!? Pabebe ang banak!? Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Edi shing! Ang angas nito ha!? Baka di mo 'ko kilala!?" daplis niya sa kanyang ilong. I'm supposed to be angry but, ang tangos ng ilong niya, grabe! Okay, enough. Shinook ko kagad ang iniisip ko and portrayed a resting b!tch face.

"Hindi nga." Sabi ko. And to the boy after him, I reiterate, "I don't know him." Sabay lagay ng scoop one, two, three sa kanyang kapa.

"Oy, oy, oy, ba't siya inuna mo!? Nakapila ako diba, diba?

"Para lang 'to sa mga bata."

"Hindi mo talaga siguro ako kilala, ano!?"

"Hindi nga." Summon ko uli sa aking animal spirit. Naka-scoop na ako ng ice cream para sa kasunod niya till he got hold of my hand, pipiliting ilagay ko sa cone niya.

"Ilagay mo!"

"Ayoko!"

"Ilagay mo!"

"Wag mong hintayin gamitin ko ang kapangyarihan ko." Sabi ko, using Elsa's stigma.

Just look at the two supposedly young adult fighting over a scoop of ice cream. Civilized, indeed.

"Kuya ba't mo inaaway si Elsa! Hm!" paniniko ang inabot ng banak sa birthday girl. Too bad, sa lower part niya pa! Haha! His screams were agonizing.

"Yesh—ba't ako inaway mo? E ayaw akong bigyan ng ice cream ng white lady-ing yan!"

"Wala kang magagawa! Ice Queen siya!" depensa ng bata.

"Ako naman bumili niyan e!" patol niya sa bata.

"Kay lolang pera naman yon e!"

"Burn!!! Qiqil mo c Ayesha ha!?" apir ko kay Ayesha sabay arko ng isang kilay. Pamaktol niyang kinagatan ang kapa't umalis sa vicinity namin. Haha! Talunan.

Other than that guy who randomly appears out of nowhere, I must say, nag-enjoy ako this day. May mauuwi pa akong cake, spaghetti at pandan as insisted by Ayesha's lola.

"Salamat po." Sabi ko.

"No. Salamat sayo. Napaka-memorable ng naging birthday party ng apo ko." We smiled at each other but before I even cry,

"Pwede po bang pagamit ng c.r para makapagpalit?"

"Sure, ayon, do'n pasok ka do'n." Turo niya ng daan. I just don't plan to spill a tear here. That's all.

So ayon na, I changed outfit. Pero yong make-up at hairlaloo hinayaan ko ng ganyan. Lakas kasi makaganda e. Gandang ganda ako sa mirror! Till an annoying/ familiar voice, ruined my "mirror moment" by yelling,

"La, bilis la, natatae na ako!" Like wtf?

Binuksan ko ang pinto and much to his surprise, he got scared. Di ako ang inaasahan niyang makita.

"Ikaw na naman!?"

"Oo. Ako na naman. Paalis na." Sabi ko, stepping out. "Papasok ka kamo? Sige, pasok na. Wag kang kukurap. Mamaya lang katabi mo na ang white lady sa isang iglap."

"Tsanggala! Lakas ng trip mo, ha!?" singhal niya. I'm supposed to be vile but my subconscious mind was like, 'Diba ganyan pumorma ang bibig ng mga oppa sa k-drama!? Omg!' Buti na lang nagpakita si Ayesha't napigilan ang cancer ko sa utak.

"Kuya inaaway mo na naman ba si Queen Elsa!? Hindi ka pa ba nadala!?"

"Oy, di a, friends kami! No, friend?" akbay niya sakin whle asking. Like a thug. Takot kasi masikuhan e, I understand. However, nakaligtas man siya sa siko ni Ayesha, sa suntok ko, hindi.

"A!" napatanggal siya ng kamay sa balikat ko.

"Naka-breeze ka ata friend, no? Ako rin e. Nag-breeze. May lakas ng sampung kamay!" Na sinuportahan pa ni Ayesha by singing,

"Sige sa mantsa...!" Lumapit ang bata sakin at hinawakan ang aking kamay. "Tara na ate, iwan na natin si kuya diyan."

Nang makalabas, kinumpirma ko. "So magkapatid talaga kayo?"

"Opo! Bakit po?"

"Wala." Sabi ko. But at the back of my mind, I was like, the third time na magkaka-encounter uli kami, magpapa-feng shui na ako. Malas e!

Diary ng MaputiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon