Luha

33 3 0
                                    

Maraming dahilan kung bakit tumutulo ang luha ng isang Tao.

Minsan tumutulo ito dahil masaya tayo "Tears of Joy" ika nga ng iba.
Luhang tumutulo lang kung tunay kang masaya.

Minsan naman tumutulo ito dahil nasasaktan tayo at wala tayong mapagsabihan ng sakit Kaya kesa dibdibin natin inilalabas natin sa pagitan ng pag luha.

Minsan naman tumutulo din ang luha natin dahil sa takot. Takot sa isang bagay o takot sa isang pangyayaring ayaw mo ng balikan o ayaw mong maranasan.

At minsan tumutulo ito kasi pagod kana, pagod kana sa maraming bagay na ang gusto mo lang gawin ay umiyak ng umiyak hanggang sa hindi mo namamalayang manhid kana. At wala ka ng mailuha.

Sa sobrang dami ng dahilan Kong bakit tayo umiiyak Hindi na natin malaman kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit nga ba tumutulo ang luha ng isang Tao.

Basta ang tanging alam KO sa tuwing umiiyak ako sobrang nasasaktan na KO at wala Kong mapagsabihan ng nararamdaman KO.

PS: Nasasaktan tayo pero lilipas at mawawala rin yan.
PPS: Darating ang araw ng Yong luhang tutulo sa Mata mo Hindi na sakit ang dahilan kundi kasiyahan.

-Eli

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon