Isang araw habang naglalakad ang magkakaibigan na sina Noeme, Rina, Rommer, Carla at si Perlas.
"San tayo punta? Sa sabado. Wala kasing pasok eh" sabi ni Noeme na habang sinasabi niya iyon eh busy siya kakatext.
"Ou nga san gora natin? Nakakabagot kaya sa bahay" sunod na sabi ni Rina habang busy naman siyang tumitingin sa salamin niya.
"Ako sa bahay nalang ako at mag-cocomputer" sambit ni Rommer sa kanila habang nagkakamot ng ulo.
"Sige guys text niyo na lang ako kung ano ang final desisyon niyo" sabi naman ni Carla habang tinitignan ang bago niyang cellphone.
"Ganun din ako oh siya sige malapit na gumabi magsiuwi na tayo" sabi na utos naman ni Rina sa kanyang mga kaibigan.
Habang naglalakad na sila sa sakayan. Biglang nagtext si Noeme kay Rina. Si Noeme at Rina ay laging magkasama kapag wala ang tatlo nilang kaibigan. Mukhang may lihim sila.
"Alam mo ba naiinis ako keh Carla kasi daming alam eh" inis na sabi ni Noeme kay Rina.
"Ou nga eh. Pansin mo din pala yun. Ako din eh". sang ayon naman na sabi ni Rina sa sinabi ni Noeme.
"Nakakaano kasama eh nuh?" tanong na inis ni Noeme habang hindi alam ang ginagawa niya.
"Tama ka diyan". sang ayon na sagot ni Rina sa tanong ni Noeme.
Nang nawalan na ng load si Noeme hindi na siya nakapagreply kay Rina. Isang araw nagpunta si Rommer kina Perlas para magsabi ng saloobin niya.
"Pasensiya na sa abala ha Perlas? Kasi wala lang talaga ako masabihan eh". tanong na sabi ni Rommer kay Perlas totoo naman kasi wala siyang masabihan kaya lumapit siya sa kanya.
"Ano ka ba okay lang yun mag kaibigan tayo diba? Oh ano pala yun?" agad na sumagot si Perlas sa tanong ni Rommer.
"Pansin ko lang kasi keh Noeme parang nagiging papansin siya. Parang lahat na lang kinukuha niya. Lahat na lang hinihingi niya". tugon ni Rommer at pang rereklamo niya.
"Pansin ko nga din. Ewan ko ba bakit ganun siya. Hayyyy". sang ayon na sagot ni Perlas sa sinabi ni Rommer dahil sang ayon naman talaga siya dito dahil halata naman sa galaw ni Noeme.
Mahabang kwento ang mga napag-usapan nila ng balak na umuwi ng Rommer nagpaalam na siya kay Perlas at bilin neto wag pagsabi sa iba. Sakanila lang daw iyon. Hapon ng biyernes nagkatext sila Carla at Perlas. Ang kanilang pinag-uusapan ay sila Rina at Noeme. Napapansin kasi nila na masyado na silang masekreto. Yung tipong hindi sila sinasabihan. Pagpasok sa skul sila lang may alam ng kwento nila. Nagtext na si Carla.
"Perlas. May napapansin ako sa dalawa nating kaibigang babae. " buntong tanong ni Carla na para bang may ibig ipakahulugan.
"Bakit ano yun?" tanong ni Perlas
"Parang may tinatago sila satin eh". sabi ni Carla habang iniisip kung ano iyon.
"Ou nga eh pag wala tayo baka kung ano-ano na yung mga pinagkwe-kwentuhan nila tungkol satin". sinabi ni Perlas kay Carla habang seryoso na nakatingin ito.
"Kaya nga eh. Yaan nalang natin sila. Kapag tayo naman ang nagkwekwento wag natin paalam. Lalo na keh "REPORTER'S NOTEBOOK" seryosong sagot ni Carla kay Perlas.
"Sino naman yun? seryosong tanong ni Perlas naiintriga siya kaya naman kinulit kulit niya si Carla para sabihin agad.
"Edi si Rina sino pa ba?" sinabi ni Carla kakakulit ni Perlas kakatanong sa kanya.
"Ahhh ou nga nuh? Kaya ingat-ingat." paalala ni Perlas kaya naman simula nung nag usap sila nag ingat na talaga sila.
Nang makatulugan ni Carla si Perlas hindi na sila nagkatext-san. Dumating ang sabado. Hindi natuloy nakasama si Perlas sa gala.
"Nagbubulungan" sila Rina at Noeme
"Sabi niya pupunta siya hindi naman pala". inis na sabi ni Noeme with matching taas kilay.
"Ou nga eh. Baka lumalandi? Haha :D" tawang sabi ni Rina na may landing sagot.
"Ano ka ba kaibigan pa rin natin yun ano sinasabi mo?" kunwaring concern na tanong ni Noeme.
"Hahaha. Sabagay" tawang sagot na naman ni Rina na nakaka ewan.
Nang matapos ang bulungan nila. narinig sila ni Carla. Si ROMMER busy siya sa katext niya kaya wala siya kamalay malay. Tinext ni Carla si Perlas.
"Alam mo ba pinagbubulungan ka nila Rina at Noeme?". pag aalalang tanong ni Carla
"Yaan mo sila. Alam naman na natin mga ugali nila". seryosong sagot naman ni Perlas habang nakatingin sa malayo.
ANG MAGKAKAIBIGAN KAHIT WALA ANG ISA HINDI DAPAT PINAG UUSAPAN... ANG TUNAY NA KAIBIGAN HINDI NAGSISIRAAN. ANG TUNAY NA KAIBIGAN KAPATID KUNG MAGTURINGAN :D
BINABASA MO ANG
My Walastik Plastik Friend (Complete)
Teen FictionMay mga kaibigan ka bang plastik? Pwes. dito makakarelate ka . kaya basahin mo na.. ^_^. vote na rin at mag iwan ng comment :D ANG TUNAY NA KAIBIGAN HINDI NAGSISIRAAN. ANG TUNAY NA KAIBIGAN MAPAGKAKATIWALAAN. ANG TUNAY NA KAIBIGAN WALANG KIN...