Diary ng Bitter Volume 1

31 1 0
                                    

“Hindi lahat ng tao kayang magtyaga sa isang taong walang pakiramdam,

Minsan dapat nating ipaalam ang totoong nais upang tayo ay mapahalagahan."

Week 1.

Sa parehong araw nung isang taon nagsimula ang aming pag - iibigan. Isang tao na hindi ko inakalang mapapalapit sa akin at dahan dahan pumasok sa buhay ko. Naging malungkot ako sa matagal na panahon, at ngayon ay dumating ang isang lalaking ni walang alam sa aking nakaraan pero malugod akong tinatanggap na pumasok sa kniyang buhay. Sobrang saya ko at wala na akong mahihiling pa. Sana itong nararamdaman ko ay magtagal at wala ng hahayaang sirain ng iba.

Week 2

Dinalaw nya ako sa pinagtatrabahuan kong opisina sa Ortigas. Sinabi nya na hindi siya pwedeng lumabas ngayong araw na ito dahil may pupuntahan sila ng Mama nya. At nang magtatanghalian ay bigla siyang nagtext na “Hindi muna ako makakatext sayo, may importante lang akong gagawin”. Habang ako ay naghihintay sa pagdating ng Elevator ay may dali daling lumabas ditto at niyakap ako. Si Arman pala ito. Ito pala ang importante nyang gagawin. Ang pumunta sa opisina at sabay kami kumain. Lumabas kami at kumain sa paborito naming kinakainan. BInigayan nya ako ng bulaklak, at sa gulat ko ay napatayo ako sa tuwa sabay hinalikan ko ang kaniyang labi.

Natigil ito sa pagdating ng waiter na dala dala an gaming pagkain. Tuwang tuwa ulit ako dahil sa effort na ginagawa nya sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang mga bagay na ganto. Sana ay hindi siya tumigil sa pagpapadama nito dahil alam ko sa sarili ko na sobrang malulungkot ako.

Week 3

Pagkagising na pagkagising ko ay may mga message na agad siya. Madalas niyang gawin to. Isa kasi sa Rules sa relasyon naming ang lagi kaming magtetext pagkagising at bago matulog. Para alam naming na sa umpisa ng araw at bago matapos ito ay ako ang laman ng isip nya. Isang ordinaryong araw sa trabaho at ako ngayon ay papasok na. Maghapon lang naman nasa bahay si Arman at madalas maglaro sa kanyang personal computer dahil naghihintay pa niyang dumating yung padala ng Papa niya upang ipagpatuloy ang pag – aaral niya. Sana nga makatapos na siya dahil gusto ko din ipasok siya ditto sa pinagtatrabahuan ko dahil alam kong magaling siya sa mga Computer. Nagtext lang kami maghapon ngayon at madalas na kulitan, pag kauwi ko ay tumawag ako sa kanya. At sa pagbaba naming ng telepono, namutawi ang isang salitang matagl ko ng hinihintay na marinig ng Personal, “I Love You”. Sabay sabi ng “I Love You too”. Nagulat din ako at hindi inaasahan ang sinabi nya at sinagot ko. Alam kong tama lang to, pero nararamdaman ko na parang may kakaiba sa pagkakasabi nya nito.

Week 4

Naging masyadong busy ako sa trabaho at hindi kami masyado nagkita. Pero lagi naman bukas ang komunikasyon naming thru text. Wala naman din akong magagawa kundi ang magtrabaho, kesa parehas naming kaming magtititigan na lang sa tuwing kami ay magkasama. Naalala ko tuloy nung mga unang araw ng relasyon naming, wala din ako trabaho nun, pero madalas kami magkita dahil sa binibigay ng Mama ko sa akin na pera. Taga Pasay ako at taga Bulacan siya. Pero nakakaya naming ng ganun, kaso dumadating talaga sa point na nagsasawa ka sa paulit ulit na nangyayari. Pupunta sa knila, kakain, tatambay, uuwi. Yan ang lagi naming Routine dati, kaya bilang mas mtanda sa kanya, napilitan akong maghanap ng work para sa aming dalawa, para na din sa kinabukasan naming. Hindi naman siguro nakakawala ng pagkababae ang minsan lunukin ko ang Pride ko at ako ang kumilos para sa amin. Mas gusto ko ng magtrabaho at parehas kaming may kainin, kesa naman tumunganga at hindi alam kung kalian ulit kami makakakain.

Week 5

Unti unti na naming natutupad ang mga palano naming dalawa. Kumakain kami sa mga sikat na restaurant, nagkikita kami every week para mapanuod ang mga inaabangan naming palabas sa sinehan. Nakagawian na naming na sa tuwing sasahod ako ay bibigyan ko siya ng budget para naman magawa nya din ang mga gusto nyang gawin. Nakakahiya man pero ako talaga ang sumuporta sa bawat luho nya. Pero ayus lang naman lahat ng ito dahil alam ko sa sarili ko na napapasaya ko siya. Hindi ko naman din kailangan ng madaming pera. Tulad nga ng sabi ng mga jejemon, “!l <@vv 7@n6 5@p@+ n@” , Ikaw lang sapat na. Namamasyal na kami at nakakapagkita atleast twice a month. Dumating din kasi sa point na napapagod din naman ako sa trabaho kaya pagkauwi ko, konting usap lang, nakakatulog na ako. Habang ako ay nagpapakahirap sa pagtatrabaho, siya naman ay naglalaro ng laro nya na paborito, Kampante ako na okay lang siya dun dahil alam kong ginagawa nya lang past time ang paglalaro habang hinihintay ako. Siguro nga hindi na maalis sa kanya ang paglalaro, pero lagi lang naman akong andito para sa taong pinakamamahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng Bitter Volume 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon