A/n: Thanks for reading the previous chappy. Natatouch ako sa mga comments and thanks for the votes din. hehe. Ilabyouall! :))
~~~~~~~~~~~~~~
(2) Meeting The "Campus Hottie"
Sander Matt Anderson
They call me the CAMPUS HOTTIE.
For them, I am a Gentleman, Handsome, Varsity, Hearthrob, Taekwando Master, All-in-one Package of Positive attitudes and I know everybody loves my Personality.
I hate people who keeps on bullying others na walang laban.
ayoko sa gulo. I hate troubles kaya ako usually ang Peace maker nila..
Madaming may gusto saakin.
Madaming gustong maging girlfriend ko.
Pero dalawa pa lang naman ang aking nagiging girlfriend sila ay sina Jandi at Ga Eul.
Pero siyempre, joke lang yun. ano ba kayo, mga Koreana yun! haha.
At ako'y simpleng mayaman na tao lang. Nagka girlfriend na ako, si Zakia Herschell, pero playgirl siya, akala ko seryoso siya sakin.
That was the first time na nainlove ako, pero sa kinamalasmalasan ng mundo, mali pa yung taong napili ko.
Matalino daw ako, Mabait, Masipag, Matipuno at lahat lahat na. I do have a perfect family except that I have a very very very nakakainis at nakakairita at nakaka ewan na bro.
Siya ay si Seth Matthew Anderson. Mommy namin ang Principal sa School na pinapasukan namin.
This is a private school, but, this is not our own.
Sabi ni Mom, sa friend niya daw ang school na ito at sakanya pinapamahala kasi Under age pa daw yung anak na babae nung may ari nito.
Pero di naman nababanggit ni Mommy kung sino may ari nito. My dad died 3 years ago.
They say, my life is perfect, I am perfect but for me, this life is totally Imperfect.
Know why??
Pero di ko na muna sasabihin kung bakit. pero kung interesado kayo, basahin niyo nalang at sa mga susunod na chapters, magegets niyo kung bakit hindi kompleto ang aking buhay.
__________________
So ayun na nga, papasok na ako sa school, di naman kami close ng kapatid ko kaya nauna na ako sakanya.
Pero sa kasamaang palad, nakita ko nanaman siya na binubully, pinapahiya at sinasangkot sa kalokohan niya si Quincy.
Ahh oo, friend ko pala si Quincy.. Gusto niyo malaman kung pano? edi basahin niyo yung mga susunod na chapters nito. haha. nabibitin ba kayo? sensiya naman.
So ayun, iniapproach ko na si Seth napakawalang hiya talaga nito.
*FAST FORWARD.. (A/n: sorry ho. tinatamad po kasi yung author eh. kaya siguro nabasa niyo naman yung convo nila Sander at Seth sa first chapter. xD)
Tumalikod na ako kay Seth. nakakairita siya.. Kaya pinuntahan ko na si Quincy..
Nak naman ng tekneneng, di pa nga ako nakakalapit, nagsi gilid na lahat ng mga babae at parang kumikintab ang kanilang mga mata.
"OMG! Si Sander!"
"Shocks! Papa Sander! Ang gwapo mo!"
"Sander. I love you!"
iyan nanaman ang mga narinig ko, at dahil wala ako sa mood makipag smile sakanila, nasigawan ko sila..
"Ano ba naman kayo? Bakit kayo nambubully ng mga babaeng wala namang ginagawa sainyo.? Pwede ba? Starting now tigilan niyo na siya,lubayan niyo si Quincy!"
yung mga babae naging ganito yung mga mata.
O.O
O.O
O.O
"ahh.. Sander, bakit? Type mo ba yang monster na yan?" tanong nung isang mataray na babae.
"She's not a monster!" sagot ko.
"Yes, she is." sabat pa nung isa.
"Isa pa! Tigilan niyo na siya! At kung hindi, ako, ako ang makakalaban niyo!"
Tapos itinayo ko na si Quincy, grabe, andami na nang sugat niya , mga kalmot ng mga mahahabang kuko ng mga babaeng nasa paligid niya, sobrang gulo na nang buhok niya..
tinulungan ko na siya makatayo, umiiyak siya..
Binuhat ko nalang siya tapos dinala sa clinic..
"Sa-Sander.." mahinang sabi niya.
"ssssh.. stop crying Quincy, I'm here,You're safe. Sorry sa pinag gagagawa nung kapatid ko. Sorry talaga."
"No. Don't be sorry. Its ok and, thank you.." sabi niya..
"Ahh, that's nothing compared sa mga nakuha mong sugat oh. i eexcuse nalang kita sa mga teachers mo, sasabihan ko sila kung anong nangyari."
"Ahh.. wa-wag na.. baka ibully nanaman nila ako tapos magalit pa sila at baka masuspend pa sila sa classes nila. wag na. okay lang ako. sabihin mo nalang absent ako. and just pretend that nothing happened."
Nakakainis naman si Quincy. Bakit kasi ang bait nito. Siya tuloy ang nabubully.
"Ahh.. sure ka?"
"Ahh. oo. sige na. pumasok ka na. nagbell na oh."
"Oh sige. mauna na ako, pahinga ka nalang muna sa clinic, huwag ka munang aalis ha? baka mamaya may umaabang nanaman dyan sayo."
Nag smile siya tapos umalis na ako.
Kawawa naman si Quincy, bakit kasi ganoon? bakit ang bait niya, bakit ang martyr niya. bakit nagpapaapi siya sa kapatid ko, bakit ayaw niya magsumbong..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ABANGAAAAN... :*
Next Chapter: She is "The Campus Monster"
BINABASA MO ANG
The GANG-MONS Love Story (on-hold)
Teen FictionGANGster + MONSter = The GANG-MONS Love Story. War? or Love?