Chapter 1

13 2 0
                                    


Zaya's POV

"Oy 6 na." Shit! Bigla akong napabalikwas sa higaan ko at dali-dali kong kinapa ang ilalim ng unan ko para hanapin ang cellphone ko. Napapikit ako sa sobrang liwanag na tumama sa mata ko nang pindutin ko ang power button.

"5:30 palang naman eh" sagot ko kay ate Amia. Ish naman eh. Sayang naman yung 15 minutes ko pa sanang tulog. Binalik ko ang aking atensyon sa aking cellphone. Tinignan ko kung may mga messages ba si Henry. Nakakapagtaka naman at ni isa wala. Nag online din ako, nagbabakasakaling may chat siya sa akin. Pero seen zone lang ang inabot nung huling chat ko sa kanya.

Si Henry. Half-Filipino, half-Chinese. Hindi siya gaanong katangkaran, mejo magkaheight nga lang kami eh. Maputi siya at may maaamong mata na kasing itim ng gabi. Gaano man kadilim, tuwing ngumingiti naman siya'y tila may mga bituin na nagniningning. Ang mga matang yon ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo. Isa't kalahating taon ko na siyang boyfriend. Naks naman! Miski ako hindi ko inakalang tatagal kami ng ganito. Tandang tanda ko pa nung araw na nakuha niya ang matamis kong oo.

FLASHBACK

Nakasakay ako ng bus papunta sa bayan para makipagkita kay Henry. Pagkababa ko ay nakaabang na agad siya. Kitang kita ko sa kanyang muka ang matamis na ngiti, tila ba sabik na sabik siyang makita ako. Nagtataka tuloy ako kung anong nakain nitong lalaking to. Sus. Baka nabighani lang yan sa kagandahan ko kaya di niya mapiglang ngumiti.Hahaha.

"Tara sa farm? Doon nalang tayo kumain ng lunch" Alok niya sabay ngiti.

"Malayo ba yon?" Tanong ko naman. May pagkabobo kasi ako sa mga direksyon eh. Hindi ko ba maintindihan sa sarili ko. Kahit ilang beses na akong nakapunta sa isang lugar eh naliligaw pa din ako pag mag-isa ko na.

"Baliw isang tricycle lang yon. Haha" Ako pa tinawanan. Napakasama talaga nito. Hmp.

Napansin niya atang di na ako kumibo kaya nagsalita ulit siya.

"Joke lang naman Zaya. Ikaw talaga dika mabiro," Sabay tulak niya sa akin. "Halika na nga," sabi niya sabay kuha sa kamay ko. Pinaglapat niya ang aming mga daliri at pumara ng tricycle. Hindi ko ba maintindihan kung bakit parang nakuryente ako sa hawak niya. Hindi ko maipagkakailang nahuhulog na ako sa kanya. Pakiramdam ko ngay mahal ko na siya. Apat na buwan na din siyang nanliligaw sa akin at habang patagal nang patagal, palalim na din ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Nakarating na kami sa farm nila. Oo, may malawak silang taniman. Mayaman kasi ang pamilya nila. Kaya minsan nanliliit na ako. Pero kahit kalian di niya pinaramdam sakin na galing kami sa magkaibang mundo. Napakabait at maalaga niya sa akin.

Nagbayad na kami sa tricycle driver saka bumaba. Naglakad kami papunta sa maliit na kubo sa gitna ng mga matatayog na puno. Napakasarap ng simoy ng hangin. Napakaganda ng paligid. Kahit saan ako tumingin, puro berde ang nakikita ko. Para itong paraiso, perpekto para sa aming dalawa.

Kumain lang kami ng pananghalian at nagkwentuhan. The usual us. Komportable sa isa't isa at pinag uusapan ang kahit anong matripan. Ganyan kami eh. Nang biglang...

"Zaya," tawag niya sakin dahilan para mapalingon ako. May inabot siyang piraso ng papel na nakatupi. Binuklat koi to at mataimtim na binasa ang dalawang pahinang nagsasaad ng tunay na nararamdaman niya sa akin. Nabigla ako sa huling pangungusap sa pinakaibaba ng papel.

Will you be my girlfriend, Zaya?

Milyun-milyong paru-paro ang ngayong nagkakagulo sa tiyan ko. Tila ba nagkakarerahan ang mga kabayo sa puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko pero masaya ako. Sigurado, masaya ako. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa papel. Bat ba ang drama ko?

Unti unti kong inangat ang mga mata at sinalubong ako ng titig niyang nakakatunaw. Tingin na punong puno nang pagmamahal.

"Zaya, be my girlfriend." Ang tagal kong hinintay ang mga katagang to. Isa isa nang bumuhos ang luha ko at tanging pagtango na lamang ang naisagot ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi atpinunasan ang mga luhang tumakas sa aking mga mata. Dahan dahan niya akong kinuha sa kanyang mga kamay para yakapin sabay halik sa aking noo.

"I love you, Zaya"

"I love you too, Henry"

END OF FLASHBACK

Natapos ang pagmumuni-muni ko nang biglang may unan na tumama sa muka ko.

"ARAY!" Ano ba naman si Ate Amia. Panira ng moment oh.

"Sige daydream pa baka malate ka na" sambit niya

"Daydream ka jan. Totoo kayang nangyari yung nasa isip ko noh! Panira ka lang. Che." Sagot ko naman. Kaasar kasi eh

"Si Henry nanaman? Sus magbebreak din kayo niyan!" sabi niya sabay irap sakin. Aba aba!

"Bitter!" Hays. Ganyan tlaga kami mag asaran ng ate ko. Hanep diba? Kulang na lang ata eh magsabunutan kami. Pero di pwede. Sayang naman ang precious hair ko. Hahaha. Nagtext lang ako kay Henry sabay bumaba na ako sa double-deck na kama namin ni ate. Ako kasi sa taas at siya sa baba. Maliit lang itong inuupahan naming kwarto. Kama, isang lamesa at cr lang ang nandito pero ayos na din.

Dali dali akong naligo. Nagsuot lang ako ng pantalon, vneck shirt at rubber shoes. I know, wala talaga akong sense of fashion pero bakit ba. Sa school lang naman ang punta ko eh. Mabilisan ko ding sinuklay ang itim kong buhok na hanggang baywang ang haba. Sabi nila parang nakarebond daw ito dahil sa sobrang unat at lambot, pero natural talaga ako. San naman kasi ako kukuha ng perang pangrebond aber? Mas mabuting ipangkain ko nalang. Food is life mga beh! Ay, malelate na ata ako.

6:45 na at palabas na ako ng bahay. Well, hindi namna talaga siya bahay since room lang tinitirhan namin. Wala pa ding text o chat si Henry. Nalulungkot na ako. Mag-iisang linggo nang ganito. Dati naman paggising ko may good night message siyang mas mahaba pa ata sa isang kilometro (ay ang OA ko), ngayon ni text ng good night wala na. Dati bago pa mag alas siyete nandito na siya sa labas ng bahay (oo na, kunwari bahay nalang yung kwartong tinitirhan ko), ngayon wala na. Dati hatid sundo niya ako sa school kasi maluwang ang sched niya, ngayon hindi na. Hays. Nakakapanibago.

Mag-isa kong nilakad ang daan papuntang sakayan ng jeep. Nakalimutan ko pa man ding dalhin yung jacket ko. Bat ba kasi napakalamig dito sa Baguio? Wala pa naman si Henry para maging human jacket ko. Char! Hay namimiss ko na siya.

Pagkarating ko sa sakayan ng jeep eh napakahaba na ng pila. Grabe naman! Eto yung ayaw ko ditto eh, kaya as much as possible gusto kong maaga. Dahil bukod sa mahabang pilang to, iniiwasan ko din ang traffic. Tsk. Hindi na ba talaga uunlad ang Pilipinas?

No choice ako kundi pumunta sa dulo ng linya at kung sinuswerte ka nga naman, may isang grupo pa ng kalalakihan ang sumingit sa harap ko. Jusmiyo ang sama nan g araw ko dahil di nagpaparamdam si Henry tapos dadagdag pa tong mga mokong na to. Ugh!

"Hoy ang kapal naman ng mukha niyong sumingit! Konting respeto naman sa mga taong nag eeffort gumising ng maaga para makipila ng MAAYOS!" sabi ko sa kanila

"Excuse me?" sagot nung isang lalaking mejo may katangkaran at may matipunong pangangatawan. Mapupungay ang kanyang mga mata na tila ba nanghahatak papunta sa kawalan. Matangos ang kanyang ilong at mapupula ang kanyang labi. Nakasuot siya ng black leather jacket at maong pants. Sus mema lang yan. Memasuot para masabing astig. Kala mo naman ang pogi pogi. Eh pogi naman talaga ah? Tss.

"Oh bakit hinaharangan ko ba daan mo? Oh ayan oh ang lawak lawak. You're free to go. Chupi chupi para mabawasan mga sumisingit dito!" Nako nakakainit talaga ng dugo tong mga lalaking to. Tsk. Imbyerna ha

"Alam mo miss umagang umaga talak ka ng talak. Nakakarindi eh. Kung ayaw mong makipila bat dika nalang magtaxi? Siguro wala kang pamasahe noh? Tss" Sabi niya sabay tawanan naman ng mga barkada niya. Oo na! Kapos kami sa buhay. Kasalanan ko bang mahirap kami? Ha? Nararamdaman kong may mga luhang nagbabadya nang tumulo sa mga mata ko kaya yumuko nalang ako at tumahimik. Shit. Eto nanaman. Hindi nanaman ako makalaban.

"owww, natahimik ka miss? Mabuti yan. Matuto ka kasing lumugar. Tara na guys. Nandiyan na yung kotse ko" Sabi niya at sabay sabay nang umalis yung mga lalaki at sumakay sa napakagarbong kotse. Naiwan sa pila yung nerd na lalaking diko namalayang nakapila pala sa harap ko kanina pa.

Tsk. Bullies. Fudge them!

Right Where She Was LeftWhere stories live. Discover now