Chapter 1: First Day of School

115 2 2
                                    

(JJ'S POV: Point Of View) 

Hindi mapakali si JJ dahil sa kilig. Hindi siya makapaniwalang magkayakap sila ni Lewis, ang kanyang longtime crush! Certified Heartthrob ito sa campus nila kaya super duper crush niya ito. Isa na yata itong dream come true para sa kanya, ang mapaloob sa mga bisig ni Lewis! Feeling niya ay isa siyang prinsesang nakasungkit ng super gwapong prince charming!  

(Lewis) "You are the most beautiful woman I've ever laid my eyes on." Madamdaming saad ni Lewis habang unting-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Gosh! Hahalikan na siya nito! Haba ng hair niya! This is it! Nakapikit na siya at hinintay ang halik ni Lewis nang biglang...... 

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

(JJ's Mom) "Hoy JJ! Gising! Malelate ka na. First day of school pa naman ngayon." sigaw ng mama ni JJ. 

JJ ang palayaw niya pero Johanna Justine talaga ang totoong pangalan niya. Sosyal di'ba? Kaya lang masyadong mahaba kaya JJ nalang. 

(JJ) "Arghhhhh! 5 minutes nalang, Ma! Hindi pa kami nagkikiss eh!" reklamo niya. 

Naku naman! Yun na yun eh! Magkikiss na sana sila kung hindi lang KJ ang mama niya. 

(JJ's Mom) "Anong kiss-kiss ang pinagsasabi mo ha? Aba't! Nakasampung 5 minutes ka na! Bumangon ka na diyan kung ayaw mong 'di ko ibigay sa'yo ang allowance mo!" paggigising ulit nito. 

(JJ) "Ay, to naman si mama. 'Di na mabiro. Eto na nga oh, babangon na." aniya. 

Walang nagawa si JJ kundi sumunod sa mama niya dahil kung hindi, hindi nito ibibigay ang allowance niya at sasabog na talaga ang eardrums niya sa lakas ng boses nito. Kahit saan yata ito magpunta, parang lagi itong naka-microphone. 

Inaantok na sinulyapan niya ang wall clock sa silid niya. 

(JJ) "Oh my god! Alas siete na! Late na 'ko!" 

Nagmamadaling tinungo niya ang bathroom saka naligo. Sinuot niya ang simpleng shirt at jeans na hinanda ng mama niya kagabi. Nagsuklay muna siya saka naglagay ng baby powder bago bumaba. 

Dumiretso siya sa kusina at naabutan ang kuya at papa niya na nagkukuwentuhan habang ang mama naman niya ay abala sa paghahanda ng breakfast nila. Lumapit siya sa papa niya. 

(JJ) "Morning, Pa!" bati niya sa saka ito hinalikan sa pisngi. 

(Steven) "May muta ka pa J, oh!" turo nito sa mata niya. 

(JJ) "Huh?" inis na tugon niya.  

(Steven) "Sabi ko, lalo kang gumaganda dahil diyan sa muta mo." pang-aasar nito. 

Hindi naman talaga sila mortal enemies ng kuya niya kaya lang trip lang talaga nitong asarin siya sa umaga. Ewan ba niya rito. May sayad lang talaga siguro ito tuwing umaga.

(JJ's Mom) "O ayan na naman kayo. Baka mamaya, sa away na naman 'yan mauwi." singit ng mama nila. 

(JJ's Dad) "Kumain nalang tayo at nang makaalis na kayo." Ang papa naman nila ang nagsalita. 

Mismatched LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon