sino ang hindi magagalak kapag ikaw ay tinawag ng mahal mo ng 'mahal'?
hindi ba kay sarap sa pakiramdam na ang mahal mo ay mahal ka?
ngunit bakit sa bawat bigkas ng iyong labi ng 'mahal' ay tila sinasakmal ang puso kong gustong magwala sa tuwa
pusong nagagalak sa bawat lambing na tanong tulad ng
'mahal, kumain ka naba?
'mahal, okey ka lang ba?
'mahal, wala ka bang nararamdaman?
'mahal, may problema ba tayo?'tayo'? tayo ba iyong tinutukoy o kayo na siyang nakalipas na dating binibigakasan ng iyong matamis na salitang 'mahal'.
ipagpatawad mo kung sa bawat tawag mo ng 'mahal' ay di agad tinutugunan ng pansin pagkat pakiramdam ko ay tila iba ang nais mong makita at makausap.
ako ba ang iyong tinatawag?
ako ba ang iyong tinatanong?
ako ba ang iyong gustong makasama sa tuwing binibigkas ng iyong mga labi ang salitang 'mahal'?ipagpatawad mo kung minsan ako'y biglang nanahimik, sinusumpong sapagkat sa bawat bigkas ng iyong mga labi ng 'mahal' ay iba ang aking nadarama.
ipagpatawad mo kung minsan ay pakiramdam mo ay malayo ako sayo sa pagkat yan ang nararamdaman ko sa tuwing ako ay iyong tinatawag na 'mahal'.
ipagpatawad mo pagkat hindi ko sinasadyang mabasa ang mga dating liham na pinapadala mo sa mga kamag anak ng dati mong 'mahal'
sa liham kung saan dun ay aking nasukat kung gaano mo siya minahal nung mga panahon na kayo ay nagsasama
sa liham kung saan nakita ko kung paano ka nagmakaawa at nakiusap na sana ay makipagkita at makausap man lang siya upang mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang inyong pagsasama.
ipagpatawad mo kung minsan ay nasasaktan ko ang iyong damdamin sa pagkat hindi ko ito sinasadya at alam kong ako ay hindi rin sinasadyang masaktan sa iyong mga di sadyang mga kilos o gawi.
ipagpatawad mo aking 'mahal'
YOU ARE READING
nais isa tinig
Poetrymga nais banggitin ng labing di maibuka sa mga nais isa tinig ng damdaming di makawala sa mga tanong na naghahanap ng sagot ngunit di maibigay pagkat ito ay nakakulong sa mga labing lagi lang nakasara sa mga nais sambitin upang pakiramdam ay gumaan...