Chapter Two
~«~
Alam kong tulog na ako. Hindi ako nananaginip. Tulog ako. Pero hindi ko alam kung anong mas madaling paniwalaan—nananaginip ba ako noong narinig ko ang mahinang tinig na iyon o ako'y gising na gising?
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
"And you are supposed to be the Pilot Class in the whole batch," dismayadong sabi ni Sir Drillon sa buong Clase Primera. Tiningnan niya halos ang bawat isa sa mga kaklase ko, pero pakiramdam ko ay mas matagal siyang tumingin nang matalim sa akin.
Walang nagsalita. Malamang. Lilipas din naman ang panenermon ni Sir Drillon eh. Biglang tumayo si Lori. "Sir, pupunta na po kami sa principal's office," seryosong sabi niya.
Tumango si Sir Drillon. Nagkibit-balikat ako. Ano pa nga ba ang inaasahan naming, 'di ba? Alangang asahan pa naming makakalusot kami sa nangyari kahapon?
Bilang presidente, alam kong alam ni Lori na mas mabuti kung maaga naming haharapin ang kung ano mang parusa sa amin nang matapos na ito.
Nagsitayuan na ang mga kaklase kong nag-cutting. Hindi lang pala ang grupo namin ang nag-cutting eh. Buong klase pala ang umalis nang maaga noong umalis kami. Nagsilabasan na ang bawat isa sa mga kaklase ko para pumunta sa principal's office. Huli akong naglakad papunta sa pintuan. Pero bago ako lumabas, tumingin ako kay Sir Drillon.
"Pasensiya na po kayo, Sir," sabi ko.
Tiningnan niya ako nang matagal at seryoso bago siya nagsalita. "This isn't like you, Luna. Where did you go?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip... "Pamilyar po ba kayo sa Tercera Casa?" tanong ko.
Hindi ko alam kung nagulat ba siya o ano, pero nagbago ang ekspresyon niya. "Huwag mong sabihing doon kayo nagpunta?"
May bahid panic sa boses niya, pero hindi ako sigurado. Ang sigurado ko lang ay parang may kakaiba sa boses niya.
Tiningnan niya ako nang matagal hanggang sa nagsalita siya ulit. "Kung doon nga kayo nagpunta kahapon... huwag niyo nang uulitin," sabi niya sabay talikod.
~+*+*+*+*+*+*+*+*+~
Isang magandang babae ang sumalubong sa akin sa ikatlong pasilyo ng ikatlong palapag ng ikatlong gusali kung nasaan ang principal's office.
"Luna dela Cruz," nakangising bati ng babae.
Hindi ko napigilang magtaas ng kilay. "Magkakilala tayo?" tanong ko.
Tiningnan ko siyang mabuti. Ngayon ko lang siya nakita, pero hindi naman kataka-taka iyon dahil sobrang laki ng Academia de Santa Monica. Meron itong anim na malalaking gusali. Apat para sa mga silid aralan. Ang isa ay para sa Visual Arts, Sciences, Music, at naroon din ang laboratory. Ang panghuling gusali naman ay merong dalawang palapag—ang gym sa first floor at ang auditorium naman ay ang nasa second floor. Pero ang pinagtataka ko ay ang suot niya. Parang naka-costume or something.
"Maaaring hindi mo pa ako nakilala, Luna," sagot ng babae, "pero ako... kilalang-kilala kita."
May kung anong meron sa babae na hindi ko maipaliwanag, pero nagsitayuan ang mga balahibo ko na para bang may malamig na hanging dumapo sa balat ko.
"Paano—"
"Hanggang sa muli nating pagkikita, Luna. Mag-iingat ka sa iyong mga nakikita at naririnig. Hindi lahat ng iyon ay kabilang sa mundong kinagisnan mo."
"Layuan mo ako!"
Agad akong lumingon sa pinagmulan ng sigaw. Paglingon ko naman ulit sa harapan ko, wala na 'yung babae. Nagtataka man, agad na lang akong tumakbo kung saan nanggaling 'yung sigaw.
BINABASA MO ANG
Tercera Casa
Paranormal"Pilit mo mang iwasan, kusa ka nilang pupuntahan. Ika'y tumakbo man o magtago sa gitna ng ulan, mahahanap ka nila kahit saan."