Joyce's POV
"Ha? Pero bakit? Mahal mo pa ko, diba? Sabihin mo saken! Mahal mo ko, diba?"
Sinisigawan ko na sya. Hindi ko matanggap at ayokong tanggapin yung gusto nyang mangyari. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sya.
"Sorry, Joyce. Sana mapatawad mo ko. Mahal ko sya."
pagpapaliwanag nya ng hindi nakatingin saken. Nakayuko lang sya habang nagsasalita.
Andito kami ngayon sa park kung san kami laging namamasyal ni Tristan-- boyfriend ko. Pero mukhang hindi ko na ulit masasabi ang mga salitang 'boyfriend' dahil nakikipaghiwalay na sya saken. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng itext nya ko kanina at pinapunta dito. Akala ko magde-date kami. Sobrang saya ko pa naman. Pero bakit ganito? :'(