Mortal Enemy = Love ? Posible nga kaya?

339 6 0
                                    

Pumasok na ba sa utak mo na , yung mismong mortal enemy mo eh yung taong makakatuluyan mo?

Yung taong nambubully at nangaasar sayo mula nung elementary ka pa lang?

Na buong buhay mo wala siyang ginawa kundi asarin ka

tapos pinaglalapit pa sila ng tadhana..

haynako.

Hi ako si Gelou

17 years old

freshman college 

ano pa bang dapat asahan saken?

hindi ako kagandahan

Boyish at nananapak talaga ako.

Kaya nga walang nagtatangkang mambully sakin eh 

MALIBAN SA ISA

Si Jason

Ang dakilang EPAL sa buhay ko.

pangalan pa lang nya,nagiinit na ang dugo't lahat ng himaymay sa katawan ko.

hindi naman ako maipagtanggol ng mga kaibigan ko

dahil karamihan sa kanila 

may gusto kay Jason

Kainis.

Suking suki ako sa mga pangaasar nung lalaking yun.

Buti na lang nga,hindi sa puntong parehas kaming nagu-guidance.

Mortal Enemy ko siya.

AS IN.

Simula pa nung grade 4 kami.

suntukan

angasan

ako ata ang pinakamalakas na babaeng sumuntok

naalala ko noon

barbers cut pa yung buhok ko..

umaasa ako na pag-graduate ko nun ng elementary 

eh

tuluyan na kaming maghihiwalay ng landas ni Jason.

pero nangaasar ata ang tadhana.

First day na first day nung highschool

MUKHA NIYA ANG NABUNGARAN KO.

Gandang buenamano diba?

Ewan ko ba kung bakit trip na trip akong asarin ng taong yun.

nakakaasar

feeling naman din niya gwapo siya.

excuse me,nakakasuka siya. para siyang Zombie na tinadtaran ng bawang.

pilit ko siyang iniiwasan pero pilit din kaming pinaglalapit ng tadhana

biruin mo yun

Malaki school namin,

pero kahit san ako magpunta

pagmumukha niya ang nakikita ko.

Rinding rindi na rin ako sa bestfriend ko na siya ang bukambibig.

hay buhay.

pero hindi siya dito nagfourth year

ewan ko kung anong nangyari

basta ang alam ko

ang saya ko

Sana namang college na ako.

sa dami ng universities na pwedeng pasukan ni Jason

hindi naman niya siguro mapipili ang Lyceum.

Hindi ko alam kung patuloy na magkakaroon ng part 2 ang bangayan namin

o tuluyan ng matitigil.

==================

Mortal Enemy = Love ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon