Etong chapter na to ay tungkol kila Gino at Gelou
-
Hindi ko dapat sinabi
pano pag tuluyan na akong nadulas at nasabi kong si Gino yung unang nagyaya sa'kin?
baka magaway pa yung dalawa?
teka?parang nalilito ako?
ano kayang nangyayari sa magkaibigan na ito?
biruin mong sa dinami rami ng mga babae
yung iba nagkakandarapa pa sila eh mga magaganda at talagang wala kang masasabi
pero bakit ako?
na ..
chubby..
di kagandahan ang natipuhan nila ?
o napagtripan nila diba?
hay nako.
nakakainis lang
-
"Hi Gelou" Napatili ako ng may kumalabit sa balikat ko.nagulat ako. humarap ako sa taong kumalabit sakin ,papagsabihan ko sana siya.Kaso ang napakaamong mukha ni Gino ang bumungad sa kanya.
"Gino!Ikaw pala,ba't mo naman ako ginulat?"
"uh,nakita lang kasi kita,gusto sana kitang tanungin kung pwede na ba tayong magsabay maglunch?" kiming tanong ni Gino
"hindi pa nga ako pumapayag eh" pagsusungit niya dito.
nakita niyang parang nagulat si Gino,at parang ....nalungkot? si Gino malulungkot?
"Ah,kung ayaw mo ,okay lang naman, di naman kita pinipilit" ngumiti si Gino.
naawa naman siya dito.siyempre,di naman siya kagandahan para maging choosy.Tipong paalis na si Gino,ng hilahin niya to.
"Eto naman,di ka na mabiro .GIno,tara na!"
"talaga?payag ka?!" parang di makapaniwalang tanong nito
"Oo naman,basta di mo ako pagt-tripan ha?" aminado siya,natatakot siya baka mamaya pagtripan lang siya nito.. nila ni Gino
"Oo naman,forget all about it Gelou,college na tayo,we're mature na noh" paliwanag ni Gino sa kanya.
Simpleng tango lang ang sinagot niya.
sa kitchen basics sila nagpasyang maglunch.
Hihilahin na sana niya ang upuan niya para makaupo siya ng biglang kinuha ni Gino ang kanyang bag at ito mismo ang naghila ng upuan para sa kanya.
Hindi niya alam na may tinatagong pagkagentleman pala itong si Gino.
babayaran na rin sana niya yung inorder niya kaso pinigilan siya ni Gino,siya na lang daw,hintayin na lang daw niya ito sa lamesa.Di siya tumatanggi sa libre! hahaha
pagkadating na pagkadating ni Gino
"Oh,anong meron Gino at nagyaya kang maglunch kasama ako?" tanong niya dito.
"well,uh,wala,masama bang makipagkaibigan?"
"hindi naman"
ngumiti si Gino. ngumiti rin siya.
"You're beautiful" bigla na lang nitong sabi sa kanya
Literal na nalaglag yung tinidor na hawak niya.
Anong Pinagsasabi nito ni Gino.
"HOY! malabo lang talaga yang mata mo Gino!pwede ba!wag mo akong utuin"
naiiling niyang sabi kay Gino.
"Im serious" seryosong sabi ni Gino.
"serious your face,di mo sinabi saken na Joker ka pala,edi sana tumawa ako diba?"
"Kaya nga nagtataka ako,kung bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend" tanong nito sa kanya
"well-
hindi na niya natuloy ung sasabihin niya dahil mula sa salamin,nakita niya si Jason,nakatingin sa kanilang dalawa ni Gino.at madilim ang tingin.
Biglang sinakop ng kaba ang puso niya.lagot.
BINABASA MO ANG
Mortal Enemy = Love ?
Teen FictionFGelou at Jason,ang mortal Enemy since elementary.Magkikita ulit.Hanggang ngayon ba ay magbabangayan na lang sila ng magbabangayan?Inaasahan ni Gelou na hindi pa rin magbabago si Jason pero bakit parang bumaliktad ang sitwasyon? Posible nga bang mag...