Love? There's a lot of meaning. Depends of the people who explained, but for me love is no meaning. Once you are in love you didn't know WHY you love somebody.
Maraming ulit na din akong nagmahal pero maraming ulit din akong nasaktan kung minsan parang napapagod na kong magmahal. Pero pagkatapos ng ilang panahon magmamahal na naman ako na para bang I'm totaĺly move on. Sabi nga nila " try and try until you succeed.
This is the story of my love life.
Elementary grade 4 pa lang si Aira ng magsimula sya humanga sa kaklase si Jack na napaka bait naman sa kanya kahit hindi sya maganda. Si Jack ang laging nagtatanggol sa tuwing may manunukso sa kanya, gumgawa ng mga assigments nya kapag hindi nya ito nagagawa sa bahay, may mga pagkakataon na pati ang pagsagot ng kanyang quizzes ay si Jack na din ang gumagawa, ngunit sa kabila ng mga yun ay nagagawa pa rin ni Airang sungitan ang lalaking hinahangaan nya para lang hwag syang mahalata nito dahil sa takot na mapagkumpulan ng tuksuhan.
Gwapo na si Jack kahit sa murang edad pa lamang hindi maputi pero ang mga mata, ilong at labi ay makikita na talaga kahit moreno, matangkad na sya kahit nasa elementarya pa lamang. Samantalang si Aira ay kabaliktaran hindi naman sobrang panget na parang isunumpa ng panahon sobrang payat nga lang nya. Sobra talaga nya hinahangaan ang lalaking ito at talagang labis syang natutuwa kapag nagkakayayaan ang magkaka barkada na ihatid sya pauwi sa kanila at syempre kinkilig ng lihim.
Si Sheryl at Gemma ang tanging matalik na kaibigan ni Aira kahit saan sila ang laging magkakasama. Kapag absent ang isa pupuntahan ng dalawa pagkatapos ng kanilang klase. Si Gemma at Sheryl lang ang tanging nakakaalam ng siktretong iyon ni Aira.
Isang araw habang nagkaklase si Mrs. Baylon. "Jack love Aira" ito ang naisulat ni Aira sa kanyang note book hindi nya napapansin na bahagya pa lang sumisilip ang isa sa mga kaibigan ni Jack upang makita kung ano ang naisusulat nyang iyon. At sa wakas nagtagumpay ang ungas na si Romeo.
Romeo: hihihi.. oy Jack ikaw ha! May hindi ka sinasabi sa amin.
Jack: huh? Anong hindi ko sinsabi?
Romeo: haha.. love mo pala si Aira, ikaw ha!
Jack: hala! Oy hindi noh bata pa kami, isa pa walang gusto sa kin yan lagi nga sinusungitan..
Romeo: baka kunwari lang yun, may nabasa kasi ako sa notebook nya eh. " i love you Jack" may panunuksong sabi ni Romeo.Kinabukasan ay plano nila Romeo at Michael na nakawin ang notebook ni Aira para maipakita nga kay Jack kung ano ang nakasulat doon. Pero masyadong maingat si Aira sa bagay na yun hanggang walang magawa sila Romeo kundi ang pilitin syang umamin sa pamanagitan ng pang-aasar. Lumipas ang mga buwan at lumalapit na ang pagtatapos ng isang taong pag-aaral hindi talaga nalaman ni Jack ang totoong damdamin ni Aira, at heto na nga dalawang linggo bago tuluyang magbakasyon napansin nila Aira na hindi na nagpapa pasok si Jack sa hindi nila malamang dahilan. Sobrang nakaka miss ang taong ito kaya lakas-loob na nagtanong si Aira kay Romeo upang malaman ang dahilan ng hindi nya pagpasok. Huling linggo ng pasokan nagpasya si Aira na puntahan si Jack sa kanila upang kamustahin at ibigay na rin ang mga papel ng exams and quizzes nya, at upang magpaalam na lilipat na din sila sa ibang lugar (Antipolo, Rizal). Ngunit naubos lang oras nila sa paghahanap ay hindi nila nakita ang kanilang hinahanap.
Sa wakas nakalipat na nga sila Aira sa Antipolo ngunit naiwan ang kanyang kapatid na panganay sa Bulacan upang tapusin nito ang kanyang high school dahil mahirap nga naman magtransfer pa. At si Aira naman ay nagpatuloy sa grade 5 sa Antipolo pagkatapos ng isang taon umuwi sila sa Bulacan para dalawin ang kanyang kapatid at para magbakasyon na rin ng isang linggo kaya nagkaroon ng pagkakataon si Aira na dumalaw sa kanyang mga kaibigan. Si Sheryl ang kanyang unang pinuntahan dahil mas close sya dito at tumuloy sila kay Gemma ng magkasama. Masaya sila sa kanilang pagkikita, muli ay sinubukan ni Aira na hanapin ang lalaking sobra niyang hinahangaan at maaaring mahal na niya noon pa.