(A/N) This story will be completely stella's pov :) para hindi papalit palit and di magulo. Hope you enjoy! Please support by voting and leave some comments :)
STELLA'S POV
Hi. Ako nga pala si Stella Anne B. (Bueno) Tan yung iba trip akong tawagin na sa SAB dahil sa initials ko pero I prefer Stella kasi mas maganda pakinggan. I have my twin brother which is Kuya Stephen and Kuya kasi mas nauna siya sakin for 10 minutes at kahit konti na oras lang yun I still show respect. May younger brother din ako na si Sander pero isang taon lang naman ang bata niya sa amin.
Dad's family is very lucky para malahian ng mga anak na twins. Pangatlo ang Daddy Steve ko among their siblings, Lahat sila ay puro lalaki maliban sa bunsong babae na si Tita Kim. We are a Chinese family pero half lang.
.
Sa Tan family lang ako may pinsan kasi si Mommy Andrea ay only child lamang. Close kaming lahat na magpipinsan dahil we are all on the sameage except sa mga anak ni Tita Kim na 1 year younger ang agwat. Si Tita Kim lang din ang hindi nabigyan ng pagkakataon ng magkaroon ng mga anak na twins. Nakakatuwa lang kasi sila Daddy pa ang nagka-anak ng twins.
Boy and Girl ang type ng twins sa family namin kaya package talaga! Si Claudia at Cloud ang pinsan ko kay Tito Carlo tapos si Athena at Ethan ang pinsan ko kay Tito Gerald samantalang sila Ashton, Vernice at Izabel ang kay Tita Kim. Sy na ang surname nila Tita Kim dahil sa napangasawa niya. Sa lahat ng twins sa family kami lang ni kuya Stephen ang hindi magkamukha kaya minsan di mo pa kami mapapagkamalan na magkambal.
.
Lagi ko kasama ang mga pinsan ko kahit saan mag punta lalo na ang mga girls na naging parang barkada ko nadin. Kaming mga girls ay pinagaral sa all girls school dito malapit sa bahay kasi gusto nilang mabantayan kami ng mabuti. Pero after kami mag-graduate ng elementary ay lumipat na silang lahat sa isang malaki at pang mayaman na school which is Blue Ridge University. Take note ha lahat ng pinsan ko dun na nag-aaral ngayong highschool na kami so it means ako nalang naiwan dito at nabulok sa all girls school.
May kasikatan kaming Tan family kasi malalaki ang business ng family namin. Ang business namin ay ang mga Hotel and Resorts not just at Philippines but in other countries too. We also have side business like shoe and clothing industries. Only girl child lang ako sa family namin kaya over protective sila minsan pati ang mga kapatid ko lagging andyan para sakin. But we never cross each others issues masyado kasi sabi ng parents ko they want me to enjoy life pero my goodness I'm not enjoying at this school anymore at di ko alam kung paano lilipat!!!
.
.
1st year highschool ako at ganun padin hatid sundo sa driver. Samantalang ang ibang pinsan ko may freedom na at yung iba may own cars na, well that's for the boys. Si Kuya Stephen may own car nadin at siya ang nag susundo sakin minsan. Actually magkaiba kami ng personality kahit twins kami kaya pag nag away di maiwasan na matagal ang pagbabati pero bihira naman iyon mangyari.
Aaminin ko na lumaki akong spolied brat pero may control naman ako sa sarili ko. Siguro masyado akong naspoiled dito sa bahay. We live at Sun Valley village nga pala here at Parañaque. 3 floors ang bahay plus ang roof deck at pool area.
.
.
3 months bago matapos ang freshmen year ko ng naisipan ng parents ko na finally ilipat ako sa Blue Ridge kung asan ang mga pinsan ko. Sobrang saya ko lang at ang reason kung bat ako lilipat? Simple lang kasi naliligawan ako ng mga tomboy sa school namin kasi all girls school nga.
Masyado naging boring ang buhay ko nung nag first year ako kasi madalang lang ako makipagkaibigan kasi nga lumipat na ang mga pinsan ko. Pero who cares kasi di naman ako natatakot na mawalan ng kaibigan. Basta ako nag aaral lang.
Ilang araw nalang at eto na lilipat na ko sa BLUE RIDGE UNIVERSITY!!! I'm too damn excited!!
BINABASA MO ANG
FEARLESS
Teen FictionMeet Stella Anne B. Tan. A girl with the highest level of confidence na kayang kaya niya mismo lagpasan ang kahit ano mang sitwasyon na darating sa buhay niya. Kilala siya bilang walang kinakatakutan at walang inuurungan ngunit hanggang saan nga ba...