Ang dyaryo, bakal, at bote pwedeng i-recycle. Ang tirang pagkain pwedeng ipakain sa alagang aso o baboy, o di kaya'y gawing pataba sa halaman. Eh ang lumang panty/ brief paano nga ba dini-dispose? Mahirap sagutin ano? Kaya nga nakatambak pa marahil ang mga luma mong panty/ brief. Para naman sa mga nanghihinayang, pinagtyatyagaan na lang nila ito tutal "presko" gamitin.
Di niyo na kailangan magtiis dahil narito ang ilang suggestions:
1. Putol-putulin. Gawing basahan.
2. Gawing damit ng Pokemon.
Pika... Pika! Pika!
3. Ipalaman sa lantutay na unan.
4. Gawing pantapal sa butas ng mga damit.
5. Maglaro ng chinese garter.
Paalala: Gamitin ang GARTER hindi ang tela ng panty/ brief.
6. Gawing bola, pwedeng maging laruan ng alagang pusa. Kapag sawa na ang pusa...
7. Ilagay sa kaaya-ayang packaging at ibenta sa mga mananahi. Pwede kasi itong tusukan ng karayom.
8. Balutin at antayin ang pasko. Iregalo sa kapitbahay na manyakis.
9. Gawing headband.
10. I-donate sa mga nasalanta ng bagyo.
11. Itago sa baul. Ipamana sa anak o pamangkin.
12. Magsimula ng scrapbook tungkol lang dito. Lagyan ng mga paro-parong sticker.
13. Putulin ng pahaba at idikit sa dulo ng mahabang stick, pwede na itong mop.
14. Gawing mittens.
15. *Applicable for briefs only: Gupitin ang parte ng lalagyan ng "asin". Itahi sa nakakubling bahagi ng jacket. Ayan may secret pocket ka na.
16. Subukang ibenta sa Sulit. Babaan ang ekspektasyon sa presyo. Tandaan, second-hand na ang binebenta mo. Maging propesyonal at magalang sa pagbebenta.
17. Pagpatong-patungin hanggang sa kumapal. Pwede mo na itong gamiting proteksyon sa kamay habang tinatapon ang mainit na tubig sa pancit canton.
18. Gawing sampayan. (Muling Pinapaalala: Gamitin ang GARTER hindi ang tela ng panty/ brief.)
19. Itapon sa madilim na lugar. Huwag mag-iwan ng ebidensya na magtuturo pabalik sayo.
20. Kung masyadong tinatamad gawin ang mga nakalatag na paraan sa itaas...
Isulat sa lumang panty/ brief ang buong pangalan ng magulang o kapatid o bestfriend o kaaway o kasambahay o kumpare o kahit na sinong gusto mo. Saka itapon sa basurahan.
YOU ARE READING
Kilawing Bolpen Mini Life Tips
HumorHello mga kabolpen! Have fun with the mini life tips! :)